44: Project

428 25 2
                                    

Sana's Pov:

"Class, para sa individual project niyo. Kailangan niyong magpresent sakin ng magandang larawan ng mahalagang bagay na nangyari sa buhay niyo. Isa-sumbit sakin next meeting. Okay?"

"Sige po." Pagsagot naming lahat bago magdismiss si ma'am ng klase. Nauna nang magsilabasan ng classroom yung iba naming classmates samantalang naiwan pa ang grupo namin sa loob. Siyempre hindi mawawala sina Dahyun, Chaeyoung at Tzuyu. Sa totoo, parang parte na nga sila ng grupo eh.

"Anong ipapasa niyong picture kay Ma'am?" Tanong ni Momo.

"Secret. Baka gayahin mo." Sagot ni Nayeon kay Momo.

"Bakit ko gagayahin? Eh, may naisip na ko." Kampanteng sagot ni Momo.

"Anong naisip mo, Momo?" Tanong ni Tzuyu.

"Ipapasa ko yung picture ng pagkaing niluto mo para sakin nung isang araw. Hehehe. Pinakamasayang nangyari kaya sakin 'yun." Sagot ni Momo kaya halatang namula si Tzuyu.

"Pwes, ipapasa ko na lang yung picture mo habang kumakain. Ang saya-saya mo kayang pagmasdan kumain. Para sakin yun ang pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay ko, ang makita kang masaya sa pagaalaga ko." Sagot ni Tzuyu kaya natigilan kaming lahat.

Tungunu. Ang corny ng dalawang 'to. Ayaw pang umamin na sila na. Haha. Dito pa talaga sa harapan namin naghaharutan.

"Inidrawing ko si Mina. Pipicture-an ko yung drawing ko. Yun ang ipapasa ko hehehe." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Ayieh. Ang sweet! Ipapasa ko yung picture natin habang naglalaro ng computer games." Sambit naman ni Mina.

"Kayong tatlo, anong ipapasa niyo?" Napatingin kami nila Dahyun at Nayeon sa isa't-isa. Ano nga bang ipapasa ko? Wala pa kong naiisip eh. Siguro pagiisipan ko munang mabuti sa ngayon.

"Guys! Bili tayo sa canteen ng makakakain tapos sa tambayan tayo kumain." Yaya ni Momo.

"Mabuti pa nga. Huwag nating gugutumin 'tong si Dahyun." Sabi ni Nayeon sabay biglang akbay kay Dahyun.

"Dahyun, Libre na kita." Lumapit ako sa kanila para alukin si Dahyun ng libre.

"Talaga? Huwag na. Salamat na lang. Nakakahiya naman sayo."

"No. It's okay. Ililibre na kita."

"Don't worry, Sana. Ako nang bahala kay Dahyun. Sagot ko na ang kakainin ng tokwa na 'to." Extra ni Nayeon sabay pinch sa cheeks ni Dahyun.

"Yah! Im Nayeon! Tokwa ka diyan!" Inialis ni Dahyun ang pagkakaakbay ni Nayeon sa kanya.

"Tokwa ka naman talaga eh haha."

"Aish. Bunny ka naman!"

"Okay lang. As long as alam kong love mo ang mga bunny." Nakangiting sagot ni Nayeon sa kanya kaya napakunot-noo na lang si Dahyun sa kanya.

"Ang landeeeeeee!" Extra ni Mina kila Dahyun at Nayeon.

"Shut Up, Myoui Mina." Sambit ni Nayeon.

"Bad ka, Nayeon. Inaaway mo si Mina!" Sumabat naman si Chaeyoung.

"Kumain na nga lang tayo, Guys." Suggestion naman ni Momo.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon