58: F e e l s

386 25 1
                                    

Happy 3k Reads, You Should Talk Fam! I love you.

Chaeyoung's Pov:

Sa paglipas ng araw, maraming nagbago. Kasama na roon ang estado ng lovelife ko. Yes, kami na ni Mina.

Gusto niyong malaman kung paano naging kami? Noon, Game Buddy ko lang siya. Ngayon, Love of my Life na.

Noon pa man, aminado na kong may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Aminado rin naman akong pinaniniwalaan ko noon yung mga sabi-sabing masama talaga ang ugali nila.

Actually, gustong-gusto ko talaga yung looks niya pero dahil sa mga tsismis na kumakalat tungkol sa grupo nila, minabuti ko na lang na balewalain yung attraction na nararamdaman ko sa kanya.

Nagbago ang lahat nang mapalapit kami sa grupo nila. Narealize kong hindi pala totoo yung sinasabi ng ibang estudyante na kapag napalapit ka sa grupo nila, mapapa-trouble ka. Hindi naman pala sila masamang tao.

Sa totoo, ang cute pala talaga ng grupo nila. Mukha lang silang masusungit at mayayabang sa simula pero kapag nakilala mo na sila, masasabi mong masaya silang maging kaibigan.

Dumating sa point na napalapit ako kay Mina. Nagsimula kaming magbonding sa pamamagitan ng paglalaro ng games sa phone man o computer. Nalaman namin yung pagkakaiba at pagkakatulad sa isa't-isa.

Habang tumatagal, hindi namin napapansing mas nagkakakilala pala kami. Naging komportable ako sa kanya sa mabilis na panahon. Araw-araw ko siyang kausap at kasama. Siyempre hindi mawawala yung oras namin sa paglalaro ng games.

Siguro dapat akong magpasalamat sa games dahil nagkalapit kami ni Mina. Kung noon puro games ang inaatupag namin kapag magkasama, ngayon mas marami kaming time para magkwentuhan pa tungkol sa isa't-isa.

So eto na nga 'yung moment na dapat kanina ko pa ikinuwento kaso ang dami kong daldal. May magagawa ba ko? Ang saya kasing alalahanin nung masasayang moments kasama siya.

Pauwi na sana ako that time since tapos na ang klase para sa araw na 'yun kaso bigla akong hinarang ni Mina.

"Pauwi ka na?" Tanong niya.

"Yeah. Ba--Bakit natanong mo?"

"Pwede mo ba kong samahan munang maglaro ng games?"

"Ngayon na?"

"Kung pwede lang naman pero kung busy ka, okay lang."

"No. Ayos lang sakin. Let's go." Sagot ko kaya napangiti siya. Nakita ko na naman yung ngiti niyang hindi ko magawang tanggihan. That cute gummy smile. I love it.

Pumunta muna kaming tambayan sa likod ng school para makapaglaro nang maayos. Natigilan ako nang makita ko yung itsura ng tambayan namin.

"A--Anong meron dito?" Puno kasi ng balloons at decorations yung tambayan.

"I did it for you." Napalingon ako sa kanya.

"For me?"

"Son Chaeyoung, may gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano 'yun?" Hinawakan niya ko sa kamay.

"Gusto kita. I love you." Nanlaki ang mata ko. Seryoso?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon