96: Sana's Lovelife

474 19 1
                                    

Mina's Pov:

"Congratulations!" Cheer naming lahat nang matapos ang seremonya ng kasalan nila Dahyun at Nayeon.

Nakakatuwa silang pagmasdan na magkasama. Parehong masaya. Parehong may magandang buhay.

"Abot tenga talaga ngiti nilang dalawa." Rinig kong sabi ni Chaeyoung sa tabi ko habang pinagmamasdan sila Dahyun at Nayeon.

"Don't worry, darating din tayo diyan. Sa oras na 'yon, sisiguraduhin kong mas bongga pa diyan yung ingingiti mo." Napangiti na lang si Chaeyoung sakin.

Sinong mag-aakala na aabot kami sa ganito? Yung tipong masaya na lahat. Magkakasundo't nagsasaya nang sama-sama.

Walang kapantay yung ngiti na meron sila Dahyun at Nayeon. Buong akala talaga namin hindi na sila magkakabalikan pero tingnan niyo, wala nang mas sasaya pa sa kanila.

Ngayong kasal na sila, sigurado kaming mawawala sila nang matagal. Siyempre, pwede ba namang mawala ang honeymoon pagkatapos ikasal? Inaasar na nga namin sila eh.

Para sakin, gustong-gusto ko yung nangyayari sa buhay nila ngayon. Kung ano man 'yung pinagdaanan nila sa nakaraan, kinalimutan na nila 'yun para makapagsimulang muli.

Habang abala sila Dahyun at Nayeon sa pakikipag-usap sa ibang bisita, iginala ko muna ang paningin ko sa buong reception.

Nakuha ng atensyon ko sila Momo at Tzuyu na masayang kumakain sa isang tabi. Ang masasabi ko lang sa kanila ay "Good Job!"

Ang sarap ng mga pagkaing ini-prepare nila. Sila kasi yung naatasan na tumulong sa mga pagkaing ihahain since may restaurant naman sila.

Wala paring nagbabago sa dalawang 'yun. Sobrang sweet parin. Ewan ko ba kay Tzuyu kung paano nagawang pagtiyagaan 'tong kaibigan kong si Momo. Kahit na gague si Momo, hindi parin siya iniwanan o pinagsawaan ni Tzuyu.

Nakikita ko talaga kung paano nila alagaan ang isa't-isa simula pa noon. Kami ni Chaeyoung? Heto, successful na rin. Kasal na nga lang din ang kulang. Di bale, may panahon kami para doon.

Hindi naman namin nira-rush ni Chaeyoung ang mga bagay-bagay eh. Kumbaga, nakakasigurado naman akong siya na talaga. Sa ngayon, mas gusto ko munang i-enjoy namin ang moment. Hindi parin nawawala sa bonding namin yung paglalaro ng online games.

Hindi ko talaga in-expect na ang kalaro ko lang noon, magiging jowa ko na ngayon. Diba? Ang astig kasi. Napakaswerte ko rin naman kasi kay Chaeyoung. Palagi siyang nandiyan para ipakitang mahal niya ko. Siyempre, palalamang ba ko?

Sa tuwing napapagod siya, ako na mismo ang nagpeprepare ng kakainin niya. Hindi ko talaga pababayaan 'tong Chaeyoung ko.

Ooops! Muntik ko nang makalimutan. Heto nga pala si Sana. Masayang nakikipagkwentuhan sa ibang table kasama ng magulang niya. Bilib rin ako sa isang 'to eh.

Hindi biro yung mga inisakripisyo niya. Hindi madaling bitawan yung taong mahal na mahal niya. Alam kong kahit na sabihin niyang masayang-masaya na siya ngayon, may kulang parin.

Lahat kami may lovelife tapos siya, wala parin. Ewan ko ba sa kanya. Pinipilit na naming makipagblind date o kaya i-date na lang si Jeongyeon na kasalukuyang nakapwesto sa kabilang table kasama ng iba pang bisita eh.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon