Sana's Pov:
"Sorry po!" Gulat na sabi ng isa sa employees nila Momo na nakabungguan ko. Natapunan ng dala niyang drinks yung damit ko.
Medyo badtrip pa naman ako ngayon dahil sa pangungulit ni Mina na makipagdate na daw ako.
"Tumingin ka kasi sa dinada---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang makita ko ang mukha niya.
Para akong naestatwa sa harapan niya. Totoo ba 'to?
"Sorry po. Hi--Hindi ko po sinasadya." Muling sabi niya sakin.
"Dahyun?"
"Po?"
"Ikaw ba 'yan? Dahyun?"
"Ano pong sinasabi niyo?"
"Oy! Ang bilis mo magpalit ng damit ah. Kasal mo 'to tapos nakasuot ka nang ganyan. Naiinitan ka na sa wedding gown mo? Sira ka talaga!" Agad ko siyang pinisil-pisil sa pisnge.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko nang mahigpit.
"Don't touch me!"
"A--Aray! Bakit ba, Dahyun? Ang init naman ng ulo mo." Parang pinipilipit niya ang kamay ko. Ansakit!
"Hindi po ako si Dahyun. Alam kong may nagawa akong kasalanan sa inyo. Nagso-sorry naman po ko nang maayos. Pero kailangan niyo ba talaga akong bastusin?!" Nakakunot-noong sabi niya kaya naguluhan ako.
"Bastusin?"
"Hindi po tamang basta-basta niyo ko hawakan nang walang permiso. Pambabastos 'yun. Mahirap lang ako pero hindi ako papayag na ganituhin ako." Matapang na sabi niya.
"Dahyun naman. Kasal mo 'to ngayon. Bakit ganyan ka sakin?"
"Hindi nga po sabi ako si Dahyun. Kasal? Nandoon po yung ikinasal. Wala dito." Napatingin ako sa inituturo niya sa di kalayuan.
"Oh my god!" Nanlaki na lang ang mata ko nang matuklasan na nandoon nga si Dahyun sa di kalayuan kasama nila Nayeon. Muli akong napatingin sa nakabungguan kong employee.
"So---Sorry. Akala ko ikaw si Dahyun. Magkamukha kasi kayo. Pa--Pasensya na." Nakakainis. Nakakahiya 'tong ginawa ko.
"Gusto ko pong humingi ng tawad sa pagkakatapon ko ng drinks sa damit niyo. Babayaran ko na lang po kayo. Kung gusto niyong magreklamo sa boss ko ngayon, tatanggapin ko po. Magreresign na lang ako dahil hindi ako magtitiis na api-apihin niyo." Ang tapang naman nito.
"Nako. Hi--Hindi. Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako. Hindi ako magrereklamo. Sa katunayan, kaibigan ko yung boss mo."
"Mabuti po kung ganon. Maraming salamat sa pang-unawa. Excuse me, may kailangan pa po akong ayusin na trabaho." Lumakad na palayo sakin yung kamukha ni Dahyun.
Damn it. Akala ko talaga si Dahyun siya. Kaya pala nagalit sakin. Hindi naman pala siya si Dahyun. Nakakahiya talaga yung ginawa ko. Para akong nagfeeling close sa kanya.
Pinagmasdan kong magtrabaho yung babaeng kamukha ni Dahyun. Magkamukha nga sila pero parang ang layo naman ng ugali nila.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019