92: Dinner Date

405 16 1
                                    

Nayeon's Pov:

"Mukhang malalim ang iniisip mo." Nakaupo ako sa tabing dagat habang hinihintay ang paglubog ng araw nang biglang lumapit si Sana.

"Hindi ko alam kung paano ko mapapaganda ang dinner date namin ni Dahyun mamaya. Ang lakas ng loob kong yayain siya tapos ngayon para akong ewan na kinakabahan." Sagot ko kay Sana.

"Ganun ba? Ano pang hinihintay mo? Bakit 'di ka pa nag-aasikaso?"

"Kinakabahan talaga ako eh."

"Bakit naman?"

"Paano kung hindi magustuhan ni Dahyun ang preparation na ihahanda ko?"

"Kailan ka ba niya hindi nagustuhan? Nayeon, kahit anong gawin mo --- gusto ka parin niya. Kahit sinaktan mo siya, nai-impress parin siya sa kahit na anong gawin mo para sa kanya. Huwag kang kabahan. Magpakatotoo ka lang sa kanya."

"Pero ------"

"Ano bang purpose ng dinner date na 'yun?" Napaisip ako sa tanong niya.

"Uhm. Pa--Para masabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Para mas magkausap kami nang masinsinan. Yung tipong kaming dalawa lang." Sagot ko sa kanya.

"Yun ba? Kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa? Nayeon, Huwag kang matakot. Nakasuporta naman kami sa kung ano mang patunguhan ng mangyayari mamaya." Tinapik niya ko sa balikat.

"Sa tingin mo, maganda yung naisip ko?"

"Ano bang naisip mo?"

"Gusto kong ipaalala sa kanya kung gaano kaganda yung samahan naming dalawa noong kami pa. Gusto kong masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong makasama siya kahit sa huling sandali man lang."

"Huling sandali?"

"Naisip kong hindi maganda kung pipilitin ko pa siya kung ayaw na talaga niya. Ihinahanda ko na 'yung sarili ko para palayain siya kung sakali mang wala na talaga kaming pag-asa." Ngumiti na lang ako.

"Hindi pwede. Tumayo ka diyan. Tara! Tutulungan ka naming ihanda ang lahat. Maghintay ka muna dito. Tatawagin ko sina Momo at Mina."

"Pero-----"

"Wala nang pero-pero. Magkakaibigan tayo noon pa. Magtutulungan tayo." Sambit niya bago tuluyang umalis para hanapin yung dalawa.

Napahinga na lang ako nang malalim. Ano na kayang pinagkakaabalahan ni Dahyun ngayon? Naghahanda ba siya para sa dinner date namin mamaya?

"Im Nayeon!" Rinig kong sigaw nila Mina at Momo. Nagmadali silang lumapit sakin kasama ni Sana.

"Bakit?"

"Hindi mo gagawin ang plano mo nang mag-isa." Sabi ni Mina.

"Huh?"

"Para saan pa kami kung sasarilihin mo lang ang plano mo? Tsk. Friendship over!" Sabi ni Momo sabay tingin sakin nang masama.

"Friendship over?"

"Ano ka ba naman, Nayeon? Wake up. Nagjo-joke lang 'tong si Momo. Kumilos ka na kasi. Tumayo ka na diyan. Dumidilim na oh." Sabi ni Sana sakin.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon