Nayeon's Pov:
"
Bakit dinala mo pa ang babaeng 'yun dito?" Tanong ni Dad nang umuwi ako sa bahay matapos ihatid si Dahyun pauwi.
"Cause I love her."
"Hon, Tama na. Ano bang problema mo kay Dahyun? Mukhang maayos naman siya ah. Hayaan mo na lang ang anak mong magmahal ng taong mahal niya." Sambit naman ni Mom.
"Hayaang magmahal ng taong mahal niya? May maitutulong ba ang babaeng 'yun sa future ng anak mo? Kinukunsinti mo kaya nagkakaganyan 'yan." Nagsisimula na naman silang magtalo.
"Payag man kayo o hindi. Hindi ko hihiwalayan si Dahyun. Siya 'yung gusto ko. Siya 'yung nagpapasaya sakin."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Alam mong mahirap lang ang babaeng 'yun? Sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan mo, sa mahirap pa!"
"Sobra na po kayo, Dad. Hindi niyo naiintindihan. Kahit kailan hindi niyo maiintindihan dahil hindi naman talaga pagmamahal ang mahalaga para sa inyo kundi mga babae niyo't pera lang." Nabigla ako nang sampalin ako ni Dad.
"Hooooon! Tigilan mo 'yan. Sumosobra ka na talaga. Ano bang ginagawa mo? Huwag mong itulad sayo ang anak mo! Tama na. Pagod na pagod na kong umunawa sa ugali mo. Umalis ka na. Tapusin na natin 'to. Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Mom kay Dad.
"Ako pa talaga ang gana mong palayasin? Sige. Kampihan mo 'yang anak mong walang utang na loob. Pareho kayo. Ginagawa ko naman lahat para sa pamilyang 'to. Ako na naman ang masama. Pinagtutulungan niyo na naman ako. Sige. Itigil na natin 'to. Magsama kayo. Tandaan niyo. Kakailanganin niyo rin ako balang araw. Kayo na mismo ang lalapit sakin." Sagot ni Dad sabay layo na samin.
"Sige! Umalis ka. Sumama ka sa mga babae mo. Magpakasaya ka. Yun naman talaga ang nakakapagpasaya sayo, diba?! Lumayas ka na. Iwanan mo na kami. Kaya naming wala ka! Wala nang pag-asang mabuo ang pamilyang 'to dahil sa kalokohan mo!" Sigaw ulit ni Mom habang nageempake si Dad ng mga gamit niya.
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko hanggang sa tuluyan nang umalis si Dad ng bahay.
"A---Anak, Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mom sakin. Hahawakan niya sana ako sa pisnge pero lumayo ako.
"Leave me alone." Nasabi ko na lang sabay layo sa kanya.
"A--Anak, I'm sorry. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang tama. Pagod na pagod na ko sa Dad mo. Hindi ko na kayang tiisin ang mga kalokohan niya." Malungkot na sabi ni Mom.
Napansin kong lumiligid ang luha niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan siyang muli't bigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Mom, Don't Cry."
"Patawad, Anak. Alam kong nasasaktan ka na nang sobra sa awat-bati namin ng Dad mo. Pasensya ka na. Hindi ko na maibibigay yung buong pamilya na gusto mo. Sobra na ang Dad mo." Tuluyan nang lumuha si Mom.
"No. It's okay, Mom. Don't cry. It's not your fault. We can live without him. We don't need him." Sagot ko na lang sabay pahid sa luha ni Mom.
Ayokong nakikitang umiiyak ang Mom ko. Nasasaktan rin ako. Sa tagal ng panahon, ngayon lang siya naglakas ng loob na bitawan na si Dad. Of course, it hurts. Hindi na mabubuo yung pamilya ko. Pero mas mabuti na siguro 'to, yung hindi nasasaktan si Mom.
"Anak, Pasensya ka na rin sa inasal ng Dad mo kanina kay Dahyun."
"It's not your fault, Mom. Naiintindihan po ni Dahyun yung sitwasyon."
"Sana makabawi ako sa mga pagkukulang ko sayo bilang Mom mo."
"Okay lang po ako. Hindi na po kailangan."

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019