62: A Happy Life

339 18 6
                                        

Nayeon's Pov:

Ngayon ko lang narealize na masaya palang makisama sa ibang tao. Yung tipong wala kang inaalala. Yung lahat sila natutuwa na makasama ka.

Minabuti ko munang umabsent sa isang subject namin dahil sa request ni Jeongyeon.

Palagi kong naiisip na pareho kami ng pinagdadaanan sa buhay. Gusto ko siyang tulungan makabangong muli katulad ng ginawa ko. Mas nae-enjoy ko na ang buhay ko ngayon dahil hinayaan ko na yung mga bagay na kahit ipilit ko ay hindi na mabubuo.

Gusto kong marealize niya na patuloy parin ang buhay kahit na hindi kumpleto ang pamilya niya.

Nang makarating kami sa classroom nila, tuwang-tuwa yung classmate niyang may birthday.

"Omg! Si Nayeon!" Nagmadali siyang yumakap sakin.

"She's the birthday girl, Jisoo." Sambit ni Jeongyeon sakin. (Extra po si Jisoo dito balakayojan haha)

"Happy Birthday, Jisoo." Bati ko sa kanya.

"I can't believe it. Nagawa niyong pasamahin si Nayeon sa birthday celebration ko." Dagdag niya.

"Nagrequest sakin si Jeongyeon. Sa kanya ka dapat mag-thank you." Sagot ko.

"Wow! Thank you, Jeongyeon!" Yumakap si Jisoo kay Jeongyeon.

"Let's go." Yakag ni Jeongyeon sakin.

"Saan?"

"Sa bahay ni Jisoo."

"Huh? Akala ko dito sa school magsecelebrate si Jisoo ng birthday."

"No. Sa bahay niya tayo magsecelebrate. Tara na!"

"Pero may klase pa ko. Sinabi ko kay Dahyun, isang subject lang ako aabsent eh."

"Tara na. Maiintindihan yan ni Dahyun. Minsan lang naman eh. Pagbigyan mo na kami. Malakas ka naman kay Dahyun. Ikaw pa?" Wala na kong nagawa dahil hinila na ko nila Jeongyeon.

Siguro naman maiintindihan nga ni Dahyun. Sumakay na lang ako sa motor ko't nabigla na lang nang umangkas si Jeongyeon sa likuran.

"What are you doing here?"

"Hindi mo alam kung saan 'yon. Iga-guide na kita." Sagot niya sakin.

"Kaya ko na."

"Tsk. Im Nayeon. Puno na sila sa kotse ni Jisoo. Makikiangkas na lang ako sayo kaysa mamasahe ako." Napakamot-ulo na lang ako't ibinigay sa kanya yung helmet.

"Kumapit kang mabuti." Paalala ko sa kanya.

"Sabi mo eh." Nagulat na lang ako nang yumakap siya nang mahigpit sa bewang ko.

"Sabi ko humawak, hindi yumakap!"

"Ganun din 'yon. Bilisan mo na. Tara na!" Sabi niya kaya wala na kong nagawa. Nang dumating kami sa bahay ni Jisoo, nagsimula na kaming magcelebrate.

Kumain kami ng masasarap na pagkain. Matapos kumain, nagstay muna ko sa living room para itext si Dahyun. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Ihahatid ko pa siya mamayang uwian eh.

"Nayeon! Come here. Join us." Tawag ni Jeongyeon.

"Wait lang. Itetext ko lang si Da---"

"Mamaya mo na 'yan asikasuhin. Maiintindihan ka naman ni Dahyun. Love na love ka nun eh. Tara na. Iwan mo muna yang phone mo sa bag mo." Sabi ni Jeongyeon sabay lagay ng phone ko sa bag ko. Wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Sumali ako sa games na ini-ready ni Jisoo. Nakakatuwa naman. Wala kaming ginawa kundi tumawa. Hanggang sa lumipas ang oras at dumilim na. Shet. Nakalimutan kong reply-an si Dahyun na hindi ko na siya masusundo ngayon.

Nang mareply-an ko na siya, nakauwi na pala siya. Mabuti naman hindi na siya naghintay sakin kanina. Naintindihan naman niya yung reason kaya wala na ring problema.

Grabe. Nakakapagod ang araw na 'to pero masaya talaga. Masaya kong nakakatulong ako kay Jeongyeon. Unti-unti na siyang nakakarecover sa family problema niya.

Ihahatid ko na sana si Jeongyeon sa bahay nila kaso tumanggi siya. Kaya na daw niya. Ewan ko ba dun kung bakit ayaw magpahatid sa bahay nila. Tsk. Bahala siya. Libre pamasahe na nga eh. Lol

Nakahiga ako sa kama nang tumunog ang phone ko. Nagtext si Jeongyeon.

"Salamat nga pala kanina, Nayeon."

"You're Welcome. Masaya akong makatulong."

"Kumusta na kayo ni Dahyun?"

"Ayun. Naipaliwanag ko na sa kanya."

"Diba hindi nagalit sayo. Sabi sayo eh, malakas ka don. Haha."

"Tama. Mahal na mahal kasi ako ng Dahyun ko. Haha. Siyempre love na love ko rin siya."

"Asus! Walang forever."

"Letche ka. Meron! Sige na. Magpapahinga na ko. Napagod ako kanina eh. Bye." Ibinaba ko na ang phone ko't nagpahinga na.

Masasabi kong kumpleto na ang mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon maliban sa pamilya. Pero anong magagawa ko? Hindi na mabubuo ang pamilya ko. Hinayaan ko na ang bagay na 'yon. Hindi titigil ang buhay ko dahil umalis na ang Dad ko. Tama lang na humiwalay siya samin dahil sa sakit na dinulot niya samin ni Mom.

Marami na kong kaibigan. Gusto na ko ng lahat. Nagagawa ko na ang gusto ko. Meron pa kong Dahyun na todo ang suporta sa kung anong makakapagpasaya sakin. Sana tuloy-tuloy na 'to hanggang sa graduation namin.

Ako pa? Undefeatable kaya ako. Kung inaakala ni Dad na hindi kami mabubuhay nang wala siya, nagkakamali siya. Ang tagal namin siyang inasahang magbago pero walang nangyari. Desisyon niya 'yon. Wala na kaming magagawa. Kung dun siya masaya, wala na kong pakialam. Gagawin ko rin ang kung anong makakapagpasaya sakin.

💐To Be Continued💐

A/N: May klase kami ngayon sa NSTP. Dahil breaktime, in-update ko muna 'to. Ganyan ko kayo ka-love. Anong masasabi niyo kay Nayeon? Hahaha. Kinabahan ako kanina. Hindi ko maalala kung nasaan yung wallet ko. Makakalimutin ako eh. Akala ko naiwanan ko sa alfamart kahapon lol. Kabado ako eh. May ipon pa naman akong 1k doon. Sabi ko pa naman kahapon, papambili ko TWICE album 'yon. Jusko! Pinaghirapan ko 'yon eh. Buti na lang nahanap ko. Nandun lang pala sa damitan ko HAHAHAHAHAHA.

Malapit na birthday ko. Nasaan regalo ko? Lol.

#happyTWICEday
#3YearsWithTWICE

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon