98: Always Be My Baby

478 19 2
                                        

Nayeon's Pov:

Nang dumating kami ni Dahyun sa bagong bahay na tutuluyan namin simula ngayon, hindi ko maiwasang mapangiti.

Sa wakas, natupad na ang pangako ko sa kanya noon na pakakasalan ko siya. Ito na 'yun, magkasama na kaming titira sa iisang bubong.

Araw-araw na kaming magkakasama. Sigurado kong masaya ang gising ko sa bawat araw dahil siya ang una kong makikita.

"Ang ganda naman dito." Sabi ni Dahyun habang naglilibot sa buong bahay nang suot parin ang wedding dress niya.

"Dahyun."

"Ano 'yun?" Lumingon siya sakin.

"You're so beautiful."

"Talaga? Bagay ba sakin?" Nakangiting tanong niya.

"Oo. Sobra. Bagay na bagay." Nakangiting sagot ko sa kanya. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa kanya.

"Nakakaexcite." Rinig kong sabi niya.

"Ang alin?"

"Yung fact na palagi na tayong magkakasama."

"Masaya ka ba?"

"Hindi lang masaya. Sobra-sobrang saya."

"Alam mo---mabuti pa, magbihis ka na. Mauna ka nang magshower." Sambit ko kaya naman tumango na lang siya't kumilos na.

Habang abala siya sa pagsha-shower, nakatanggap ako ng text mula sa mga gague.

"Nayeon, Kaya mo 'yan. Gague. I-enjoy niyo ang gabing 'to." - Mina

"Hinay-hinay ka sa kaibigan namin. Huwag kang maglalaway." - Chaeyoung

"Huwag hayaang lumabas ang beast mode. Okay? Kalma ka lang kay Dahyun." - Sana

"Huwag mong araw-arawin si Dahyun ah." - Tzuyu

"Gayahin mo lang yung mga napapanood at nababasa mo." - Momo

Mga gague talaga. Nakakainis. Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa mga pakana nila. Anong tingin nila sakin? Aish. Bwisit.

Habang namumula ako sa mga bagay na naiisip ko, napahinto ako dahil alam kong malapit nang matapos sa shower si Dahyun.

Nagtatakbo na ko sa kwarto namin. Ihinanda ko na ang lahat ng ideyang naisip ko bago pa man kami ikasal.

Pinalibutan ko na ng red rose petals yung daan sa labas ng cr papunta sa labas ng kwarto. Inayos ko na rin yung candles. Siyempre kakalimutan ko ba naman yung beverages.

"Damn. Ang baho ko na." Inamoy-amoy ko pa yung sarili ko. Nataranta ako nang magbukas na yung pinto ng cr.

"Uhm, Omg. Ano 'to?" Gulat na sabi ni Dahyun nang makita ang mga red rose petals na nakakalat sa sahig.

Tungunu. Hindi ko maiwasang maigala kung saan-saan yung paningin ko. Lumabas kasi siya ng cr nang naka-bathrobe lang. Gaguehan talaga.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon