13: Friends

622 33 1
                                        

Dahyun's Pov:

Nang magbell na para sa recess, nagmadali na kong kumilos para yakagin sila Tzuyu at Chaeyoung sa tambayan nila Sana sa likod ng school.

"Hala. Anong ginagawa natin dito? Tara na. Tambayan nila Nayeon 'to eh." Sabi ni Tzuyu sakin.

"Kaya nga! Mapapatrouble lang tayo dito. Tara na! Bawal ang ibang estudyante dito sa tambayan nila eh." Sabi naman ni Chaeyoung kaya napakamot-ulo na lang ako.

Akma na sanang aalis yung dalawa nang makita naming nakatayo sa likuran namin sila Sana, Mina, Momo at Nayeon.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito?" Seryosong tanong ni Nayeon samin.

"Paalis na ka--" Hindi na naituloy nila Tzuyu ang sasabihin dahil nagsalita na ko.

"Gusto sana naming sumabay magrecess sa inyo." Kalmadong sagot ko.

"What the hell? Stay away from us!" Kunot-noong sabi ni Nayeon samin.

"Bakit naman kami sasabay sa inyo?" Tanong ni Mina sabay pamewang.

"Tambayan namin 'to eh. Bawal ang ibang estudyante dito. Kami lang." Sabi naman ni Momo.

"Guys! Huwag niyo naman silang sungitan." Sabi ni Sana kila Nayeon kaya napangiti na lang ako.

"Sa totoo, nagbake ako kagabi ng cookies para pagsalu-saluhan natin. Sayang naman. Sige. Mauna na ka---" Palakad na sana kami nila Chaeyoung nang magsalita si Momo.

"Tama! Sabay-sabay na tayo. Gutom na ko eh. Salamat sa pagkain." Sabi ni Momo sabay lapit sakin para icheck yung cookies. Totoo nga. Matakaw nga ang isang 'to. Nalaman lang na may pagkain, nagbago na ang isip.

"Tsk. Katakawan talaga nitong si Momo." Sabi ni Mina sabay check sa phone niya.

"Ay! Mina. Alam mo bang mahilig rin maglaro ng games si Chaeyoung?" Tanong ko kay Mina na napatingin kay Chaeyoung.

"Huh? A--Ako?" Nauutal na tanong ni Chaeyoung.

"Sino pa ba? Ikaw nga! Magaling 'tong kaibigan ko pagdating sa games. Mabuti pa magkwentuhan kayo tungkol sa mga games na nilalaro niyo." Sagot ko sabay pisil pa sa cheeks ni Chaeyoung bago siya itulak sa tabi ni Mina.

"So, anong games ang nilalaro mo?" Seryosong tanong ni Mina kay Chaeyoung.

"Mo--Mobile Legends, Superstar JYP at marami pang iba." Nahihiya pang sagot ni Chaeyoung kay Mina.

"Huwag mong iisipin na close na tayo o magkaibigan na tayo dahil dito. Pero iniimbitahan kitang makipaglaro sakin since walang kwenta yung mga kaibigan ko pagdating sa paglalaro ng games." Paliwanag ni Mina kay Chaeyoung.

"Huh? Ta--Tayo? Maglalaro?"

"Ayaw mo?" Seryosong tanong ni Mina. Tinabig ko si Chaeyoung para pumayag na siya.

"Hi--Hindi. Gusto ko!"

"Good! Hayaan mo na silang magkagulo sa pagkain diyan. Maglaro na lang tayo." Yakag ni Mina kay Chaeyoung. Bago sila magsimulang maglaro sa tabi namin, lumapit muna si Chaeyoung sakin.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon