Nayeon's Pov:
May iba akong pakiramdam sa sinabi ni Sana kanina. Pakiramdam ko talaga may gusto siya kay Dahyun. Hindi lang siguro ko makapaniwala na sa unang pagkakataon, aamin si Sana na interesado siya sa isang babae.
Bakit sa dinami-dami ng babaeng magugustuhan niya, si Dahyun pa? Anong nakita niya sa isang 'yon? Clumsy na nga, Madaldal pa.
Aish. Hindi naman sa pinapakialamanan ko yung buhay ni Sana. Pero nakakapanibago talaga. Isa pa, ang weird nun. Paano siya nagkagusto sa tulad ni Dahyun? Ni hindi nga ko makatiis sa kakulitan nun eh.
Habang nagkaklase, hindi ko maiwasang mapaisip sa napagusapan namin ni Sana kanina.
Kapag ngumingiti si Dahyun, nahahawa siya? Nagiging masaya din siya? Ano 'yon? Virus yung ngiti ni Dahyun? Aish. Nakakabaliw.
Hindi ko mapigilang lumingon kay Sana na patingin-tingin pa kay Dahyun. Tsk. Mukhang baliw na siya.
Sa tuwing makakasagot si Dahyun sa recitation, halatang proud na proud si Sana.
"Great job, Dahyun-ah~" Mahinang sabi ni Sana kay Dahyun.
Aba. May pa-cheer pa? I can't believe it. Mababaliw na ko makita palang silang ganyan. Tsk!
"Im Nayeon" Napabalik ako sa realidad na tinatawag na pala ako ni Ma'am.
"P--Po?"
"Are you with us, Im Nayeon?" Seryosong tanong ni Ma'am.
"Y---Yes po."
"Kung nakikinig ka, anong sagot sa tanong ko?"
"Po? Ahm. H--Hindi ko po alam." Sagot ko na lang sabay kamot sa ulo. Napatrouble pa ko. Kainis.
Nang magrecess na, bumili muna kami ng pagkain sa canteen. Siyempre hindi na pumila sa mahabang pila ang grupo namin. Nagsitabihan ang mga estudyanteng madadaanan namin.
Maya-maya, napalingon ako kay Dahyun na nakapila sa isang tabi. Mukhang mahaba pa ang oras na hihintayin niya bago makabili ng pagkain. I'm sure gutom na ang madaldal na 'to.
"Daldal. Come here." Sambit ko sabay lapit kay Dahyun sa pila niya.
"Huh? Ah---Bakit?" Gulat na tanong niya. Napalingon siya sa maraming tao na nasa paligid namin.
"Sumama ka sakin." Sagot ko sabay hila na sa kanya.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Bibili ng pagkain."
"Eh, nakapila na ko."
"Kung pipila ka don, mamaya ka pa makakabila. Huwag ka nang makulit. Sumunod ka na lang." Sabi ko kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod sakin.
Napatingin sakin sina Momo, Mina at Sana.
"Hello Guys." Bati ni Dahyun sa kanila.
"Bakit hinila mo si Dahyun paalis sa pila niya?" Tanong ni Momo.
"Kung pipila siya, mamaya pa siya makakabili." Seryosong sagot ko.
"Kailan ka pa naging concern sa kanya?" Tanong naman ni Mina.
"Hindi ako concern sa kanya noh. Naiisip ko lang na isang kabaliwan ang pagpila don."
"Hindi kabaliwan 'yon. Respeto sa rules ang tawag don." Sambit ni Dahyun kaya napatingin ako sa kanya.
"Whatever!"
"Pero since nandito ka na sa tabi namin, sumama ka na." Extra ni Sana sabay ngiti kay Dahyun.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
