Dahyun's Pov:
Lumipas ang mga araw na palagi kaming napupuyat ni Nayeon kakachat bago matulog. Hindi ko rin maintindihan eh.
Basta sa tuwing matutulog na ko, excite na excite akong abangan yung text o chat niya. Naging hobby ko na yata ang pakikipagusap sa kanya bago matulog.
Habang abala ako sa pakikipagchat sa kanya, biglang kumatok si mama sa pinto.
"Gising ka pa ba, Dahyun?"
"Opo, Mama. Bakit po?"
"Pwedeng pumasok sa loob?"
"Opo naman po." Agad rin namang pumasok sa loob si mama sabay tabi sakin.
"Nadadalas ata ang paguusap niyo ni Nayeon bago matulog. Palagi ka na lang puyat."
"Si--Sige po. Matutulog na po ko."
"Bago ka matulog, kwentuhan mo naman ako tungkol sa lovelife mo." Napatingin ako kay mama na nakangiti lang sakin.
"Po?"
"Magkwento ka sakin tungkol sa estado ng lovelife mo. Kumusta na kayo ni Nayeon?"
"Wala naman po kaming relasyon ni Nayeon."
"Ano ba talagang nararamdaman mo para sa kanya? Gusto mo ba siya? Huwag kang mag-alala. Hindi ako kokontra sa nararamdaman niyo para sa isa't-isa. Alam ko namang alam mo kung ano ang tama at mali eh. Gusto ko lang talagang malaman kung kumusta na ba yang puso mo?"
"Ma, hindi ko rin po alam eh. Hindi po ko sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya."
"Ano bang nararamdaman mo sa tuwing magkasama kayo?"
"Masaya po ko kapag nandiyan siya sa tabi ko. Naeexcite akong makausap siya kahit sa chat. Natutuwa akong makita yung mga selfie na inisesend niya sakin. Parang sasabog yung puso ko sa tuwing sasabihin niyang gusto niya ko."
"Nandito lang ako, Anak. Huwag kang matakot magmahal. Naniniwala naman akong mabuting tao si Nayeon. Nakikita ko namang sincere siya sa nararamdaman niya para sayo. Go with the flow, anak." Tumango na lang ako kaya lumabas na si mama para hayaan akong makapagpahinga.
Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon. Im Nayeon.
Hindi ako makatulog. Siya lang nang siya ang naiisip ko. Nababaliw na yata ako. Mabuti na lang walang pasok bukas. Ayos lang na mapuyat ako.
Ipinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa tuluyan na kong makatulog.
"Dahyun, gising na!" Naalipungatan ako sa pagtawag sakin ni mama. Maaga pa ah. Bakit ginigising na ko ni mama?
Pinilit ko na lang na bumangon para tigilan na ni mama ang pagtawag sa pangalan ko. Lumabas ako ng kwarto nang hindi man lang nagsusuklay ng buhok dahil tinatamad pa ko.
Pagbaba ko ng hagdan, dere-deretsyo akong nagpunta ng kusina para kumuha ng maiinom. Napabuga na lang ako ng tubig nang makita kong nakaupo sa sofa si Nayeon habang nakatingin sakin.
"Good morning, Dubu." Nakangiting bati niya sakin.
"Nayeon! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Pasensya ka na. Namiss kita eh. Hindi ko natiis. Gusto lang kitang makita."
"What the hell? Mukha kong bruha. Dapat nagsabi ka na pupunta ka." Sinubukan kong takpan yung mukha ko ng buhok ko. Nakakahiya. Itsura ko!
"Ano ka ba naman? Huwag mong takpan yang mukha mo." Sabi niya sabay lapit sakin.
"Yah! Huwag kang lumapit. Mabaho ako. Mabaho pa ang hininga ko. Amoy panis na laway pa ko. Mukha pa kong bruha. Hindi pa ko nakakaligo o nakakamumog. Di parin ako nakakapagsipilyo. Di parin ako nakakapagsuklay." Sinubukan kong lumayo sa kanya kaso mapilit talaga siyang lumalapit sakin.
"Tsk. Para 'yun lang? Kahit na ano pang amoy o itsura mo, wala akong pakialam. Wala paring magbabago sa pagtingin ko sayo. Ang cute parin kahit bagong gising."
"Sira. Huwag mo kong bolahin, Im Nayeon."
"Nagsasabi ako ng totoo. Saka masasanay din naman akong makita kang bagong gising balang araw eh."
"Huh?"
"Kim Dahyun, I know someday you'll be mine. I'll be your end game. You'll end up with me." Nakangiting sagot niya kaya namula na naman ako.
"A--Ano bang sinasabi mo?!"
"What I'm trying to say is that masasanay rin naman akong makita kang ganyan dahil ikakasal ka nga sakin. Don't worry, makikita mo rin naman akong bagong gising kasi magsasama nga tayo sa iisang bahay. Okay? Kaya tama na yang kakaiwas mo."
"Paano mo nasabi?" Napakunot-noo siya sakin pero napalitan din ng ngiti ang mukha niya.
"Kasi 'yun mismo ang gagawin ko. I'll marry you someday." Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko na mapigilan yung emosyon ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga birada niya. Pinakikilig ako ng bunny na 'to. Letche.
"Mas mabuti kung gumala kayo ngayong araw." Biglang sumulpot si mama na may dalang pagkain.
"Gusto ko nga po sanang yayain lumabas si Dahyun kaso mukhang busy siya." Sambit ni Nayeon kay Mama.
"Hindi siya busy. Sige na, Dahyun. Magayos ka na para makaalis na kayo." Aba. Walang tanong-tanong sakin kung payag ba kong sumama sa paggagala. Wala na kong nagawa kundi sumunod dahil naghihintay si Nayeon.
Hala. Anong isusuot ko? Nagpanic ako sa damit na dapat kong isuot. Mabuti na lang tinulungan akong mag-ayos ni mama habang naghihintay sa living room si Nayeon.
"Kunwari ka pa, Anak. Aayaw-ayaw ka pa. Gusto mo rin namang sumama."
"Ayos lang po ba ang itsura ko?"
"Oo naman! Hindi lang ayos, maganda rin! Sigurado kong magugustuhan ni Nayeon ang itsura mo. Goodluck sa date niyo ah."
"Mama naman eh."
"Sige na. Hinihintay ka na ni Nayeon sa baba. Kaya mo 'yan, Anak. Magpakatotoo ka lang. Huwag mong pigilan yung narardaman mo." Tumango na lang ako kay mama bago tuluyang balikan si Nayeon sa baba.
"Bagay sayo ang suot mo pero mas bagay tayo." Masayang sabi ni Nayeon sakin.
"Mabuti pa lumakad na kayo. Ingat." Sabi ni mama samin kaya lumabas na kami ng bahay. Bago sumakay sa kotse, huminto si Nayeon para tumingin sakin.
"Ba--Bakit?"
"It's a date." Sambit niya kaya natigilan ako. Date 'to? Magde-date kami?
"Na--Nayeon."
"Let's go. Excited na ko sa date nating 'to." Sumakay na kami sa kotse niya't bumiyahe na. Kinakabahan ako. Baka maboring siya sakin. Ito na talaga 'yun. Hindi ako makapaniwalang magdedate kami ngayong araw.
💐To Be Continued💐
A/N: Musta na, Guys? Hahaha. Ang bilis ng panahon. 51 chapters na pala 'to. Omg. Salamat sa lahat ng sumusuporta dito sa story. Saranghaeyo!
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019