Warning: SaiDa shippers, magready ng tissue. Charot. Hahaha.
Dahyun's Pov:
Hindi ko alam kung bakit ayaw parin niyang huminto. Ayaw parin niya kong lubayan. Hirap na hirap na ko.
Pagod na pagod na ko sa nararamdaman kong 'to. Ayoko nang masaktan. Ayoko nang magpakatanga. Ayoko nang bumalik na naman lahat ng naramdaman ko noong gabing nasaksihan ko ang lahat.
Aminado kong ako ang lumayo. Aminado kong bumitaw ako. Pero sino ba ang nauna? Siya. Siya ang unang bumitaw sa pamamagitan ng pangloloko niya sakin.
Ayoko nang maramdaman 'to. Nakakabaliw. Bakit? Kasi kahit ang sakit-sakit na, nakakakilig parin. Oo, bawat salita na binibigkas niya --- tumatama parin sa puso ko.
Pakiramdam ko napaglalaruan na naman ang emosyon ko. Pakiramdam ko kapag ipinakita ko sa kanyang kahit na lumipas na ang matagal na panahon, kinikilig parin 'tong puso ko sa kanya.
Ang hirap na. Sobrang hirap. Gulong-gulo na ang isipan ko. Bago mawala si mama, ipinangako kong hinding-hindi ko na hahayaang mapaglaruan o masaktan ako. Ayokong sirain ang pangakong 'yun. Ayokong biguin si mama. Ayoko nang maalala yung panahong nagpakatanga ko.
Yung mga panahong nanghihina na siya pero mas inaalala parin niya yung ikasasaya ko. Yung mga panahong pinili kong unahing asikasuhin si Nayeon kaysa sa kanya. May pagkukulang ako kay mama.
Hanggang ngayon, sinisisi ko parin yung sarili ko. Kung nanatili lang sana ako sa tabi niya, sana naagapan yung lumalalang sakit niya. Kung sa kanya ko na lang sana ibinuhos yung atensyon ko, sana napansin kong may mali na sa kondisyon niya.
Ni minsan hindi niya sinabing may kakaiba na siyang nararamdaman. Akala ko simpleng ubo o lagnat lang. Iba na pala. May pagkukulang ako bilang anak niya.
Kung nasaan man siya ngayon, alam kong binabantayan niya ko. Alam kong hindi niya gugustuhing mapaglaruan na naman ako.
Naupo na lang ako sa pwesto kung saan namin gaganapin ang jamming mamaya. Ayoko munang makita ang pagmumukha ni Nayeon. Naguguluham ako kapag nakikita ko siya.
Napalingon na lang ako kila Chaeyoung at Tzuyu na nagbabasaan sa tabing dagat. Maya-maya, sumulpot sina Mina at Momo. Ang saya nilang apat. Mabuti pa sila. Masaya sila. Naging maganda yung kinalabasan ng relasyon nila. Noon hanggang ngayon, stay strong parin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo." Napalingon ako sa kung sinong nagsalita. Si Sana pala.
"Oh, Sana. Akala ko nagpapahinga ka sa kwarto niyo."
"Nagising kaagad ako eh." Naupo siya sa tabi ko.
"Ang ganda talaga dito. Salamat sa mainit na pagtanggap samin dito sa beach resort niyo."
"You're welcome. Alam mo namang gagawin ko lahat mapasaya ka lang eh."
"Alam mo ---- nakakatakot ka na."
"Huh?"
"Nakakatakot na yang kagustuhan mong mapasaya ako."
"Bakit naman?"
"Ayokong ibuhos mo lahat ng atensyon mo para sakin. Hindi sa ayaw ko. Sadyang ayoko lang talagang paasahin at saktan ka sa huli."
"I see --- wala talaga akong pagasa."
"Ayan ka na naman. Ayan na naman yang nakakalungkot na expression ng mukha mo."
"No need to worry, Dahyun. I'll be fine. Everything will be okay." Ngumiti siya sakin.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
