20: Feelings

633 36 6
                                        

Sana's Pov:

Naabutan naming nakatayo sa labas ng classroom si Nayeon. Nagtaka agad kami kung anong dahilan ng pangiti-ngiti niya habang nakasilip sa loob ng classroom.

Nang mapalingon ako sa loob ng classroom, nakita ko si Dahyun na masayang kumakain. So she's the reason why Nayeon is smiling.

I see, kakaiba talaga ang charm ni Dahyun. Kahit si Nayeon na walang ginawa kundi magsungit at kumunot-noo, napapangiti niya.

Sumama na muna samin si Nayeon sa tambayan habang hindi pa nagtatime para sa first subject ngayong araw.

"Bakit kasi wala pa si Tzuyu? Nagugutom ako eh." Reklamo ni Momo sa isang tabi.

"Hoy! Yung pagkain ba talaga ang gusto mo o mismong si Tzuyu?" Tanong ko kay Momo na natigilan.

"Siyempre yung pagkain."

"Weeeeh? Talaga ba? Hindi ka man lang ba nakaramdam ng kahit konting attraction kay Tzuyu?"

"Inaamin ko na----maganda siya. Mabait. Siyempre mapagbigay din." Sagot ni Momo kaya napatawa na lang kami ni Mina.

"Asus! Baka mamaya niyan ma-inlove ka dun. Para kang nakakuha ng personal chef mo eh. Palagi na lang may dalang pagkain para sayo." Sabi naman ni Mina.

"Hindi ko naman siya pinipilit na dalhan ako ng foods. Kumbaga ginusto niya 'yun. Kusang-loob. Feeling ko nga---"

"Anong feeling mo?" Tanong namin kay Momo na biglang napangiti.

"Feeling ko type niya ko." Nakangiting sagot ni Momo kaya natawa kami.

"Assuming! Bwahahaha." Tawa kami nang tawa sa kanya.

"Anong nakakatawa don? Feeling ko talaga may gusto siya sakin. Sino ba naman kasing makakatiis sa cuteness ko?" Proud na sabi ni Momo kaya um-oo na lang kami sa kanya. Medyo may pagkamahangin din talaga 'tong si Momo eh.

Porke't palagi lang siyang binibigyan ni Tzuyu ng foods, type na agad siya. Hahaha. Pero malay nga namin type talaga siya ni Tzuyu. At malay din namin na type niya rin pala si Tzuyu. Bagay naman sila. Wala kaming kontra kung simulan na nilang ma-inlove sa isa't-isa.

"Nagtext sakin si Chaeyoung. Hindi daw sila makakapasok ni Tzuyu. May importanteng lakad daw siya." Malungkot na sabi ni Mina.

"Oh! Bakit parang malungkot ka?" Tanong ko sa kanya.

"Namimiss niyan si Chaeyoung." Sabi naman ni Nayeon sa isang tabi.

"Namimiss ko kasing maglaro kasama siya."

"Yung laro ba talaga ang namimiss mo o siya?" Nakangising tanong ni Momo.

"Pareho." Seryosong sagot ni Mina kaya napatingin kami sa kanya.

"Seryoso?" Tanong naman ni Nayeon.

"Oo. Seryoso. Anong magagawa ko? Eh, ang galing ng tandem namin sa paglalaro ng games. Siyempre kahit paano naging close rin kami sa paglalaro. Ano ba kayo? Yun lang 'yon!"

"Hahah. Talaga ba?" Natatawang tanong ko.

"Aish. Basta bahala kayo diyan." Sabi nalang ni Mina sabay tahimik sa isang tabi.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon