"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon
"You're the one who ruined everything." - Dahyun
My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you.
Date Started: August 05, 2018
Date Completed: January 09, 2019
Lumipas ang ilang buwan, mas lalong naging malalim yung samahan nila Nayeon at Dahyun. Umamin na rin sila Chaeyoung at Mina na sila na. Siyempre papahuli ba sina Momo at Tzuyu?
So ayun, sa barkadahan namin ako lang ang single. Siguro iniisip niyo na panahon na para ako naman ang maghanap ng mamahalin ko. Aminado kong hanggang ngayon siya parin ang gusto ko.
Alam kong katangahan na umasa parin ako sa taong hinding-hindi mapapasakin. Pero anong magagawa ko? Siya parin talaga. Hindi naman ako nanggugulo sa relasyon nila. Walang dapat ipag-alala dahil masaya akong makita na masaya sila.
Halloween party namin ngayon sa school. Nakacostume ang lahat. Magsisimula na yung party wala parin sila Dahyun at Nayeon. Nakabukas na ang mga spotlight. Nagsisimula na ring dumami ang tao sa paligid. May nagaasikaso na ring mga DJ sa sound system.
"Nasaan na ba yung dalawa?" Tanong ni Mina na nakasuot ng penguin costume. Ako? Hindi na ko nag-abalang mageffort sa costume. Nagsuot na lang ako ng black na outfit.
"Wala pa nga eh." Sagot ni Chaeyoung na nakasuot ng tiger costume. Ang cute nilang dalawa tingnan. Hahaha.
"Hey! What's up?" Dumating si Momo na nakasuot ng jokbal costume. Kahit kailan talaga mukhang tanga 'tong kaibigan kong 'to. Tuwang-tuwa naman si Tzuyu sa kanya. Nakasuot naman ng witch costume si Tzuyu. Lahat talaga gagawin ng Momo na 'to mapatawa lang si Tzuyu. Luma-lovelife talaga ang mga kaibigan ko.
"Nakucurious tuloy ako sa costume nung dalawa." Sabi ni Tzuyu.
"Ako rin. Pa-vip pa yung dalawa na 'yun eh. Katagal dumating." Reklamo naman ni Chaeyoung.
"Ayun na sila!" Sambit ni Mina sabay turo sa di kalayuan.
"Guuuuuuuuys! We're here." Energetic na sabi samin ni Dahyun.
"Ang cute niyo sa costume niyo ah hahaha." Natatawang sabi naman ni Nayeon.
Grabe. Ang cute ni Dahyun sa costume niya. Sa totoo, pareho sila ni Nayeon ng costume. Naka-harry potter costume yung dalawa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Huma-Harry Potter kayo ah." Sabi ni Momo sa kanila.
"Bagay samin noh. Bagay rin kami." Proud na sabi ni Nayeon sabay akbay kay Dahyun.
"Ye---Yeah. Bagay na bagay kayo." Sabi ko kaya napatingin silang lahat sakin.
"Simulan na ang partyyyyyyy!" Sigaw ni Momo kaya naman nagkagulo na ang lahat. Mas lumakas yung tugtog. Naghihiyawan na yung mga students.
Dahil sa sobrang gulo at ingay, nagpunta muna ko sa isang tabi. Nagsasayawan na at nagkakantahan ang lahat. Siyempre may mga kumakain rin ng foods sa party.
"Hey!" Napatingin ako sa kung sinong kumalbit sakin.
"Da--Dahyun, ikaw pala."
"Anong ginagawa mo dito sa gilid? Tara! Sama ka samin." Yakag niya sakin.
"Si--Sige. Mamaya na lang."
"Sana ~ Let's go." Yakag ulit niya sabay hawak sa kamay ko.
"Sige na nga." Paano ko naman kasi matatanggihan ang isang cute na katulad niya? Nadaanan namin sila Jeongyeon pero umirap lang sila. Mabuti nga't hindi na masyadong ginugulo ng mga 'yun si Dahyun.
"Sana, maki-join ka naman sa party!" Sabi ni Nayeon sakin.
"Oo nga! Makisayaw ka. Woohoo! Party 'to!" Dagdag ni Chaeyoung.
Nakijoin na lang ako sa kanila't nagsimula na ring sumayaw. Habang tumatagal, nagiging komportable na ko. Tumataas na yung energy ko. Ang saya talaga ng party na 'to. Mas sumaya dahil kasama kong nagsasaya si Dahyun.
Mas naghiyawan pa ang lahat nang magpresenta sila Nayeon na bumida sa dance floor. Napalingon ako kay Dahyun na tuwang-tuwa habang pinapanood si Nayeon na sumayaw.
Ang dami na talagang nagbago. Dahil kay Dahyun, nagkaroon ng kulay ang malungkot na buhay ni Nayeon. Naging masaya ang lovelife nila Mina at Momo. Hindi na rin natatakot yung ibang estudyante na lumapit sa grupo namin.
"Sana, join us!" Tawag sakin nila Nayeon kaya napangiti na lang ako't sumali nang muli sa sayawan nila.
💐To Be Continued💐
A/N: Nageffort pa talaga akong magedit niyang pic para sa inyo. Love you, Guys. Sorry sa short update na 'to. Maaga pa kasi pasok ko bukas. Magpoprogram pa kami sa computer. Waaaaaaah. Goodluck sakin. Malapit na rin bday ko omg. Excited na ko. Fighting.