Sana's Pov:
Nagulat ang mama ni Dahyun nang gumising siya. Madaling araw palang nagising na kasi ako. Binisita ko si Dahyun sa kwarto niya kagabi.
Naabutan ko siyang mahimbing na sa tulog. Naupo ako sa gilid ng kama niya kagabi. Napansin kong basa yung unan niya. Malamang iyak siya nang iyak kagabi. Malamang nakatulog na siya sa kakaiyak.
"I will protect you, Dahyun." Mahina kong sabi sabay alis ng buhok niyang tumataklob sa mukha niya. Inayos ko na lang 'yung kumot niya't lumabas na ulit sa kwarto.
Nagcellphone na lang ako hanggang sa lumiwanag na sa labas. 6am nang magising ang mama niya. Mukhang maayos na ang pakiramdam.
"Oh Sana, Nandito ka pala."
"Opo. Dito po ko nakitulog kagabi. Balak ko nga po sanang umuwi na kaso pinigilan ako ni Dahyun."
"Ayos na rin 'yon dahil delikadong umuwi ng gabi."
"Kumusta na po kayo?"
"Heto. Mabuti na naman. Kumusta ang party kagabi?" Hindi pa nga pala alam ng mama ni Dahyun ang nangyari kagabi.
"Po? Mas mabuti po siguro kung si Dahyun na ang magkukwento sa inyo."
"May masama bang nangyari?"
"Si Dahyun na lang po ang tanungin niyo tungkol don." Ngumiti na lang ako ng slight. Ayoko namang pangunahan si Dahyun.
"Ma, Kumusta na po ang kalagayan niyo?" Nagulat kami nang biglang magsalita si Dahyun. Nagising na rin pala siya.
"Bumubuti na naman, Anak. Kumusta ang party kagabi?"
"Mabuti po maayos na ang kalagayan niyo. Huwag na lang po nating pag-usapan ang tungkol sa party na 'yon." Seryosong sagot ni Dahyun.
Halata sa mata niyang umiyak siya kagabi. Namamaga ang mata niya eh. Obvious rin na hindi siya masaya.
"Ayos ka lang ba, Dahyun? Ano bang nangyari kagabi? Tell me."
"Sabihin na lang po nating narealized kong mali pala 'yung mga akala ko." Dumeretsyo na siya sa cr para maghilamos.
"Huh? Ano bang nangyari? Nagkita ba kayo ni Nayeon kagabi?" Tanong ulit ng mama niya.
"Ayoko na pong pag-usapan ang tungkol kay Nayeon."
"Nag-away ba kayo?"
"Wala na po kami." Direktang sagot ni Dahyun na ikinagulat ng mama niya.
"Ano? Ba--Bakit?"
"Naabutan ko lang naman pong may kahalikan siyang iba. Ayoko na po. Pagod na ko. Pagod na kong lokohin 'yung sarili kong hindi niya ko lolokohin. Katulad lang din pala siya ng iba. Pagod na po kong umiyak." This time, walang emosyon yung mukha niya habang nagkukwento.
Mukhang napagod na siya umiyak dahil ibinuhos na niya kagabi lahat bago matulog. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko para mapagaan ang kalooban niya. Gusto kong bumalik 'yung cheerful na Dahyun. Yung Dahyun na palaging nakangiti't palaging positibo sa buhay.
"Hindi ko inakalang magagawa 'yun ni Nayeon sayo. Mukhang hindi siya ang para sayo. Hayaan mo. Marami pa diyang iba tulad ni Sana. Hindi lang si Nayeon ang tao sa mundo." Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko.
"P--Po?"
"Sinabihan ko na noon si Nayeon na huwag na huwag ka niyang paiiyakin. Huwag ka nang umiyak. Nandito kami para sayo." Dagdag ng mama niya.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019