35: Jealous

808 30 0
                                        

Nayeon's Pov:

Hindi ko inaasahan ang naabutan ko kaninang umaga pagdating ko dito sa school. Mabuti na lang sakto lang ang pagdating ko. Naabutan ko kasing iki-kiss ni Dahyun si Sana sa pisnge. What's going on between them?

Pinopormahan na ba ni Sana si Dahyun? No, It can't be. For some reason, ayokong nakikita silang ganun kaclose sa isa't-isa. Naiirita ako. Iba yung pakiramdam ko kanina habang pinagmamasdan silang dalawa na magkasama. Para akong hindi makahinga, yun bang gusto kong magpanic sa nakikita ko.

Gusto ko siyang hilahin kanina palayo kay Sana para ilapit siya sa tabi ko. Ang weird ng mga sinasabi ko noh? Kahit ako, nawi-weirdohan sa mga naiisip ko. Hinawahan na yata ako ni Dahyun ng ka-weirdohan niya.

Habang naglalakad naman kami ni Dahyun papunta sa classroom nang nakaakbay ako sa kanya, naririnig ko yung ibang estudyante na nagbubulungan tungkol kay Dahyun. Hindi ako tanga para hindi magets kung anong pinaguusapan nila. Ang dami na namang naiinggit sa kanya.

Anong magagawa ko? Gusto kong maging kaibigan si Dahyun eh. Sorry na lang sa kanila kung hindi sila ang gusto kong makasama. Mga inggiterang estudyante talaga. Mga walang magawa sa buhay.

Nang maramdaman kong lalayo na sana si Dahyun sakin, hinawakan ko siya habang nakaakbay parin sa kanya para hindi siya makawala.

Ayokong isipin niya na hindi magandang maging malapit sakin dahil lang sa mga estudyanteng naiinggit sa kanya. Walang kasalanan si Dahyun kung malapit ang loob namin sa kanya.

Nang dumating kami ni Dahyun sa classroom, napalingon ako kay Sana na nakaupo sa upuan niya. Nasa classroom na rin pala sila Tzuyu, Chaeyoung, Momo at Mina.

"Good morning sa inyong dalawa!" Bati nila samin kaya ngumiti na lang kami ni Dahyun sa kanila.

"Yung totoo? Kayo na ba?" Biglang tanong ni Mina kay Dahyun.

"Huh? A--Ano bang sinasabi mo?" Nahihiyang tanong ni Dahyun.

"Couple goals talaga oh. May pabigay ng gift. May pa-post sa facebook tapoa sabay papasok sa classroom. May pa-akbay pa! Eh di kayo na ang magcouple. Hahaha." Natatawang sambit ni Momo.

"Gague ka talaga, Momo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Pinopormahan mo ba ang bestfriend namin?" Deretsyahang tanong ni Tzuyu sakin.

"Huh? Hi--Hindi."

"Kung popormahan mo siya, mag-isip ka munang mabuti. Ayaw naming may nananakit sa bestfriend namin. Wala pa naman 'yang lovelife kahit isang beses. Haha." Natatawang sabi ni Chaeyoung.

"Son Chaeyoung!" Sigaw ni Dahyun kay Chaeyoung na nagpeace sign na lang.

"Eh, Ikaw? Nagkalovelife ka na ba?" Biglang tanong sakin ni Mina.

"A--Ako?"

"Oh! Ayan na! Kumikilos na si Mina! Humanda kayo! Hokage 'yan!" Nakangising sabi ni Momo.

"Masama bang magtanong?!" Kunot-noong tanong ni Mina kay Momo.

"Wa---Wala padin eh." Napakamot sa ulo si Chaeyoung.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon