Nayeon's Pov:
Kinakabahan ako. Parang gusto kong umatras. Parang gusto kong tumakas. Tama ba 'yung desisyon kong pumayag na makasama magdinner dito sa bahay si Dad ngayon?
"Anak, are you okay?" Tanong ni Mom sakin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
"I'm okay, Mom. Kinakabahan lang."
"Pareho pala tayong kinakabahan." Napatingin ako kay Mom na mukhang may malalim na iniisip.
"May problema po ba?"
"Naalala ko lang yung masasayang ala-ala natin sa nakaraan. Alam mo, noong baby ka pa---palaging Dad mo ang nagkakarga sayo. Siguro hindi mo na 'yun naaalala dahil sanggol ka pa lang noon."
"Hindi ko na nga po maalala 'yun." Napakamot ako sa ulo.
"Anak, minsan naiisip ko ----"
"Na ano po?"
"Naging masayang pamilya rin pala tayo noon. Noong mga panahong kapapanganak ko palang sayo, ikaw ang nagpapasaya samin ng Dad mo. Hindi ko nga alam kung bakit biglang nagbago ang lahat."
"Are you okay, Mom?"
"Oo naman. Hindi lang ako makapaniwala na magkakaroon pa pala tayo ng pagkakataong makasama ang Dad mo sa hapagkainan."
"Darating na siya maya-maya, diba po?"
"Oo, papunta na siya. Kung hindi ka komportable, sabihin mo sakin." Niyakap ko si Mom nang mahigpit.
"Ayos lang po ako. Hindi niyo po ko pinilit na pumayag dito. Desisyon ko 'to. Panahon na siguro para harapin si Dad matapos ang mahabang panahon na hindi siya kasama. Marami akong gustong kumpirmahin at itanong sa kanya."
"I'm so proud of you, Anak. Proud rin sayo ang Dad mo."
"Sana marinig ko 'yan mismo kay Dad nang hindi siya napipilitan." Inayos ni Mom ang buhok ko.
"Sige na. Mag-ayos na tayo sa dining area." Tumango na lang ako't sumunod na kay Mom. Makalipas ang ilang oras, narinig naming tumunog na ang doorbell.
It must be him. Heto na talaga. Wala nang atrasan 'to. Huminga ako nang malalim.
"Ako na ang magbubukas." Nagboluntaryo na si Mom kaya naghintay na lang ako sa dining area.
Maya-maya, bumungad na sakin ang Dad kong may dalang bouquet of flowers at isang box ng cake.
"Para sayo." Ibinigay ni Dad ang bulaklak kay Mom.
"Sa---Salamat. Maupo ka na. Handa na ang pagkain natin."
"Thank you. Isa pa, para rin sa inyo 'to." Inabot ko na yung box ng cake at inilapag ito sa table. Medyo awkward.
"Ku--Kumain na po tayo." Sinubukan kong magpakatatag. Kakayanin ko 'to.
"Lord, Maraming salamat sa pagkain." Sinimulan ni Dad ang lahat sa pagdadasal. I swear, ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
"Nayeon, Kain na." Natauhan ako nang kausapin ako ni Mom. Natulala na pala ako sa kakaisip sa pagbabagong nakita ko kay Dad.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019