Nayeon's Pov:
Lumalalim na ang gabi kung kaya't nagsama-sama na kami.
"Omg! Marshmallow!" Excited na sabi ni Momo bago kumain ng marshmallow. Ang daming pagkain na nakahanda. Mga chichirya't maiinom.
"Hindi pwedeng mawala ang videoke." Sabi naman ni Chaeyoung sabay kuha sa mic.
"Sana mag-enjoy tayong lahat." Sabi ni Sana kaya tumango kami sa kanya.
"Maraming salamat sa pageeffort sa bakasyon na 'to." Sabi naman ni Mina.
"Kayo pa? The best kayo eh!" Sagot ni Sana kaya sinimulan na namin ang pagbabonding.
Napatingin ako kay Dahyun na tahimik lang sa isang tabi habang abala naman sila Tzuyu sa pagkain at pagkanta.
"Oy! Kayong dalawa, maki-join naman kayo." Sabi samin ni Chaeyoung.
"Si--Sige." Sagot ni Dahyun sabay lingon sakin. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang kausapin o hayaan parin muna siyang mapag-isa malayo sakin.
Baka kasi hindi parin maganda yung mood niya sa nangyari kanina. Ang kulit ko kasi eh.
Pinilit ko na lang na magfocus sa pakikinig kila Sana na nagkakantahan na.
"Ikaw naman, Nayeon." Biglang inabot sakin ni Sana yung mic.
"H--Huh? A--Ayoko." Pilit akong tumatanggi kaso mapilit sila. Wala na kong nagawa kundi pumili ng kakantahin ko.
Jusko. Hindi ko alam kung kakanta ba ko o magtatago na lang sa kanila eh. Nakakahiya.
"You can do it." Pasimpleng sabi sakin ni Sana kaya napatingin na lang ako sa kanya.
"Go! Nayeon! Go! Nayeon!" Cheer nila Tzuyu sakin kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Pinili ko ang kantang "If Ever You're In My Arms Again". Sa pamamagitan ng pagkanta nito, gusto ko paring sabihin kay Dahyun kung ano yung nararamdaman ko.
Nagsimula akong kumanta. Ramdam na ramdam ko bawat linya. Ramdam ko ring napapalingon sakin si Dahyun kaya minabuti ko na lamang na lakasan ang loob kong tumingin sa kanya habang kumakanta.
"If ever you're in my arms again,
This time I'll love you much better
If ever you're in my arms again,
This time I'll hold you forever
This time will never end." 🎶Hanggang sa matapos ko yung kanta, para kong nahuhulog sa deep stares ni Dahyun sakin. Natauhan na lang ako nang magsipalakpakan sila Sana.
"Lodiiiii!" Sigaw ni Momo sabay palakpak.
"Si Dahyun naman!" Sigaw naman ni Tzuyu kaya agad na kong tumayo para iabot ang mic kay Dahyun.
"A--Ayoko!"
"It's your turn." Hinawakan ko siya sa kamay para ipahawak sa kanya ang mic. Dahil sa kakulitan nila Mina, wala na rin siyang nagawa kundi pumayag.
Sinimulan niyang kantahin ang "If This Was A Movie" by Taylor Swift.
"Come back, come back, come back to me like
You would, you would if this was a movie
Stand in the rain outside 'til I came out
Come back, come back, come back to me like
You could, you could if you just said you're sorry
I know that we could work it out somehow
But if this was a movie you'd be here by now." 🎶

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfikce"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019