Nayeon's Pov:
"Anak, may naghahanap sayo." Sabi ni Mom habang abala ako sa pagpapahinga sa kwarto.
"Sino po 'yun?"
"Lumabas ka na lang para malaman mo." Tumango na lang ako't bumangon na sa kama.
Nang bumaba ako papunta sa living room, natigilan ako. Anong ginagawa ni Sana dito?
"A--Anong kailangan mo?"
"We need to talk."
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa babaeng sinaktan mo."
"Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Mom kaya naupo na lang din ako sa sofa.
"Anong meron kay Dahyun?"
"Alam naman natin pareho kung gaano kasakit yung ginawa mo kay Dahyun. Alam din natin pareho na hanggang ngayon nasasaktan padin siya kahit sabihin niyang okay na siya."
"Alam ko. Pinagsisihan ko 'yun."
"Nakakainis ka." Napatingin ako sa kanya.
"Ba--Bakit?"
"Sinaktan mo na siya't lahat, ikaw parin yung gusto niya."
"H--Huh?"
"I can feel it the way she look at you."
"Pero kinamumuhian na niya ko. Malamang suklam na suklam yun sakin."
"Kahit kailan tanga ka talaga." Nagulat na lang ako ng biglang pumatak ang luha niyang kanina pa namumuo sa mata niya.
"Sa--Sana."
"Nakakainis ka. Nakukuha mo lahat. Pati si Dahyun hindi nakalagpas sayo." Lumuluhang sabi niya.
"She deserve someone like you, not me. I hate myself for ruining her life. You're the one beside her now. So why are you crying?"
"Tama. Ako nga ang nasa tabi niya pero ikaw naman ang laman ng puso niya. Can't you understand? Mas matatag parin yung pagmamahal niya sayo kaysa sa sakit na idinulot mo."
"I'm sorry."
"Wala namang magagawa yung sorry mo sa nararamdaman kong lungkot ngayon. Pero may magagawa yan sa taong mahal na mahal ko, sa taong sinaktan mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"She doesn't love me the way I wanted. I'm just a friend for her, nothing more than that."
"Deretsyuhin mo na lang ako."
"Kung bibigyan ka ng pagkakataong patunayan ang sarili mo sa kanya, mangangako ka bang hinding-hindi mo na siya sasaktan?"
"Isang malaking katangahan ang nagawa ko noon. Tama ka. Napakatanga ko talaga. Masyado kong naging kampante dahil palagi lang siyang nandiyan sa tabi ko pero iba pala talaga yung feeling kapag tuluyan na siyang bumitaw at lumayo."
"Alam mo kung gaano kahirap 'to para sakin? Kahit masakit, gagawin ko parin. Dahil gusto kong ngumiti si Dahyun. Gusto kong makita yung saya niyang sayo lang niya nararamdaman."
"Paano kung ayaw na talaga niya sakin? Paano kung wala na talagang pag-asa?"
"Sa tingin mo, pupunta ko dito para sabihin ang mga 'to sayo kung wala ka na talagang pag-asa? Selfish mang pakinggan, hiniling ko na sana nga ganon. Sana nga wala ka na talagang pag-asa sa kanya pero wala eh. May mga hiling talagang hindi nagkakatotoo."
"Ibig sabihin ---- mahal parin ako ni Dahyun?"
"All this time, ikaw parin naman yung mahal niya." Napayuko na lang ako. Kinakabahan ako. Kakayanin ko ba 'to? Pero hindi ako pwedeng magpakaduwag na naman.
"Ouch!" Nagulat na lang ako nang bigla akong batukan ni Sana nang slight.
"Bakit mo ko binatukan? Ang sakit kaya." Napahawak ako sa batok kong masakit. Kainis.
"Normal lang sa magkakaibigan na magbatukan." Seryosong sagot niya.
"H--Huh?"
"Am I not your friend?"
"Friend?"
"Tanga ka talaga, Nayeon. Hindi ko alam kung bakit kaibigan ka parin namin hanggang ngayon." Napakamot-ulo siya.
"Akala ko hindi na ko parte ng samahan?"
"Sinong nagsabi sayo niyan? Tsk. Tama na ang drama't mag-ayos ka na ng dadalhin mo."
"Dadalhin?"
"May outing tayo bukas. Magkita-tayo tayo sa bahay. Pupunta tayo sa beach resort namin. Sasama ka ba?" Sagot niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Oo naman. Sasama ko."
"Im Nayeon, this is your second and last chance. Don't waste it. Goodluck."
"I'll do my best. Promise." Napangiti na lang siya sakin bago tuluyang umalis.
Tama si Sana. Hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataong ibinigay nila sakin. Nagmadali na kong kumilos para ayusin ang gamit ko. Excited na kong makasama sila lalong-lalo na si Dahyun.
Si Sana na yata ang pinakamatapang na taong nakilala ko. Bakit? Handa niyang isuko yung pinakamahalaga para sa kanya para lang may ibang sumaya.
Hindi ngayon ang tamang panahon para panghinaan ako ng loob. Marami akong naging pagkukulang sa kanya. Gusto kong punan ang mga pagkukulang na 'yun. Gusto kong makabawi sa kanya.
"Anong ginagawa mo, Anak?" Tanong ni Mom nang bumisita siya sa kwarto ko.
"May outing po kami bukas."
"Kasama rin ba bukas si Dahyun?"
"Opo." Nakangiting sagot ko kay Mom habang nagaayos ng mga dadalhin ko.
"Kaya pala masayang-masaya ka. Ano nang plano mo?"
"Gagawin ko po ang best ko para mapatunayan sa kanyang pinagsisihan ko na hinayaan ko siya noon."
"Ganyan nga, Anak. Kaya mo 'yan." Naupo si Mom sa gilid ng kama ko. Lumingon-lingon siya sa paligid.
"May problema po ba?"
"Uhm. Hindi ka naman busy mamaya, diba?"
"Opo. Bakit po?"
"May gusto kasing makipagusap satin mamaya."
"Sino po?"
"May dadating tayong bisita."
"Just tell me who is it."
"Your Dad." Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ang sagot ni Mom.
"Ano daw pong kailangan niya?"
"Namili na ko ng pangdinner natin mamaya. Magluluto ako. Mas mabuting kayo na lang ang mag-usap."
"Si--Sige po."
"Maiwan na muna kita. Magluluto na ko."
Nang makalabas si Mom ng kwarto, nagpatuloy na ko sa pag-aayos ng gamit ko. Nakuha ng atensyon ko ang couple bracelet namin ni Dahyun.
"Siguro panahon na para ibalik 'to sa kanya." Napangiti na lang ako bago ito isama sa bag. Nang maayos ko na ang lahat ng dadalhin ko, lumabas na ko sa kwarto para tulungan si Mom na magluto.
Kung hindi ako napagkaitan ng second chance, dapat hindi rin ako magkait nito sa iba. Siguro panahon na para harapin ko si Dad.
•To be Continued•
A/N: Sorry sa slow update. Busy talaga ako sa school ngayon. Magpa-final exam na kasi. Jusko. Sana pumasa ako.
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019