Special Chapter #2

489 9 13
                                        

Diane's Pov :

Maraming tao ang nagsasabi na kahit kailan, hindi maaaring magsama ang dalawang taong may magkaibang kinalakihang buhay.

Pero bakit parang posible naman talaga? Kahit anong gawin kong pagtulak sa kanya palayo sa mundo ko, parang may magnet na mas nagpapalapit pa sa mundo naming dalawa.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan si Sana na abala sa pagpapatulog sa lola ko. Isang buwan na ring tumutulong sakin si Sana sa pag-aasikaso kay lola. Kung minsan, siya na mismo ang nagboboluntaryong magbantay kay lola sa tuwing kailangan kong mag-overnight sa trabaho.

Umuuwi na lamang ako na naaabutan si Sana na nakakatulog na pala sa sala. Kung wala si Sana, malamang hindi ko na alam kung paano ko pagsasabayin ang paghahanap ng kikitain at pag-aalaga kay lola.

"Diane." Natauhan ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"H ---Huh?"

"May problema ba?"

"Wala naman, Sana."

"Mukhang mahimbing ang tulog ng lola mo ngayon." Masayang sabi ni Sana sabay tingin kay Lola na napatulog na pala niya.

"Sana, Pwede ba tayong mag-usap sa labas?"

"Oo naman. Tungkol saan?" Agad na akong tumayo kaya naman sumunod na siya sakin.

Naupo muna kami sa bench sa labas. Tahimik at payapa ang paligid. Malamig ang panahon. Umaambon-ambon.

"Mukhang hindi na ata tama 'tong ginagawa natin." Panimula ko sa kanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya sakin.

"Isang buwan ka na ring pabalik-balik dito sa amin. Isang buwan ka na ring napapagod sa kakatulong sakin sa pag-aalaga kay Lola."

"Diba napag-usapan na natin 'to noon? Wala namang namilit sakin na gawin 'to. Boluntaryo akong tumutulong sa inyo dahil 'yun ang gusto kong gawin."

"Pero Sana --- alam naman natin na magkaiba yung mundo natin. Langit ka, Lupa ako. Mayaman ka, Mahirap ako." Matapang akong tao pero aminado akong sa mga oras na 'to, pakiramdam ko ang hina-hina ko dahil natatakot ako sa nararamdaman ko para sa taong kaharap ko ngayon.

"Diane, Hindi naman basehan 'yun. Kahit na ano pang buhay ang meron ka, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Kahit na ang tapang-tapang mo. Kahit na ang sungit mo kung minsan. Kahit na lapitin ka sa gulo. Wala akong pakialam. Basta ang mahalaga sakin, makasama kita."

"Maghanap ka na lang ng iba, Sana."

"Hindi ganon kadali 'yon, Diane. Sa isang buwan na nakasama kita, ibang-iba yung pakiramdam ko. Marami akong naranasan na hindi ko pa nararanasan noon. Naalala mo noong napaaway tayo noong may mangsnatch ng wallet mo? Hindi ko inaasahan na bubugbugin mo yung snatcher. Tapos napadpad tayo sa presinto. Diane, hindi ako yung klase ng taong napapaaway nang basta-basta. Sa katunayan, ayaw na ayaw kong nasasangkot sa ano mang kalokohan. Pero noong kasama kita sa mga kalokohang 'yon, pakiramdam ko hindi ko na kailangang pigilan ang sarili ko na huwag sumubok ng mga bagong bagay." Paliwanag niya sakin kaya naman napatikhom ang kamao ko. 

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon