"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon
"You're the one who ruined everything." - Dahyun
My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you.
Date Started: August 05, 2018
Date Completed: January 09, 2019
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nayeon's Pov:
Who would've thought that I'll end up loving her? It took a long time for me to realize how much I love her. Look at me now, finally being happy 'cause of someone like her.
"Nayeon, mukhang masayang-masaya ka na naman ngayong araw ah." Tinapik ako ni Momo sa balikat habang naglalakad kami papasok sa gate ng school.
"Paano ko di sasaya? Eh makikita ko na ulit yung taong nagpapasaya sakin." Sagot ko na lang sa kanya.
"Ikaw ah. Mukhang malakas ang tama mo kay Dahyun." Pang-aasar ni Momo.
"Mukha ngang baliw na baliw na 'yan kay Dahyun eh. Tumatambay yan dito sa gate tuwing umaga para lang makasabay si Dahyun papasok sa loob ng school." Sabi naman ni Mina.
"Kahit ano pang sabihin niyo, wala akong pakialam."
"Iba na talaga 'tong si Nayeon. Binago ng pagmamahal. Haha." Sagot ni Momo.
"Paano? Maghihintay ka na naman dito sa gate hanggang sa dumating si Dahyun?" Tanong ni Mina sakin.
"Tama!" Pumuwesto na ko sa gilid ng gate para hintayin si Dahyun.
"Seriously? Haha. Para ka namang asong sabik na sabik makita ang amo eh." Sabi nila sakin habang palingon-lingon ako sa labas.
"Don't worry. Masaya akong gawin 'to." Nakangiting sagot ko sa kanila.
"Nasaan na yung Nayeon na palaging nakakunot-noo? Yung Nayeon na palagi na lang bad mood? Yung Nayeon na nakakatakot? Haha." Tanong nila sakin.
"Aish. Huwag na nga kayong madaldal. Kala niyo namang ako lang ang may pinagbago. Kayo rin kaya. Nasaan na yung Mina na walang alam gawin kundi maglaro ng games? Nasaan na rin yung Momo na hindi nagshe-share ng foods o nagluluto para sa iba? Ano?" Tumahimik sila sabay tingin sa isa't-isa.
"Mabuti pa ngang maghintay ka na lang diyan. Kung gusto mo huwag ka nang umalis diyan eh. Agawan mo na ng trabaho yung security guard." Sambit nila sabay lakad na papasok. Gague yung mga 'yun. Obvious naman na may relasyon sila kila Tzuyu at Chaeyoung eh. Hahaha.
Ang tagal naman ni Dahyun. Nasaan na kaya siya? Tiningnan ko yung relo ko. Bakit wala pa siya? Dapat mga ganitong oras nandito na siya eh. Absent kaya siya? Sana huwag naman. Naghintay pa ko ng ilang minuto. Wala parin siya. Baka nga absent siya. Miss ko na kaagad si Dahyun.
Nawalan tuloy ako bigla ng ganang pumasok ngayon. Wala pa yung inspirasyon ko eh. Napakamot-ulo na lang ako bago tuluyang maglakad papunta sa classroom dahil magbe-bell na para sa 1st subject namin.