"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon
"You're the one who ruined everything." - Dahyun
My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you.
Date Started: August 05, 2018
Date Completed: January 09, 2019
Sobrang weird ni Nayeon ngayong araw. Palagi niyang sinasabi na naiingayan at nabubuwisit siya kay Dahyun. Pero bakit parang gustong-gusto niyang makasama si Dahyun nang solo kanina?
Ni hindi sumama samin sa pagtambay sa tambayan, sa classroom talaga nagrecess kasama si Dahyun. Kung minsan, ang gulo rin talaga kausap ng kaibigan kong 'yun. Hindi malaman kung may gusto kay Dahyun o wala.
Si Nayeon kasi yung tipong indenial sa feelings niya. Kilalang-kilala namin 'yan. Palagi kaming sinusungitan ni Nayeon pero alam naman namin na mahal na mahal niya kami bilang bestfriends niya.
Siguro nasanay na siyang ikimkim sa sarili niya yung feelings niya dahil na rin sa kasanayan sa pagaaway ng magulang niya. Nasanay siyang hindi na lang ibahagi ang nararamdaman niya.
"Uwi na ko, Guys." Sabi ni Dahyun samin.
"Sige. Ingat! Pasabi na lang kay Chaeyoung na pumasok na siya." Sabi ni Mina kay Dahyun.
"Pasabi rin kay Tzuyu na kahit huwag na siyang magprepare ng food bukas. Baka mabenat siya. Kagagaling niya lang sa sakit." Sabi naman ni Momo.
"Masakit lang naman ang ulo niya pero wala siyang sakit." Sagot ni Dahyun kay Momo.
"Kahit na! Mabuti nang sigurado." Tumango na lang si Dahyun sabay labas na ng classroom para umuwi.
"Aalis na rin ako, Guys." Sabi ni Nayeon samin sabay kuha sa bag niya.
Sinalubong ko agad si Nayeon bago pa man ito makalabas ng classroom.
"Kailangan nating magusap." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Tungkol saan?" Tanong ni Nayeon sakin.
"Tama! May kailangan kaming itanong sayo." Dagdag ni Mina.
"Iinterview-hin ka muna namin tungkol sa isang mahalagang bagay." Sagot ni Momo kaya tumango na lang si Nayeon samin.
Naupo na muna kami sa armchair sa loob ng classroom hanggang sa magsialisan na lahat ng estudyante sa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Tungkol ba saan 'yon?" Pare-pareho kaming nakaharap kay Nayeon na clueless sa mga itatanong namin sa kanya.
"It's about you and Dahyun." Seryosong sagot ni Mina.
"Oh? Anong meron samin ng madaldal na 'yon?" Pumamewang pa siya sa harapan namin.
"May gusto ka ba kay Dahyun?" Tanong ni Momo.
"Ako? Anong klaseng tanong 'yan?" Kumunot-noo siya samin.
"Tell me, Im Nayeon. May nadedevelop ka na bang feelings para sa kanya?" Tanong ko rin.
"What? Bakit ba tinatanong niyo? Obvious naman eh." Sagot niya samin kaya natigilan kami.
"Obvious na may kakaiba sa pagtrato mo sa kanya." Sambit ni Mina.
"What are you talking about?"
"Kung ibang babae si Dahyun, malamang nasigawan mo na 'yon o ipinagtabuyan nang tuluyan. Pero siya si Kim Dahyun eh, yung madaldal na babaeng palaging nanggugulo sayo na ngayon ay ginugulo mo na rin." Paliwanag ko sa kanya.
"Are you jealous, Sana?" Seryosong tanong sakin ni Nayeon. Mismong sarili ko, napaisip rin ako. Nagseselos nga ba ko? Basta alam ko, nakaramdam ako ng pagaalala nang biglang maging weird si Nayeon kanina.
First time lang kasi niyang ginawa 'yon. Hindi naman siya yung tipong nagaalala para sa hindi niya ka-close. Isa pa, hinawakan niya sa kamay si Dahyun kanina sa harapan ng maraming tao. Nakakapagtaka.
"What if I say YES?" Kalmadong tanong ko sa kanya.
"Then there's no problem. Kung gusto mo siya, sayong-sayo na. Hindi ko nga siya kaibigan. Type pa kaya. Tsk." Sagot ni Nayeon sabay kamot sa ulo niya.
"Woah! Baka naman mag-away pa kayo niyan dahil kay Dahyun." Bilin ni Mina samin.
"No need to worry. Wala naman akong balak na agawan si Dahyun kay Sana. Kung gusto nila ang isa't-isa, Go! Hindi ako kokontra." Dagdag ni Nayeon kaya napahinga ako nang malalim.
"Sa ngayon, we're just friends. Hindi parin ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya." Pag-amin ko. Aminado kong natutuwa ako sa kanya. Makita ko lang siya, masaya na ko. Pero ayokong pangunahan yung feelings ko.
What if gusto ko nga siya pero hindi naman niya ko gusto? Paano na yung friendship na nasimulan namin? Ayokong mailang siya sakin. Natatakot ako na baka layuan niya ko kapag nalaman niyang interesado ko sa kanya.
"Sana! Babagal-bagal ka. Baka madevelop pa 'tong si Nayeon kay Dahyun. Dali ka!" Nakangising sabi ni Momo sakin.
"Sinabi nang hindi ko nga gusto si Dahyun eh. Tatadyakan ko na kayo diyan!" Asar na sagot ni Nayeon kaya napa-peace sign si Momo sa kanya.
"Iniklaro ko lang ang mga bagay-bagay dahil ayokong magkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan. Napansin kasi namin yung kakaibang trato mo kay Dahyun kanina. Naisip namin na baka type mo siya. Baka naisip mo na gusto mo pala talaga siya kaya ganun ka sa kanya kanina. Ayokong magkaroon ng gulo sa pagitan natin kung sisimulan ko mang pormahan siya." Paliwanag ko na lang kay Nayeon.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kontra sa love story niyo. Bahala kayo diyan. Basta hindi ko siya type. Sige na. Mauuna na kong umuwi." Sagot ni Nayeon sabay alis na.
Kumilos na rin naman kami para umuwi. Mabuti nang klaro kaysa magkaroon pa kami ng away dahil lang sa isang babae.
Kim Dahyun, Siguro nga gusto kita. Gusto kita pero paano kung hindi mo naman pala ako gusto? Ayoko lang na mawala yung friendship namin. She's a pure and nice person. Ayokong masira yung personality niya na pagiging positive at energetic. I just want to see her smile. To see her everyday.
💕To Be Continued💕
A/N: Mukhang bumibigat na ang labanan sa pagitan ng SaiDa at DaYeon. Kaninong side kayo? Laban! Hahahahaha.
Short update for you, Guys. 8am pasok ko bukas. Omg. Fighting!