Sana's Pov:
Habang abala ako sa pagbabayad ng gasolina, hindi ko maiwasang mapalingon sa van.
Silang dalawa lang ang nasa loob. Siguro tamang chance na 'yun para sa kanila. Para makapag-usap sila nang maayos.
Siguro iniisip niyong isang malaking katangahan na namang hinayaan ko si Nayeon na mapalapit muli sa taong mahal ko. Para sakin, mas katangahan 'yung ipagsiksikan ko 'yung sarili ko sa taong hinding-hindi naman ako ang pipiliin---kahit kailan.
Gusto ko nga siya, may gusto naman siyang iba. Mahal ko siya, mahal nga niya ko pero hanggang kaibigan lang.
Ayokong ipilit ang sarili ko kay Dahyun dahil alam kong mahihirapan siya. Alam kong masasaktan rin siya. Ayokong magpanggap siya na ako na yung gusto niya dahil nararamdaman kong kahit kailan, hindi ko napalitan si Nayeon sa puso niya.
Sa tagal ng pagsasama naming dalawa, ni minsan hindi ko naramdaman na nakalimutan na talaga niya ang pagmamahal niya para kay Nayeon.
Siguro nga wala akong laban kay Nayeon. Anong magagawa ko? Hindi naman ako 'yung first love niya. Hindi ako 'yung nagustuhan niya. Si Nayeon 'yun eh. Noon hanggang ngayon, si Nayeon parin.
Isa pa, ayokong masira yung pagkakaibigan at samahan namin ni Nayeon. Maaaring nakagawa siya ng hindi maganda noon pero nararamdaman at nakikita ko naman sa kanya na sincere na siya.
Gusto talaga niyang patunayan na deserve niyang makatanggap ng second chance. Sino ba naman ako para manggulo sa kanila? Gusto parin naman nila ang isa't-isa eh.
Pero alam kong kahit na hinayaan ko na si Nayeon na makalapit na muli kay Dahyun, wala naman sakin 'yung desisyon ng pagbibigay ng second chance.
Si Dahyun parin yung magdedesisyon sa bagay na 'yun. Ang tanging magagawa lang namin ay sumuporta sa kanilang dalawa. 'Yun lang.
Nang bumalik na kami sa van, napalingon ako kay Dahyun na obvious na hindi komportable. Malamang nakapag-usap na sila. Magiging maayos rin ang lahat. Sana maging maayos na talaga ang lahat.
Nagpatuloy ang biyahe namin hanggang sa marating na namin ang beach resort ng pamilya ko. Excited na lumabas ng van sila Chaeyoung habang bitbit ang mga dalahin namin.
"Sana, Anak! Mabuti nakarating na kayo." Masayang bati samin nila Mom at Dad. Niyakap ko sila nang mahigpit.
Siyempre, niyakap rin sila ni Dahyun dahil para na rin silang pangalawang magulang nito.
"Kumusta po?" Bati ni Dahyun sa kanila.
"Maayos naman, Iha. Kanina pa kami naghihintay sa pagdating niyo. Handa na ang mga kwartong tutuluyan niyo." Sagot ni Mom.
"Sana, mabuti pa samahan mo na ang mga kaibigan mo. Enjoy kayo. Maiwan na muna namin kayo dahil marami pa rin kaming inaasikaso." Dagdag naman ni Dad.
Nang umalis na ang magulang ko, ako na ang nag-asikaso ng lahat. Dalawang kwarto ang gagamitin namin.
"Sino-sino ang magkakasama sa kwarto?" Tanong ni Mina.
"Gusto kong kasama si Mina." Sabi kaagad ni Chaeyoung.
"Hindi. Ganito ang mangyayari. Kasama ko sila Mina, Momo at Nayeon." Paliwanag ko sa kanila.
"Andaya!" Nagreact kaagad si Momo.
"Magkakasama naman kami." Nakangiting sabi ni Dahyun sabay akbay sa dalawang bestfriend niyang sila Tzuyu at Chaeyoung.
"Okay na ang lahat. Let's go!" Sambit naman ni Nayeon kaya wala nang nagawa si Momo.
Magkatabi lang naman yung dalawang room kaya wala ring problema dun. Nang maihatid ko na sila Dahyun sa kwarto nila, pumunta na ko sa kwarto namin nila Mina.
Nag-asikaso na kami ng mga damit. Nahiga na muna ko sa kama para magpahinga dahil napagod ako sa pagdadrive. Lumabas na sila Momo at Mina para i-enjoy ang beach.
Samantalang si Nayeon, nagpaiwan rin sa kwarto.
"Uhm. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sakin.
"Of course. Para namang hindi tayo close. Im Nayeon, wala parin namang nagbago."
"O--Okay. Sigurado ka bang ayos lang sayo na bawiin ko si Dahyun?"
"It hurts pero ---- wala naman akong magagawa eh. Isa pa, never naman siyang napunta sakin."
"Pero paano ka?"
"Heto, nagmu-move on."
"Sana, Maraming salamat."
"Para saan?"
"Para sa lahat."
"Wala 'yun. Inalagaan ko si Dahyun noong wala ka dahil 'yun ang desisyon ko. Gusto kong protektahan siya sa mga taong mananakit sa kanya."
"Pangako, hindi na mauulit ang nangyari noon."
"Dapat lang." Ngumiti na lang ako sa kanya kahit nasasaktan ako.
"Si--Sige. Punta muna ko sa labas para maglibot-libot."
"Wait, Nayeon."
"Ano 'yun?"
"Please don't give up on her."
"H--Huh?"
"Alam naman natin na medyo hindi pa maganda ang timpla ng mood ni Dahyun sayo. Naiintindihan naman natin kung gaano siya nasaktan, diba?"
"Oo, naiintindihan ko."
"Posibleng ipagtabuyan ka niya. Oo, galit siya---kasi nasaktan siya. Sana huwag kang sumuko kaagad. Kasi alam kong kahit gaano pa siya nasaktan o nagalit sayo, ikaw parin yung gusto niya."
"Pangako. Hindi ko siya susukuan." Tumango na lang ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Napahinga na lang ako nang malalim bago tuluyang ipikit ang mata ko para makatulog. Para kahit sandali, makalimutan ko 'yung sakit.
💐To Be Continued💐
Author's Note: Malapit na matapos 'to. Mamimiss ko 'to. Huhuhu. Fighting! Hanggang dito muna ang update, may exam ako bukas. Sana makapasa ako.
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019