84: Still You

440 20 1
                                    

Dahyun's Pov:

"Guys! Wala na ba tayong naiwan?" Tanong ni Tzuyu nang matapos naming ilagay sa van ang lahat ng dalahin namin.

"Yung mga pagkain? Nailagay na ba sa van lahat?" Paninigurado ni Momo.

"Dala na natin lahat." Sagot ni Chaeyoung.

"Ikaw pa hahayaan naming magutom? Akong bahala sayo." Sambit ni Tzuyu sabay wink pa kay Momo.

"Naglalandian na naman kayo diyan. Ew!" Extra naman ni Mina.

"Pwede din naman tayong maglandian, Chaeng. Come here." Sabi naman ni Chaeyoung sabay akbay kay Mina.

"Mas malandi kayo sa kanila." Sabi ni Sana kila Chaeyoung at Mina.

"Eh di maglandian din kayo ni Dahyun!" Sabi nila Momo samin ni Sana.

"Gague talaga kayo!" Nasabi ko na lang. Si Sana 'yung magda-drive kasi van ng family niya ang sasakyan namin. Akma na sana akong uupo sa passenger seat sa unahan nang pigilan ako ni Sana.

"Dahyun! Dun ka na lang muna sa likuran umupo."

"H--Huh? Pwede naman dito sa tabi mo."

"Oo, pero may ilalagay kasi akong mga gamit diyan."

"Pwede namang sa likod na lang ilagay kung ano mang gamit yon."

"Basta dun ka na muna sa bakanteng seat sa likod."

"O--Okay. Sabi mo eh." Kumilos na ko para maupo sa likuran.

"May tampuhan ba kayo? Ayieh." Pang-aasar samin nila Mina.

"Gague kayo. Wala!" Sagot ni Sana sa kanila.

"Let's go! Excited na kong magswimming." Atat na sabi ni Chaeyoung.

"Tama! Excited na kong makitang nakaswimsuit si Tzuyu." Napatingin kaming lahat kay Momo. Nginitian niya lang kami. Siraulo talaga 'tong si Momo.

"Wait lang. May isa pa tayong kasama." Sabi samin ni Sana.

"Sino?" Tanong ko.

"Ayan na pala siya." Napalingon sa labas. Ni hindi agad ako nakapagsalita nang makita si Nayeon. Bakit kasama siya?

"Hey Nayeon!" Bati nila Momo sa kanya.

"Hello, Guys. Pasensya na. Meyo na-late ako." Sambit ni Nayeon bago tuluyang ilagay ang gamit niya sa loob ng van. Mas nagulat ako nang sakin siya tumabi. Tsk. Ang awkward nito.

"Uy! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Pang-aasar nila Tzuyu.

"Magsitigil kayo!" Napakunot ako ng noo.

"Tara na. Aalis na tayo." Sabi samin ni Sana bago tuluyang paandarin ang van. Ito ba ang dahilan kung bakit dito ko pinapwesto ni Sana sa likod? Para makatabi ko ang gague na 'to?

Aminado kong hindi pa ko handang makasama ulit si Nayeon. Pero anong magagawa ko kung kasama siya sa bakasyon namin? Hindi ko naman maipagkakaila na parte parin siya ng tropa. Hindi na lang 'to tungkol sakin o saming dalawa, tungkol 'to sa buong samahan. Hindi ko sisirain ang mood ng lahat dahil lang sa nakaraan namin ni Nayeon.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon