77: You Ruined Me

484 22 5
                                        

Dahyun's Pov:

Isang linggo matapos ang paghihiwalay namin ni Nayeon. Hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin.

Namumutla. Namamayat. Walang kabuhay-buhay. Namamaga ang mata dahil sa kakaiyak. Ako pa ba 'to? Mukhang hindi.

Huminga na lang ako nang malalim. Isinuot ko ang jacket ko't naghoody. Simula nang masaktan ako, hindi ko na ginustong makihalubilo sa iba. Palagi akong nagtatago mula sa mga taong gustong kumausap sakin. Minabuti kong magmukmok sa kwarto. Minabuti kong mapag-isa.

"Dahyun, Natutulog ka ba? It's me." May kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nandito na naman siya.

At kung mayroon mang tao na hindi nakikinig sa sinabi kong ayokong makipagusap sa kanila, walang iba kundi si Sana.

"Gising ako."

"Pwedeng pumasok sa loob?"

"No. I'm too busy for your business." Cold na pagkakasagot ko sa kanya.

"Busy ka na namang magmukmok sa loob ng kwarto. Tara. Sama ka sakin."

"Saan naman?"

"Sa school."

"Graduate na tayo. Ano pang gagawin natin don?"

"Ngayon tayo pinababalik ng teacher natin para sa ilang requirements na dapat nating kunin para sa college."

"Ayoko. Ikaw na lang."

"Dahyun naman. Sige na. Sumama ka na sakin para makuha mo na rin yung sayo."

"Ayoko nga."

"Tsk. Papasok na nga ko sa loob." Hindi ko na siya napigilan dahil tuluyan na niyang binuksan yung pinto ng kwarto ko't naupo sa tabi ko.

"What do you think you're doing, Minatozaki Sana?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Aish. Ayan na naman yang nakakunot mong noo. Para ka na tuloy si Na---"

"Ayokong marinig ang pangalan ng taong naiisip mo."

"So--Sorry, Dahyun."

"It's okay. Just don't do that again."

"Tara na. Lumabas ka naman. Palagi ka na lang nasa kwarto. Saka, hindi ka ba naiinitan. Naka-jacket ka pa. Nakasuot pa yung hoody sa ulo mo. Ano? Forever ka na lang dito sa kwarto mo? Sumama ka na. Let's go. Alam ng mama mo na sasama ka sakin."

"Ayokong pumunta ng school."

"Bakit naman? Dahil baka magkita ulit kayo ni Na--" Tiningnan ko siya nang masama.

"Sige na. Hindi ko na talaga babanggitin ang pangalan ng lokong 'yon. Eh, ano naman kung magmeet kayo? Gusto mo sapukin ko 'yun? Sabihin mo lang, igaganti kita."

"Stop."

"Gu--Gusto ko lang naman na bumalik ka na sa dati. Yung palaging nakangiti na Dahyun. Yung cheerful na Dahyun."

"Wala na ang Dahyun na 'yon. Ito na ko ngayon. Wasak na wasak." Emotionless na sagot ko sa kanya.

"Tama na 'yan. Gagawin ko ang lahat para bumalik yung Dahyun na 'yon. Okay? Akong bahala sayo." Tinanggal niya sa ulo ko yung hoody ng jacket bago ko hawakan sa kamay.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon