60: Apology

377 23 3
                                        

#425 sa Fanfiction ang YST. Thanks, You Should Talk Fam.


Dahyun's Pov:

Nang dumating ako sa bahay, inabutan ko si mama na naghihintay na sakin sa hapagkainan.

"Ginabi ka ata. Lumamig na yung pagkain."

"Sorry Ma. Sumama pa kasi akong kumain kasama nila Nayeon."

"Kumain ka na pala eh. Magpahinga ka na sa kwarto mo." Mukhang hindi siya okay.

"Nagtatampo ka ba kasi na-late ako, Ma?" Tumabi ako sa kanya bago mag-cling sa braso niya.

"Kanina pa kita hinihintay, Anak."

"Ma, Huwag ka nang magtampo. Nandito na po ko. Hindi naman po mahalaga kung malamig na ang pagkain. Kakainin parin po natin 'yan. Sige na,Ma. Huwag ka nang malungkot."

"Mas masarap ang pagkaing niluto ko kapag mainit. Pinaghandaan ko pa naman 'yan para sayo."

"Ma, Sorry na. Hindi na mauulit, Ma." Nagpout ako sa kanya.

"Nadadalas ang pag-uwi mo nang late ngayon. Hindi na kita masyadong nakakakwentuhan o nakakasama." Malungkot niyang sabi.

"Sorry na, Ma. Babawi ako sayo, Promise. Nagkayayaan lang po talaga kanina."

"Sige na nga. Matitiis ba naman kita? Anak kita eh. Alam mo namang love na love kita. Malakas ka sakin eh." Sagot niya sabay pisil sa ilong ko kaya napangiti na ko't nakahinga nang maluwag.

"Sorry, Ma. Masyado kasi akong busy sa school ngayon. Masyado ring naging busy sa bonding naming magkakaibigan."

"Hindi naman sa sinasaway kita sa kung anong mga ginagawa mo ngayon, Dahyun. Gusto ko lang ipaalala yung limitations. Alam mo naman 'yun kaya hindi ko na kailangan pang ipaliwanag."

"Opo. Alam ko po 'yun. Makakaasa po kayo. Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko. Hindi ko rin po madadaliin ang mga bagay-bagay. Hindi po ko gagawa ng gulo." Sagot ko kay Mama kaya naman tumango na lang siya sakin.

Matapos kumain, nagpahinga na ko sa kwarto. Kanina pa ko naghihintay ng text mula kay Nayeon. Hindi parin siya nagtetext. Nakauwi na kaya siya?

Minabuti ko nang pangunahan siyang i-text.

"Nasaan ka na, Nayeon? Nakauwi ka na ba?"

Maya-maya, nagreply na siya.

"Oo. Nakauwi na ko sa bahay. Sorry ngayon lang nakapagtext. May inasikaso pa kasi ako."

"Ano naman 'yun?"

"May gustong kumausap sayo bukas."

"Sino naman?"

"Basta malalaman mo bukas. Sige na. Matulog ka na. Magpapahinga na rin ako. I love you. Goodnight."

"Sige na nga. Goodnight na. I love you too." Sino kaya 'yun? Inilapag ko na ang phone ko sa gilid at nahimbing na lang sa pagtulog.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para malaman kung sino yung gustong kumausap sakin.

Pagdating ko sa gate, himala wala si Nayeon. Nasaan kaya ang lokong 'yun? Naglakad-lakad ako sa hallway.

"Good Morning!" Nagulat na lang ako nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Aish. Ginulat mo ko, Sana!" Bigla-bigla siyang sumusulpot.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon