Nayeon's Pov:
Kinabukasan, Nang pumasok ako sa school. Ini-park ko na ang motor ko sa parking area. Palakad na sana ako nang makita ko si Dahyun na papasok na rin.
Napatingin siya sakin kaya naman nagmadali akong tumalikod. Nang lumingon ako, nasa harapan ko na siya.
"Good Morning." Nakangiting bati niya.
"Aish. Nakakagulat ka naman! Bigla ka na lang nasulpot."
"Ayos ka na ba?"
"Sinasabi mo?"
"Sana maging maayos na ang kalagayan mo. Don't worry, I won't ask anymore. Mauna na ko sa loob." Dagdag niya sabay lakad na papasok.
Natigilan na lang ako habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok ng school. Anyare don?
Aish. Nakakahiya. Hindi parin ako makapaniwala na umiyak ako sa harapan niya kahapon. Mas hindi ako makapaniwala sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Ano bang pumasok sa isip ko kahapon? Tsk. Kahihiyan!
Sana walang makaalam ng nangyaring 'yon. Grabe! Kinikilabutan ako sa tuwing maaalala ko 'yon. Siguro mas magiging safe kung iiwas ako kay Dahyun. Mahirap na! Baka magkwento pa siya kila Sana. Sigurado kong aasarin ako ng mga 'yon.
Habang naglalakad ako papasok sa gate ng school, nakita ko si Mina na nakatingin sa direksyon ko. Bigla siyang ngumiti't kumaway-kaway pa. Agad rin naman akong kumaway sa kanya't ngumiti habang papalapit siya. Kaso nang malapit na siya sakin, nilagpasan niya ko.
What the hell? Nang lumingon ako sa likuran ko, nakita kong kay Chaeyoung siya dumeretsyo. Shet. Hindi pala ako yung kinakawayan ng gague. Muntanga ko don.
"Mabuti naman pumasok ka na. Aish. Hindi tuloy tayo nakapaglaro kahapon." Rinig kong sabi ni Mina kay Chaeyoung.
"Kaya nga eh. Don't worry, We'll play later." Nakangiting sagot ni Chaeyoung. Tsk. Bakit pa nila ginagawang excuse ang paglalaro kapag maglalandian sila? Landi pa more.
"Uy! Nandito ka na rin pala, Nayeon." Bati ni Mina nang makita ako.
"Hindi. Estatwa lang 'tong kaharap mo." Seryosong sagot ko sa kanya.
"Patawa ka, Nayeon. Sige na. Maglalaro muna kami ni Chaeyoung ng games habang hindi pa time. By the way, nakasalubong ko si Dahyun kanina. Ngiting-ngiti pa!" Dagdag ni Mina bago tuluyang umalis kasama ni Chaeyoung.
Napabuntong-hininga na lang ako't dumeretsyo na sa tambayan. Nagulat na lang ako nang makitang kumakain ng breakfast sina Momo at Tzuyu sa tambayan.
"Ginagawa niyo?!" Tanong ko sa kanila.
"Kumakain. Obvious ba?" Tanong ni Momo.
"Morning, Nayeon." Bati ni Tzuyu sakin.
"Look, Nayeon. Ipinaghanda ko ng breakfast si Tzuyu ngayon. Maaga kong gumising para magready ng ibabaong agahan para sa kanya." Proud na sabi ni Momo.
"Eh di kayo na." Bulong ko na lang sabay upo na lang sa gilid nila.
Maya-maya, nakita kong papunta na dito sa tambayan sina Sana at Dahyun. Magkasama na naman sila. Kainis. Mukhang tuwang-tuwa na naman silang kakwentuhan ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
