59: Family Problem

387 26 11
                                        

Nayeon's Pov:

"Class dismissed!" Sabi ng professor namin kaya nagsikilos na kami para lumabas ng classroom.

"Guys! Sama kayo samin ni Chaeyoung." Yakag ni Mina.

"Saan naman?" Tanong ni Sana.

"Kain tayo sa labas mamaya." Sagot ni Chaeyoung samin.

"Game ako diyan!" Mabilis na sagot ni Momo.

"Siyempre kapag kasama si Momo, kasama rin ako." Dagdag ni Tzuyu.

"Sige na nga. Sasama na rin ako." Sagot naman ni Sana.

"May magagawa pa ba kami ni Dahyun? Alam naman naming kukulitin niyo padin kaming sumama. Sasama na rin kami." Pagsang-ayon ni Nayeon.

"Pass muna ko, Guys." Napatingin ako kay Dahyun.

"H--Huh? Bakit naman?" Tanong ko agad sa kanya.

"Sabay kaming magdi-dinner ni mama mamaya eh. Tutulungan ko pa siyang magasikaso sa karinderya."

"Hindi naman tayo magtatagal eh. Sige na, pumayag ka nang sumama samin." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"Pero kasi si mama---"

"Hayaan na muna natin si Dahyun." Sabi ni Sana kaya napa-pout na lang ako kay Dahyun.

"Matitiis mo ba ko, Dahyun? Sige na. Minsan lang tayo kumain sa labas nang magkakasama. Promise sandali lang 'to. Kapag tapos natin kumain, pwede ka naman ulit kumain sa bahay niyo kasabay ng mama mo." Gusto ko talaga siyang makasama eh.

"Si--Sige na nga. Sandali lang ah. Uuwi na rin ako pagkatapos." Napangiti ako nang sumang-ayon na rin siya.

"Ano pang hinihintay niyo? Let's go." Sabi ni Mina kaya naman umalis na kami para pumunta sa korean restaurant.

"Masasarap ang pagkain dito. Omg!" Ngiting-ngiti na naman si Momo.

"Oorder na ko." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Ililibre daw tayo ni Nayeon." Sambit ni Mina kaya napakunot-noo ako sa kanya.

"Libre kayo diyan. Mukha niyo!"

"Napakakuripot mo talaga, Nayeon!" Sabi naman ni Tzuyu.

"Kung may ililibre man ako, si Dahyun lang." Sagot ko sa kanila.

"No need. May pambayad naman ako eh. Hindi mo kailangang gumastos para sakin palagi." Sabi ni Dahyun sakin kaya napangiti na lang ako sa kanya.

"Pero gusto kitang ilibre. Hayaan mo na ko, Dahyun." Ini-pat ko ang ulo niya kaya wala na siyang nagawa.

"Mabuti pa ako nang manlilibre sa inyong lahat." Nagulat kami sa biglang pagvolunteer ni Sana.

"Ta--Talaga?" Gulat naming tanong sa kanya.

"Seryoso ko. Gusto ko lang talagang manlibre ngayon." Ngumiti siya samin kaya naman sumang-ayon na lang kami. Himala ah. Ganadong manlibre 'tong si Sana ngayon. Bakit kaya?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon