65: L i a r

393 21 3
                                        

Sana's Pov:

Hindi ko gawain ang sumunod sa kahit saang puntahan ng ibang tao. Hindi ko gawaing manghimasok ng buhay ng iba. Pero iba yung nararamdaman ko kay Dahyun. Pakiramdam ko dapat ko siyang sundan. Pakiramdam ko dapat ko siyang bantayan.

Bakit? Dahil sa posibilidad na may mangyari sa kanyang masama. Maaari ring may mangyari sa kanyang hindi kanais-nais dahil sa nangyayari kay Nayeon ngayon.

Aminado rin naman akong napapansin ko yung pagbabago kay Dahyun. Pero sino ba naman ako para manghusga? Ayokong manggulo sa relasyon nila. Kung meron mang aayos sa namumuong problema nila, silang dalawa 'yun.

Ako? Kaya lang naman ako nandito ay dahil gusto kong makasiguradong magiging okay si Dahyun kahit na anong mangyari sa paguusap nila ni Nayeon. Halatang-halata ko yung lungkot na naramdaman niya kanina. Desidido talaga siyang magstay para lang hintayin si Nayeon.

Mahal na mahal niya si Nayeon to the point na nakakalimutan na niyang alalahanin ang sarili niya. And I guess, mahal na mahal rin naman siya ni Nayeon to the point na masyadong nagiging chill si Nayeon sa relationship nila.

Ayokong nakikitang malungkot si Dahyun. Ayokong nahihirapan siya kaya naman pinili kong sumunod sa kanya habang papunta siya sa bahay ni Nayeon. Ini-park ko ang kotse ko sa isang tabi kung saan hindi ako basta makikita.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Dahyun. Anong nangyari? Bakit parang ang bilis naman niyang umalis? May nangyari bang hindi maganda?

Hindi muna ako umalis. Akma sana akong pupunta sa bahay ni Nayeon pero natigilan na lang ako nang makita ko kung sino ang lumabas sa bahay. Jeongyeon? Oh my god. Anong ginagawa ni Jeongyeon sa bahay ni Nayeon? Sa tingin ko, may hindi magandang nangyari eh.

Hindi na ko nagsayang ng oras. Sumakay na ko sa kotse para maabutan si Dahyun na pasakay na sana sa bus sa bus station.

"Kim Dahyun." Pagtawag ko sa kanya. Nang mapalingon siya, hindi na ko nagdalawang-isip pang hilahin siya palapit sakin. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Sa---Sana."

"Mabuti naabutan kita." Sambit ko habang yakap siya.

"A--Anong ginagawa mo dito?" Napansin ko na naman yung kalungkutan sa mukha niya. Alam kong hindi siya okay. She needs me.

"Wa--Wala naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wa--Wala naman. May dinaanan lang ako malapit dito. Sakto. Nakita kita." Palusot ko sa kanya. Ayoko kasing isipin niyang para kong buntot na sunod nang sunod sa kanya.


"Palagi kang sumusulpot kung nasaan ako eh. Nakakagulat ka." Sambit niya kaya napangiti na lang ako. Ngumiti rin siya sakin pero hindi ko nararamdaman na masaya talaga siya sa mga oras na 'to. May kulang sa ngiti niya.

"Are you okay?"

"Ayan ka na naman sa mga weird na tanong mo. Haha. Of course. I'm okay." Napapangiting sagot niya sakin.

"Ano ba 'yan? Ang cute mo parin kahit malungkot ka. Nakakainis." Inayos ko yung buhok niya. Nakatingin lang siya sakin na tila hindi naiintindihan ang ginagawa ko.

"Ang weird mo ngayon, Sana."

"Kung kapalit ng pagiging weird ko ay ang mapangiti ka. Ayos lang sakin na maging weird. Kahit araw-araw pa."

"Binobola mo ko. Hahaha." Sagot niya sabay hampas nang slight sa braso ko.

"Kumusta na kayo ni Nayeon? Ano na? Kumusta na siya?"

"Ayun. Nabisita ko na siya. Ang tagal nga naming nagkwentuhan eh. Namiss namin ang isa't-isa. Solong-solo talaga namin ang oras namin together. Bumubuti na ang pakiramdam niya." Nakangiting kwento ni Dahyun sakin.

"Liar. I love liars." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan ang mata niyang nagsasabing hindi siya okay.

"H---Huh?"

"Come here. Let me give you a hug." Hinila ko na siya ulit palapit sakin. Niyakap ko siyang muli. Yung mas mahigpit. Kim Dahyun, you're not okay. Naiinis ako. Alam niyo kung bakit? Dahil alam kong hindi talaga siya okay. Hindi ko alam kung paano makakatulong para maging better ang pakiramdam niya.

"May problema ba kayo ni Nayeon?"

"Nako. Wala. Ayos na ayos kami. Mas sumaya pa nga eh." Sagot niya kaya napatikhom na lang ako ng kamay habang yakap siya. Kim Dahyun, why are you lying to yourself? You're not okay. I can feel it.

"Mabuti pa. Ihatid na kita pauwi sa inyo."

"Huwag na. Kaya ko na naman."

"No. Ihahatid na kita."

"Sa--Sana."

"Hindi ko hahayaang umuwi kang mag-isa sa inyo. Isa pa, don't think too much. Everything will be okay. Kung ano man 'yang bumabagabag sayo, nandito lang ako." Napansin kong namumuo na yung luha sa mata niya.

"I'm fine."

"Liar."

"But I'm really fine. I'm not lying."

"You and you're beautiful lies. I can't help it. Sige na. Tara na sa kotse. Ihahatid na kita." Wala na siyang nagawa kundi sumama sakin para sumakay sa kotse.

Hinayaan ko na muna siyang makapagpahinga sa bahay nila. Mas mabuting huwag muna niyang isipin ang mga bagay-bagay.  I think it's about time para kausapin ko si Nayeon. May hindi magandang nangyayari sa pagitan nila. Nararamdaman ko 'yun. I'll do everything para makatulong sa kanila.

Kahit hindi mapunta sakin si Dahyun, mas mahalagang maging masaya siya sa piling ng taong mahal niya. Okay na ko dun. Masasabi kong liar din ako. Bakit? Nagsisinungaling parin ako sa sarili ko eh. Pinipilit ko paring isipin na hindi ako nasasaktan. Sa totoo, ansakit-sakit nang makita siyang masaya sa tabi ni Nayeon. Pero anong magagawa ko? Kaibigan lang ako. Hanggang dun lang 'yun. Wala nang hihigit pa.

💐To Be Continued💐

A/N: Hindi naging maganda ang araw ko ngayon. Pagpasensyahan niyo na kung lame yung update ko. Hindi naging maganda yung result ng grade ko sa school. Nakakuha ako ng "5" sa Discrete Structure subject. Ibig sabihin bagsak 'yan. Yung 3 nga alanganin eh. Pero nakakuha naman ako ng "1.75" sa Purposive Communication which means pasado ko don. So 'yun nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin. Maraminh consequences kapag bumagsak ka sa college eh. Down na down ako ngayon. I feel so lost. Mahina kasi talaga ako sa subject na discrete structure. Hindi ako magaling sa logic. Kaya ayun halos mabaliw na ko sa kakaisip kung anong gagawin.

Malapit na nga pala ang birthday ko. Sa October 24 na. Mag-19 na ko. Hindi ko feel na magb-bday na ko. Isa pa, ika-3 years ko na ngayong October sa Wattpad. Thank you po sa lahat ng sumusuporta sakin.

Vote.Comment.Share

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon