50: That Should Be Me

488 24 5
                                        

Sana's Pov:

I love her but she doesn't feel the same way like I do.

Kim Dahyun, you make me smile.
You're always the reason why I enjoy my everyday life.

Biglang tumunog yung phone ko habang nakahiga ako sa kama. Wala ako sa mood pumasok ngayong araw. Pakiramdam ko kailangan ko munang mapagisa't makapagisip-isip.

Tumatawag si Mom. Masyado silang busy ngayon sa business namin sa beach resort namin kaya mag-isa lang ako sa bahay.

On the Phone:

"Hello, Mom."

"Hi, Sana. Pasensya ka na sa busy schedule namin ng Dad mo ah. Ayos ka lang ba diyan sa bahay?"

"It's okay, Mom. Ayos lang po ako."

"Ayos ka lang ba? Ang tamlay ng boses mo ah."

"Don't worry, Mom. Pagod lang po ito. Umabsent na po muna ko ngayon para makapagpahinga."

"Magpahinga kang mabuti, Sana. Tawagan mo lang kami ng Dad mo kung may kailangan ka."

"Salamat, Mom."

"Isa pa, kapag may time kayo ni Dahyun. Pasyal ulit kayo dito sa beach resort."

"Si--Sige po."

"Boto ko sa batang 'yun para sayo, Sana. Bagay kayong dalawa. Kayo na ba?"

"No, Mom. We---We're just friends."

"Friends lang ba talaga? Siya ang palaging bukangbibig mo noon kapag nagkukwento ka samin eh. Baka naman nahihiya ka pang umamin sa kanya ng nararamdaman mo. Basta nakasuporta lang kami sayo, anak."

"Inamin ko na pong gusto ko siya pero hanggang kaibigan lang po ako."

"Ga---Ganun ba? Kawawa naman ang anak ko. Sayang naman. Baka may pag-asa pang magustuhan ka niya. Huwag kang susuko basta-basta, anak."

"Mukhang may iba po siyang gusto eh."

"Di bale, anak. Kung para sayo talaga si Dahyun, magiging kayo rin sa huli."

"Salamat, Mom. Papahinga na po ako." Ini-end ko na ang tawag para magpahinga nang muli.

Napatulala na lang ako habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Ano na kayang ginagawa ni Dahyun sa school? Magkasama kaya sila ni Nayeon? Namimiss kaya niya ko?

Hindi ko naman siya masisisi eh. Hindi ko kayang kontrolin kung anong mararamdaman niya. Hindi ko pwedeng ipilit na ako na lang sana. Hindi ko pwedeng baguhin yung katotohanang hanggang kaibigan lang talaga ako para sa kanya.

Ang weird pala talaga kapag tinamaan ka. Kahit alam mong wala ka nang laban, aasa ka parin. Gugustuhin mo paring mahalin siya kahit hindi ikaw yung nasa puso niya. Kim Dahyun, gustong-gusto parin kita.

Nagfacebook na lang ako. Maling desisyon atang nagfacebook ako. Natigilan ako nang makita ang inupload ni Nayeon na selfie nila ni Dahyun. Mukhang close na close na sila. Mukhang masayang-masaya sila sa isa't-isa. Sino ba naman ako para mangontra sa happiness na nararamdaman nila ngayon?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon