17: We're Not Friends

694 32 1
                                        

Dahyun's Pov:

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko inakalang sobrang caring pala ni Nayeon kahit hindi man niya aminin.

Natouched ako sa mga bagay na ginawa niya para sakin. Ang tanong, bakit parang naglaho yung masungit, matigas ang ulo at palaging nakakunot-noo na Nayeon? Nasaan na 'yun?

Kasi sobrang kakaiba yung naging kilos niya simula nang iligtas niya ko sa mga estudyanteng nantrip sakin. Akala ko talaga mapapatay na nila ko sa karahasan na ginawa nila sakin.

Pero kahit ganun, hindi ko na lang sila pagkakaabalahan. Hindi na ko magaaksaya ng oras para parusahan sila o gantihan man lang. Naiisip ko kasi na what if may mga problema lang sila sa buhay kaya nagawa nila sakin 'yon? What if ako lang yung napili nilang pagbuntungan ng galit nila?

Mukha kong tanga noh. Oo, maraming nagsasabi sakin niyan sa tuwing may nakakasakit sakin. Sinasabi nila na kailangan kong gumanti. Pero hindi yun ang pananaw ko sa buhay. Dun parin ako sa inituro ng mama ko na huwag gagamit ng karahasan laban sa karahasan.

Sana maging maayos na ang buhay ng mga nantrip sakin kanina. Siguro ilan lang sila sa mga kabataang may pinoproblema sa pamilya nila. Maswerte nga ko eh. Meron akong mama na maalagain at mapagmahal.

Sa mga oras na 'to, nakaangkas ako sa motor ni Nayeon habang abala siya sa pagmamaneho. Aminado kong medyo nakakailang na ang caring niya ngayon pero aminado rin naman akong natutuwa akong makita yung side niyang 'yun.

Nang dumating kami sa harapan ng bahay, medyo madilim na. Sarado na rin ang karinderya ni Mama.

"Dito na ko. Salamat, Nayeon."

"Are you sure na kaya mo na?" Seryosong tanong niya.

"Yes. Kaya ko na. Thank you ulit." Paalis na sana si Nayeon nang bigla kong marinig ang boses ni Mama.

"Bakit hindi mo muna papasukin sa loob ang kasama mo?" Napalingon ako sa bintana. Hala. Nakatingin si Mama. Napalingon na lang ako kay Nayeon na nakatingin lang sakin.

"Si--Sige. Pasok ka muna sa loob." Sambit ko kaya sumunod na lang si Nayeon. Inisama ko na siya papasok sa loob ng bahay. Aish. Sana hindi malaman ni Mama.

Hinayaan ko munang maupo sa sofa si Nayeon. Pumunta ko sa kusina para lapitan si Mama na nagluluto ng dinner namin.

"Bakit ngayon ka lang, Anak? Sino ang kasama mo?" Hindi galit si Mama pero nakikita kong nag-alala talaga siya.

"Sorry po, Mama. Classmate ko po 'yun, si Nayeon."

"Sandali. Anong nangyari sa braso mo? Bakit may pasa at sugat ka sa braso? Ayos ka lang ba, Anak?" Nagaalalang tanong ni Mama.

"Po? Ahm. Ayos lang po ako. Huwag po kayong mag-alala. Me--Medyo nadulas lang po ako habang pababa sa hagdan sa school. Gasgas lang naman po at konting pasa ang natamo ko. Gagaling din po ito."

"Ganun ba? Nako. Magiingat ka sa susunod, Anak. Alam mo namang ayokong nasasaktan ka eh." Niyakap ako ni Mama.

"Pangako po, Hindi na mauulit."

"Bakit magkasama kayo ng classmate mo? Classmate mo lang ba talaga 'yan?" Mapangasar na tanong ni Mama.

"Po? Opo. Classmate ko lang po si Nayeon. Mabuti nga po dumating siya kanina para tulungan ako. Kaya natagalan po kong umuwi dahil medyo sumakit yung paa ko kanina. Mas better na po ang kondisyon ko ngayon dahil sa tulong ni Nayeon."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon