80: Reunion

468 21 3
                                    

Sana's Pov:

"Ready na ba lahat ng kakailanganin natin?" Tanong ni Dahyun sakin habang nag-aasikaso kami sa kitchen.

Ngayon kasi ang muling pagkikita-kita naming magkakaibigan. Grabe. Nakakaexcite makita ang pagmumukha ng mga 'yun.

Excited na excited na rin si Dahyun na makita sina Tzuyu. Kagabi pa siya hindi mapakali.

"Ano? Okay na kayo diyan? Kailangan naming umalis. May business meeting kami. Maiwan na muna namin kayo. Enjoy." Nagpaalam sila Mom at Dad samin bago sila umalis.

"Sapat na ba 'tong pagkain na iniready natin? Alam naman nating matakaw si Momo." Sabi ni Dahyun kaya medyo natawa ako.

"Siguro naman sapat na 'yan. Hindi nga lang 'yan sapat. Sobra-sobra na yan haha. Pauwiin na lang natin si Momo kapag gutom parin siya." Natawa si Dahyun sa sinabi ko. Totoo naman eh. Sobrang takaw talaga ni Momo.

Makalipas ang ilang oras, tumunog na yung doorbell. Nagkatinginan kami ni Dahyun dahil pakiramdam namin dumating na sila.

Nagmadali na kaming lumabas ng bahay para harapin sila.

"Waaaaaaaaaaaaah!" Napasigaw kaming lahat nang makita ang isa't-isa. Nagyakapan agad kaming lahat. Gague. Namiss ko ang mga sira ulong 'to.

"Ready na ba yung pagkain?" Tanong ni Momo.

"Kahit kailan hindi ka nagbago!" Sagot ko kay Momo.

"Mas tumakaw pa nga yan ngayon. Haha. Siya na umuubos ng pagkain sa restaurant niya." Sabi naman ni Tzuyu kay natawa kami.

"Masarap ka kasing magluto, Tzuyu." Sagot ni Momo sabay kamot sa ulo.

"Kumusta na ang couple gamer na kaibigan namin?" Tanong naman ni Dahyun kila Mina at Chaeyoung.

"Heto stay strong parin kami. Haha. Inggit ka?" Pang-aasar ni Chaeyoung kay Dahyun.

"Yah! Huwag niyong ginaganyan si Dahyun. Ang galing niyang makipagusap sa clients namin. Galing pang ibang bansa 'yan. Huwag kayo." Depensa ko kay Dahyun.

"Gague, Sana. Hahaha. Pumasok na nga kayo!" Natatawang sabi ni Dahyun kaya naman nagsipasok na sila sa loob.

"Wow! Kailan kayo nagpakasal?" Tanong ni Mina kaya natigilan kami ni Dahyun.

"Ka--Kasal ka diyan. Haha." Sagot ni Dahyun kaya napakamot-ulo na lang ako.

"Magkasama na kayo sa iisang bahay eh. Wala parin bang kayo?" Tanong naman ni Tzuyu.

"Wa--Wala naman kaming relasyon eh. Magkaibigan lang kami." Extra ko sa kanila.

"Tsk. Katagal niyo namang magpakasal. Invited dapat kami ah. Dapat marami ding foods." Sabi naman ni Momo.

"Tumigil na nga kayo. Magsikain na lang muna tayo. Nagluto pa kami para sa inyo." Sagot ni Dahyun sa kanila kaya napatango na lang sila.

"Movie marathon tayo mamaya." Sabi ko sa kanila kaya naman nagsihiyawan sila dahil sa sobrang tuwa.

Habang abala kami sa pagkain, tumunog na naman yung doorbell.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon