40: Get Out

481 24 0
                                        

Sana's Pov:

"Nasaan na naman ba sila Dahyun at Nayeon?" Rinig kong tanong ni Tzuyu habang naghihintay kami sa teacher namin para sa 1st subject.

Hindi parin kasi dumadating sila Nayeon at Dahyun. Male-late na naman sila sa 1st subject.

"Palagi na lang late 'yung dalawang 'yun nitong mga nakaraang araw." Sambit ni Chaeyoung.

"Yan ang hirap kapag magkachat magdamag." Rinig kong sagot naman ni Momo.

"Sinabi mo pa, Momo. Hindi na nga yata huminto sa paguusap yung dalawang 'yon. Magkakapalit na ng mukha eh." Sabi naman ni Mina.

Napahinga na lang ako nang malalim habang pinakikinggan ang usapan nila Mina tungkol kila Nayeon at Dahyun. Napapansin kong simula nang mas maging close sila, halos sila na lang palagi ang magkasama.

Sabay pumasok. Sabay ding uuwi. Hindi ko na nga gaano nakakausap si Dahyun eh. Kung makausap ko man siya, tungkol sa mga activities at assignments lang.

Bigla ko tuloy namiss yung mga panahong marami pa kaming oras na magkasama. Madalas silang malate ni Nayeon ngayon. Madalas din silang napapagalitan ng 1st subject teacher namin.

Nagkatinginan kami nila Momo nang dumating na ang teacher namin. Tsk. Late na naman yung dalawa. Hindi naman sa sinasabi kong bad influence si Nayeon kay Dahyun pero parang napapabayaan na ni Dahyun ang pagpofocus sa studies niya ngayon. I don't blame Nayeon for it. Of course, kilala ko si Nayeon. Kaibigan ko 'yun eh.

Sana lang walang maidulot na masama sa isa't-isa 'tong madalas na pagsasama nilang dalawa.

Nagsimula na ang discussion ni ma'am, hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa labas ng classroom para tingnan kung dumating na ba sila.

"Minatozaki Sana." Natauhan ako nang tawagin ni ma'am ang pangalan ko.

"P--Po?"

"Are you with us?"

"O--Opo."

"Sige nga. Anong tanong ko?"

"Are you with us? Ma'am." Biglang nagtawanan yung classmates ko kasama na rin sila Momo. Tungunung 'yan. Anong tinatawa-tawa nila? Sinabi ko lang naman yung totoo ah. "Are you with us?" naman talaga yung tanong ni ma'am.

"Get out of my class, Minatozaki Sana." Nabigla ako sa sinabi ni ma'am. Bakit ako lalabas? Wala naman akong ginagawang masama ah. Ang gara!

"Bakit po?"

"Hindi ka talaga nakikinig. Hindi yun ang tinutukoy kong tanong. Tungkol sa lesson 'yung question ko. Lumabas ka muna sa klase ko. Bumalik ka kapag nakafocus ka na't nakikinig sa lesson." Sagot ni ma'am kaya wala na kong nagawa kundi mapakamot-ulo na lang bago bitbitin ang bag ko para lumabas ng classroom.

Nakakainis naman kasi. Malay ko ba na iba yung tinutukoy ni ma'am na tanong. Mukhang wala talaga ko sa focus ngayon. Aminado kong isa ko sa troublemakers pero hindi naman talaga ako umaabot sa pinapalayas ng teacher sa classroom. Nakakahiya.

Naupo na lang ako sa isang tabi sa labas ng classroom para hintayin ang bell para sa next subject. Maya-maya, dumating na sila Dahyun at Nayeon nang magkasama. Nagmamadali silang dalawa.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon