Dahyun's Pov:
Magkakasama kami nila Chaeyoung at Tzuyu sa kwarto para magpahinga na nang bigla silang magtanong.
"Are you okay?" Tanong ni Tzuyu sakin.
"I'm fine."
"Sigurado ka ba?" Tanong naman ni Chaeyoung.
"Yes."
"Hindi ka okay. Kilala ka namin eh." Dagdag ni Chaeyoung kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"You can tell us everything, Dahyun. Alam mo 'yan." Sambit ni Tzuyu dahilan para matigilan ako.
"Naguguluhan ako eh."
"Ano bang bumabagabag sayo?"
"Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Oo. Aminado kong mahal ko parin siya pero hindi ko magawang maging matapang na muling subukan yung relasyon naming dalawa."
"Alam mo ----- challenge lang 'yan. Ikaw pa? Si Kim Dahyun ka kaya." Tinabihan nila ako't niyakap.
"Tama. Ako nga si Kim Dahyun. Si Kim Dahyun na naduduwag. Si Kim Dahyun na ayaw na ulit masaktan."
"Parte ng pagmamahal ang masaktan. Minsan kailangan mo ring malungkot, para makaramdam ng saya. Kung walang lungkot, wala ring saya." Sabi ni Tzuyu sakin.
"Anong gagawin ko?"
"Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Go with the flow. Naniniwala kaming kaya mo 'yan. Kung 'yung pinagdaanan mo noon nalagpasan mo, ngayon pa kaya?" Dagdag ni Chaeyoung sabay tapik sa balikat ko.
"Paano kung masaktan lang namin ang isa't-isa sa ikalawang pagkakataon?"
"Tigilan mo na 'yang kaka-paano mo. Mas lalo ka lang mawawala sa focus kapag ganyan. Ang maipapayo lang namin sayo ay ang sundin mo kung anong sa tingin mo ay tama. Alamin mo muna yang sinasabi ng puso mo."
"Sa--Salamat sa advice. Palagi kayong nandiyan para sakin."
"Ano ka ba? We're bestfriends. Magtutulungan tayo hanggang huli." Ngumiti sila sakin bago kami pumuwesto sa kanya-kanyang higaan.
Naalala ko bigla yung sinabi ni Nayeon sakin kanina. Sinabi niyang rerespetuhin niya kung ano mang maging desisyon ko.
Kapag sinabi kong tama na, hindi na siya magpupumilit pa. Bakit nasasaktan ako sa thought na sa oras na tapusin ko na nang tuluyan ang lahat, hindi ko na siya makikita?
Gulong-gulo na ang isipan ko. Ipinangako ko kay Mama Jihyo na hinding-hindi na ko papayag na masaktan na naman. Gusto kong subukan kaso hindi ko magawa. Masyado kong naduduwag. Noon pa man, duwag na talaga ako.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip ng dapat kong gawin. Kinabukasan, iminulat ko ang mata ko. Isang panibagong umaga na naman.
Nang lumabas ako sa kwarto, naglakad-lakad muna ako sa tabing dagat. Nakita kong nagba-bonding na sila Tzuyu sa dagat.
"Dahyun, Come here!" Tawag nila sakin. Nginitian lang ako ni Sana. Pinagmasdan ko lang silang magtampisaw sa dagat hanggang sa biglang may magsalita sa tabi ko.
"Uhm. Good morning." Si Nayeon pala.
"Oh. Hey! Good morning." Bati ko sa kanya. Bakit biglang ang awkward naman masyado ngayon?
"Nag-almusal ka na?"
"Hi--Hindi pa."
"Ako rin eh. Tara. Kain muna tayo. Nagprepare ako ng breakfast." Yakag niya sakin kaya tumango na lang ako't sumunod sa kanya.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019