72: P r o u d

352 17 5
                                    

Nayeon's Pov:

This is it. Ito na ang araw ng graduation namin. Excited na ko. Ang tagal naming hinintay ang araw na 'to. Ngayon abot kamay na namin.

Nag-aayos ako ng sarili sa bahay. Si Mom ang kasama kong kukuha ng diploma ko. Masayang-masaya ako. Wala na kong mahihiling pa.

"Anak, hindi mo ba talaga iimbitahan ang Dad mong pumunta sa graduation ceremony mamaya?" Tanong ni mama habang nagaayos ako.

"Mom, ilang beses ba nating kailangang pag-usapan ang tungkol don? I already told you. Ayoko siyang kasama. Ayoko siyang maging parte ng isa sa pinaka-importanteng moment sa buhay ko. Okay?"

"Pero kasi anak----diba pangarap mong makasama kami ng Dad mo kapag kukuha ka na ng diploma mo."

"Noon 'yun, Mom. Noon."

"Naisip ko lang naman baka kasi magbago ang isip mo. Minsan lang mangyari 'to sa buhay mo."

"Mom, matagal na nating hindi kasama si Dad. May sarili na siyang buhay. Mag-move on na rin tayo. Akala ko ba okay na tayo na hindi siya kasama? Wala na kong pakialam sa buong pamilya na 'yan. Masaya na ko sa kung anong meron ako ngayon."

"Si--Sige. Kung 'yan ba ang desisyon mo, Anak. Proud ako sayo. Gusto kong malaman mo."

"Thanks, Mom. Tapos na ang usapan tungkol kay Dad, Okay? Patutunayan ko sa kanya na hindi natin siya kailangan."

"Alam kong pinalaya ko na ang Dad mo pero---Dad mo parin siya."

"And So? Pinabayaan niya ang pamilyang 'to. Wala na siyang babalikan. Yung mga katulad niyang manloloko hindi na dapat pinapatawad at tinatanggap."

"Anyway, Kumusta na kayo ni Dahyun? Mukhang nadadalas ang pagsama mo sa Jeongyeon na 'yun ah."

"Okay naman po kami ni Dahyun. Masaya siyang suportahan ako sa mga gusto kong gawin. Kaibigan ko po si Jeongyeon eh. Gusto kong makatulong sa pagkalimot niya sa family problem niya. Nakakarelate ako sa kanya."

"Ganun ba? Sige na. Bilisan mo na ang kilos. Baka ma-late tayo." Tumango na lang ako't nagmadali na. Matapos magready, bumiyahe na kami ni Mom sa gaganapan ng graduation ceremony namin. Handa na ang lahat.

Dumarami na ang ibang estudyanteng gagraduate kasama ang mga pamilya nila. Napalingon ako sa di kalayuan. Nakita ko sila Sana kasama ang parents nila. Ang tagal ko na rin silang hindi nakakausap. And so? Wala naman akong ginawang masama eh. Hindi ako 'yung may kasalanan. Bakit ako ang maga-adjust sa kanila?

Tsk. Palagi naman nila kaming jina-judge ni Jeongyeon. Anong tingin nila sakin? Masamang tao? Manloloko? Magkaiba kami ni Dad. Hinding-hindi ako tutulad sa kanya. Kinasusuklaman ko ang katulad niya.

Habang naghihintay, nakita ko na si Dahyun kasama ang Mama Jihyo niya.

"Dahyun!" Nagmadali siyang lumapit sakin kasama ang Mama niya. Nagkwentuhan muna ang nanay naming dalawa sa isang tabi.

"Excited ka na ba?" Masayang tanong ko sa kanya.

"Sobra!" Halata sa mukha niya ang excitement eh.

"Finally. Gagraduate na tayo. Ang bilis ng panahon noh. Hayaan mo. Pagkatapos nating mag-graduate, ieenjoy natin ang life natin nang magkasama."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon