Nayeon's Pov:
Habang nagmamaneho ng motor pauwi sa bahay, hindi ko maiwasang maalala yung moment na tinanggap na ni Dahyun yung bigay ko sa kanya kanina.
Ang cute ng reaction niya. Mukhang nagustuhan talaga niya yung ibinigay ko. Hindi ako nagkamali ng binili. Mahilig nga talaga siya sa cute stuffs.
Kinabahan ako na baka hindi niya tanggapin pero mabuti na lang, tinanggap niya. Siguro kung hindi niya 'yun tinanggap, malamang nabaliw na ko. Bakit? Hindi kasi ako sanay ng nagbibigay ng regalo sa ibang tao. Nakakakaba rin kayang ma-reject.
Nang makauwi ako sa bahay, siyempre may pinagtatalunan na naman ang parents ko.
Pero bakit ganun? Ni hindi ko na nagawang alalahanin yung pagtatalo nila dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Im Nayeon, Saan ka na naman pumunta?" Tanong ni Dad sakin.
"Sinamahan ko lang po yung classmate ko." Kalmadong sagot ko.
"Saan?" Dagdag na tanong naman ni Mom.
"Papahinga na po muna ko. Sige po. Enjoy your arguement." Nasabi ko na lang sa kanila sabay lakad pataas sa hagdan.
Nagmadali akong pumasok sa kwarto't nahiga na muna sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ewan ko ba. Basta ang pakiramdam ko ngayon, para kong lumulutang sa saya.
Ano na kayang ginagawa ni Dahyun sa ibinigay ko sa kanya? Suot kaya niya yung bracelet? Yakap kaya niya yung stuffed toy? Aish. Nakucurious ako.
Gusto kong malaman. Pero paano? Napaisip na lang ako hanggang sa may maisip akong ideya.
Kinuha ko agad yung phone ko't ini-accept na yung friend request niya sakin sa facebook. Sakto namang online siya kaya hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa.
Nagwave muna ko sa kanya bago magsend ng message.
"What's Up, Kim Dahyun?"
"Oh! Hello Nayeon. Salamat nga pala sa bigay mo kanina. Mabuti naman inaccept mo na ang friend request ko. Haha."
"We're friends. Masama bang i-accept na kita?"
"Hindi naman. Naninibago lang ako eh. Pero salamat talaga sa gift mo. Don't worry, I'll cherish it."
"Mabuti kung ganun. Subukan mong iwala o pabayaan 'yan, lagot ka sakin."
"Opo! Hindi ko po ito iwawala o pababayaan. Next time, ako naman ang magbibigay ng gift sayo."
"No need. Hindi ako humihingi ng kapalit. Gusto ko lang talagang ibigay sayo 'yan."
"Hindi pwede. We're friends, right? Ang magkaibigan nagbibigayan. Gusto rin kitang bigyan ng kung anong magugustuhan mo."
"Ganun ba? Sa tingin ko, alam ko na kung anong magandang ibigay mo sakin."
"Ano naman 'yun? Sige! Huwag kang mahiya sabihin sakin kung ano 'yun. I'll do my best para maibigay sayo 'yun."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman! Dapat lang na bigyan din kita kasi ang cute talaga ng ibinigay mo. Suot ko parin yung bracelet at yakap ko yung stuffed toy habang nakahiga sa higaan ko."
"Ang gusto kong ibigay mo sakin ---- picture mo habang yakap yung stuffed toy at suot yung bracelet. Okay lang?"
"Huh? Bakit 'yun?"
"Wala lang. Naisip ko lang 'yun. Siyempre para masigurado ko kung yakap mo ba talaga yung stuffed toy at suot yung bracelet."
"Aish. Sige na. Muntanga ko eh. Mukha kong bruha tapos hihingi ka ng selfie."
"Bruha ka naman talaga."
"Ang harsh!"
"Joke lang. Sige na. Naeexcite na kong makita ka."
"Ako? Aba. Umiba ata ang ihip ng hangin. Sabik ka nang makita ako? Haha." Shet. Tama ba yung pagkakasabi ko sa kanya? Parang ang weird ah.
"I mean, excited na kong malaman kung totoo ba ang sinasabi mong iche-cherish mo yung ibinigay ko. That's it."
"Sige na! Magpipicture na ko tapos isesend ko sayo para makampante ka naman haha."
"Mabuti naman. Huwag ka nang mag-ayos ah. Wala parin namang mababago eh."
"Kasi bruha ako? Ang bad!"
"Basta! Bilisan mo na. Ibigay mo na rin sakin phone number mo incase na kailangan kitang tawagan."
"Opo. Wait lang po." Napangiti na lang ako habang hinihintay yung selfie niya. Totoo naman ang sinabi ko eh. Walang magbabago kahit mag-ayos man siya o hindi. Cute parin siya.
Maya-maya, inisend na niya ang phone number niya kaya inisave ko na sa Contacts ko. Makalipas ang ilang minuto, yung selfie naman ang inisend niya.
Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa cuteness niya sa inisend niyang selfie. Yakap niya talaga yung stuffed toy at suot yung bracelet.
"Ayan na po ang selfie ko. Happy?"
"More than happy. Hahaha."
"Can I ask you something, Nayeon?"
"Ano yun?"
"Pwede ko bang i-upload sa facebook yung selfie ko?"
"Huh? Si--Sige. No problem."
"Ayun! Salamat. Nagdadalawang isip kasi ako kasi baka ayaw mo pala ng nalalaman ng iba na nagbigay ka sakin ng gift."
"Just do it. Huwag mong intindihin yung ibang tao. Isa pa, gusto kong malaman ng lahat na maswerte ka dahil binigyan kita ng ganyan."
"Yabang. Hahaha."
"Hahaha. Maswerte ka naman kasi talaga. Maswerte rin ako."
"Oh. Bakit ka naman maswerte?"
"Kasi may kaibigan akong bruha na katulad mo haha."
"Ang bad talaga hahaha. Sige na nga. Babye na muna. Papahinga muna ko."
"Sure. Pahinga ka na muna."
Nang matapos ang conversation namin sa messenger, inicheck ko yung profile niya. Ini-upload nga niya yung selfie niya na may caption na "Thank you so much, Nayeon."
Hindi ko maiwasang mas mapangiti dahil sa cuteness niya. Nag "Haha" react ako sa picture niya bago tuluyang magpahinga sa higaan ko.
Ewan ko kung bakit nagkaganito ang bond naming dalawa. Basta ang alam ko, magkaibigan na kaming dalawa. Masaya ako sa bagay na 'yun. Hindi ako nagsisising maging kaibigan siya.
💙To Be Continued💙
A/N: Sorry sa slow update. Fighting parin hahaha. Mag-ingat po tayong lahat dahil hindi maganda ang panahon.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019