Sana's Pov:
Lunch break, sinundan ko si Dahyun nang magpaalam siyang magsi-cr lang siya. Huwag niyo kong pag-isipan nang masama dahil hindi ko siya sisilipan.
Gusto ko lang makasigurado na walang mambubully sa kanya sa daan papuntang cr. Nang makapasok na siya sa loob ng cr, hinintay ko na lang siya hanggang sa makalabas siya.
Nang lumabas siya, lumakad na siya pabalik kaya naman sumunod na ko. Sa pagsunod ko sa kanya pabalik sa classroom, nakita ko siyang nakatingin sa di kalayuan.
Nalaman kong kay Nayeon pala siya nakatingin. Nakita niyang isinambulat ni Nayeon ang mga gamit ni Jeongyeon sa sahig. Sa mabilis na sandali, tumakbo si Dahyun palayo. Sumunod sa kanya si Nayeon kaya sumunod na rin ako sa kanila.
Nagtatakbo si Dahyun sa likod ng school. Naabutan siya ni Nayeon. Hindi ko gusto ang mga sumunod na nasaksihan ko. Ang higpit ng yakap ni Nayeon kay Dahyun.
Pakiramdam ko sinaksak ako nang maraming beses. Nanatili akong nanood sa kanila't nakinig sa pinaguusapan nila. Kitang-kita ko yung lungkot sa mata ni Dahyun. She's suffering.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin nang mahigpit pero alam kong may nauna nang gumawa nun. At naiiinis ako dahil hindi ako ang nasa tabi niya ngayon. Walang iba kundi si Nayeon.
Narinig ko ang mga sumunod pa nilang pinagusapan hanggang sa malaman ko kung ano ba talagang nararamdaman ni Nayeon para kay Dahyun. It can't be. Gusto rin ng bestfriend ko yung taong gusto ko.
What should I do? Sabi niya wala siyang gusto kay Dahyun. Sabi niya friends lang sila. Alam niyang interesado ko kay Dahyun. Bakit ginagawa niya 'yon?
Please Dahyun, Sabihin mong hanggang kaibigan
Parang dumami ang nakasaksak sa puso ko nang masaksihan ko yung ginawa ni Nayeon. Nasaksihan ko kung paano hilahin ni Nayeon palapit si Dahyun bago ito tuluyang halikan sa labi.Parang gumuho ang mundo ko. Hanggang sa tuluyan nang umalis si Dahyun. Sumunod naman si Nayeon. Lumakad na rin ako pabalik sa classroom.
"Hey Sana! Saan ka nagpunta?" Tanong nila Momo sakin.
"Nagpahangin lang sa labas." Sagot ko bago bumalik sa pwesto ko. Napalingon na lang ako kila Nayeon at Dahyun na tahimik lang sa pwesto nila.
Minatozaki Sana, Do something. Hahayaan mo lang bang maunahan ka ni Nayeon? Ipagsasawalang-bahala mo na lang ba ang nararamdaman mong sakit habang pinagmamasdan sila?
Nang mag-uwian na, hindi ko namalayang wala na pala kaagad sa classroom si Dahyun.
"Si Dahyun?" Tanong ni Nayeon kila Tzuyu.
"Nauna nang lumabas. Nagmamadali nga eh. Hindi ba nagpaalam sa inyo?" Sambit ni Tzuyu.
"Hi--Hindi eh. Sige. Mauna na rin ako." Nagmadali na ring lumabas si Nayeon. Sumunod ako hanggang sa maabutan ko siya sa hallway.
"Nayeon!"
"Oh, Sa---Sana. Bakit?"
"Pwede ka bang makausap?"
"Tungkol saan?"
"Tungkol kay Dahyun."
"Si--Sige." Sumunod na siya sakin papunta sa likod ng school. Pakiramdam ko kailangan na naming magusap tungkol kay Dahyun.
Sandaling namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"May gusto ka ba kay Dahyun?" Deretsyahang tanong ko sa kanya.
"Paano kung sabihin kong Oo?"
"Ayos lang. Handa naman akong lumaban nang patas." Kalmadong sagot ko sa kanya.
"She's my happiness. I'll do everything for her. I love her." Sagot ni Nayeon sakin. Ito ang unang beses na nakita kong ganito ka-sincere yung mata ni Nayeon. Kung desidido siyang lumaban, handa rin ako.
"Goodluck, Nayeon."
"Goodluck din sayo, Sana."
"Don't worry. We're still friends. Nothing can break our friendship. Okay?"
"Ma--Mabuti kung ganon." Sagot niya sakin kaya naman tinapik ko na siya sa balikat.
"Masaya akong makita yung improvements mo simula nang maging close kayo ni Dahyun. Keep it up."
"Thank you, Sana." Totoo yung sinabi ko. Masaya talaga akong nagagawa na niyang ngumiti ngayon kahit paano. Ang laki ng improvement ni Nayeon. Proud ako sa kanya.
"Mauna na kong umuwi. Bye." Sambit ko bago umalis. I guess, ito na ang simula ng laban ko. Laban para kay Dahyun. Kakayanin ko. Papatunayan kong ako ang karapat-dapat para sa kanya.
💐To Be Continued💐
A/N: Choose your fighter, Guys. HAHAHAHA.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019