38: Games

492 26 3
                                        

Chaeyoung's Pov:

Ang harot talaga nila Nayeon at Dahyun. Nagsolo na naman. Ano pa bang magagawa namin? Chance na 'to ni Dahyun para magkalovelife haha.

Dahil nagsolo yung dalawa, nauna na kaming magrecess. Magkakasama kami ngayon nila Mina, Momo, Tzuyu at Sana.

"Libre naman diyan, Momo." Sabi ni Tzuyu.

"

Habang naglalakad kami sa hallway, napapalingon samin yung ibang estudyante. Sigurado naman akong nagtataka sila kung bakit kasama namin ang pinakakinababaliwan at kinatatakutan na ring estudyante sa school na 'to.

"Ano kaya kung hintayin na lang namin si Dahyun?" Nahihiyang sabi ko kay Mina. Para kasing hindi magandang idea na kasama namin sila Mina. Mahirap na baka mabugbog pa kami ng mga estudyanteng nagchichikahan tungkol samin.

"What's wrong?" Mahinang tanong niya habang naglalakad kami.

"Ka--Kasi hindi naman kami miyembro ng grupo niyo. I'm sure nagtataka yung ibang estudyante kung bakit kasama niyo kami. Baka iba ang isipin nila." Nakayukong sagot ko sa kanya.

"Pakialam ba nila? Grupo? Magkakaibigan tayo, Chaeyoung. Don't worry, hanggang tingin at chismisan lang sila. Let's go. I got you." Nakangiting sagot niya kaya medyo naging kampante na ko.

"Sa---Salamat, Mina." Hindi ko talaga inexpect na ganito kabait si Mina. Noong una kasi akala ko kasi wala siyang alam kundi magyabang, magsungit, magpasikat, at puro kagaguhan lang ang alam dahil sa mga kwentong naririnig ko na masama ang ugali ng grupo nila.

Sige. Sabihin na nating troublemaker talaga ang grupo nila noon. Pero iba pala kapag nakilala mo na sila, malalaman mo talaga kung ano bang klaseng tao sila. Mabuti na lang nalaman ko kung gaano kagentle si Mina sa lahat ng bagay na ginagawa niya.

Noong una, videogames buddy ko lang siya. Ngayon, kaibigan na ang turing ko sa kanya. Kung noon, puro videogames lang ang ginagawa namin nang magkasama. Ngayon, may mga araw na magkasama parin kami kahit na hindi na kami naglalaro ng videogames. Being with Mina makes me happy.

Nang makarating kami sa canteen, nakabili agad sila Momo at Mina ng pagkain. Ewan ko ba kung bakit nagsisitabihan ang mga estudyante sa tuwing parating na ang grupo nila Mina. Dumeretsyo na muna kami sa tambayan nila sa likod ng school para makakain kami nang maayos.

Nakakaloko kayang inilibre kami ni Momo ngayon. Porke't si Tzuyu ang nagsabing manlibre siya eh. Hahaha.

"Look at them. Hindi nila inaalala yung mga taong nakatingin sa kanila ngayon. Basta nageenjoy sila, 'yun ang mahalaga." Bulong ni Mina sakin sabay turo kila Tzuyu at Momo na tawa lang nang tawa habang nagkukwentuhan.

"Eh, mukhang may something naman sa dalawang 'yan. Ni hindi nga kami magawang ipagluto ni Tzuyu ng pagkain tapos pagdating kay Momo, g na g siya. Asus! Nagkakadevelopan na yang si Momo at Tzuyu. Ayaw lang umamin." Paliwanag ko kay Mina.

"Tayo? Ano bang meron satin?" Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"Huh?"

"Sabi ko, Ano bang meron sating dalawa?" Seryosong tanong niya.

"Hi--Hindi ko alam."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon