Dahyun's Pov:
"Wow! Ang daming unicorns. Ang daming candy. Ang daming rabbit. Meron pang rainbow~" Manghang pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang mala-wonderland na lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Nageenjoy ako sa paglilibot sa paligid habang yakap-yakap ang isang teddy bear. Muntik ko nang makalimutan sabihin, pigtails ang hairstyle ko ngayon.
Maya-maya pa, nagsimula nang magliparan ang iba't-ibang kulay na paru-paro sa magagandang bulaklak sa paligid. Mas nakamamangha ang chocolate fountain na natanawan ko. Wala nang mas gaganda pa sa lugar na 'to.
Sa sobrang enjoyment na nararamdaman ko, ayoko nang umalis sa lugar na 'to.
Pero sa isang iglap, nawala ang magandang mundo nang gisingin na ko ng mama ko.
"Dubu, Gising na~" Naalipungatan ako sa panggigising ni Mama Jihyo.
"Nanay naman~ Inaantok pa ko. Ang ganda pa ng panaginip ko." Sambit ko habang sinusubukan akong pabangunin ni Mama sa higaan ko.
"Awwiiee. Ang baby ko ~ Wonderland na naman ba yang panaginip mo?" Lambing ni mama sabay kiss sa forehead ko.
"Paano niyo po nalaman?" Napamulat ako't napatingin sa kanya. Binigyan niya ko ng isang ngiti.
"Alam ko namang mahilig ka talaga sa mga cute stuffs. Sige na. Bumangon ka na diyan, Baby Girl." Heto na naman si mom. Inituturing na naman niya kong bata. Dalaga na ko.
Pero tama siya, mahilig talaga ako sa cute stuffs. Simula pagkabata, gustong-gusto ko nang mag-imagine ng magagandang bagay. Halos lahat ng decorations at design sa kwarto ko cute. Mahilig ako sa pink.
Nasabi ko na bang petlover din ako? Mahilig ako sa mga hayop. Ang cute kaya nila. Lalo na ang mga rabbit. Mas cute sila pag tumatalon-talon. Mahilig din ako sa chocolates. Dahil sa mga hilig ko, pati sa panaginip ko napapadpad sila.
"BABY DUBU~ Bangon na diyan. Ready na ang breakfast mo." Sabi ni Mama Jihyo na nakasuot pa ng apron.
"Mama, Hindi na ko baby." Bumangon na ko't naghilamos at nagmumog na muna bago umupo sa upuan sa dining room.
"Kahit 16 years old ka na ngayon, baby parin kita. Kahit na tumanda ka na, ikaw parin ang kaisa-isang baby ko." Sagot ni Mama sabay flying kiss pa kaya napangiti na lang ako.
Ako na yata ang pinakamaswerteng anak sa mundo. Kahit na maagang nawala ang Dad ko dahil sa sakit na lung cancer at kaisa-isang anak lang ako. Hindi nagkulang si Mama sa pagbusog sakin ng pagmamahal.
Para sakin, nagpupursigi siyang kumita ng panggastos namin sa pamamagitan ng pamamahala sa karinderya. Hindi karangyaan ang buhay namin pero nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. May araw na walang-wala kami, meron din namang sagana.
Kahit na ganun, hindi ako nagrereklamo. Sapat na sakin ang ibinibigay ni Mama. Sobra-sobra pa nga dahil sa pagaalaga niya.
Masayahin at maalaga ang mom ko. 16 years old na ko ngayon pero kung ituring niya ko, para paring bata. Tinatawag niya kong Dubu Baby, nickname ko 'yan. Para daw kasi akong tokwa dahil sa magandang kutis ko.
"Kumain ka na. Baka malate ka sa first day of school mo." Sambit ni Mama habang kumakain na sa tabi ko.
"Mama, kinakabahan ako."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
