Dahyun's Pov:
Pagdating ko palang sa gate ng school, sumulpot na si Nayeon.
"Oh. Good morning, Nayeon. Kanina ka pa dito sa gate?" Sumabay siya sakin sa paglalakad.
"Mas maganda ka pa sa morning." Napatingin ako sa kanya.
"I mean, magandang araw din. Oo, kanina pa ko dito. Hinihintay kita para sabay tayong maglakad." Nakangiting sagot niya. Mukhang nadadalas ang pagngiti nitong si Nayeon ah. Siguro in-love na 'to haha.
"Sira ulo haha. Uy! Madalas ka yatang nakasmile ngayon ah. Siguro in-love ka noh. Sino 'yang dahilan ng ngiti mo? Haha." Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
"Bakit? May problema ba?"
"Gusto mong malaman kung sinong dahilan ng ngiting 'to?" Bigla siyang naging seryoso.
"So, in-love ka nga. Haha. Oo naman. Gusto kong malaman kasi ang ganda ng idinulot niya sa buhay mo. Dati sobrang sungit mo tapos ngayon, abot-tenga na yang ngiti mo. Nakakatuwa kaya."
"Hindi mo na kailangang malaman. Let's go." Sagot niya sabay akbay sa balikat ko habang naglalakad kami sa hallway. Ayan na naman yung mga matang nakatingin samin.
"Na--Nayeon, Huwag mo nga kong akbayan. Ang init kaya." Palusot ko sa kanya para tigilan niya ang pag-akbay sakin. Madadamay na naman siya sa tsismisan ng ibang estudyante eh.
"Don't look at them. Don't mind them. I'm with you. They can't hurt you. You're safe. I don't care if they're talking about us. What matters the most is you're here, with me." Bigla kong nakaramdam ng kakaiba sa way ng pagbulong ni Nayeon sakin habang nakaakbay parin sakin.
I felt butterflies in my stomach. Hindi ko maitangging namumula talaga yung mukha ko ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi pa nakatulong yung mas bumilis na tibok ng heartbeat ko. Im Nayeon, What are you doing to me?
"Hindi ka ba nahihiya na kasama ako? Obvious namang maraming may ayaw sakin dito."
"Bakit ako mahihiya? Sa totoo, hindi ka nila inaayawan dahil sa ugali, itsura o pananamit mo. Naiinis sila dahil kasama mo ko. Naiinggit sila dahil hindi sila ang nasa posisyon mo. May pakialam ba ko sa kanila? Diba wala. Sayo, meron akong pakialam. Huwag ka na ngang mag-alala diyan. Hanggang tsismisan lang sila. Kahit ano pang sabihin nila tungkol sayo, wala akong pakialam. Okay?" Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ang sweet talaga ni Nayeon.
Kahit na alam niyang puro negative ang thoughts ng ibang estudyante tungkol sakin, nandiyan parin siya para sakin.
"Salamat, Nayeon." Tumuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa madaanan namin si Jeongyeon at ang mga kaibigan niya.
"Look who's here." Rinig kong sabi nung isa. Sumunod na rin sa pagpaparinig yung iba. Ayan na naman sila.
"B*tch."
"Mamaya, si Sana naman ang kasama niyan."
"Nahiya pa. Hindi pa isinama sina Momo at Mina."
"Mas madikit pa siya sa superglue eh."
"Pasikat talaga. Feeling maganda." Hindi ko mapigilang mapayuko dahil sa mga naririnig ko. Wala naman akong ginagawang masama kila Nayeon eh. Magkakaibigan kami. Yun lang 'yun.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
