Dahyun's Pov:
Nauna nang umuwi sila Chaeyoung at Tzuyu dahil may pinaasikaso pa sakin ang isa sa teachers namin na task. Ako kasi yung naatasang mangolekta at magpasa kay Ma'am ng mga assignments namin.
Nang maibigay ko na kay Ma'am ang mga assignments namin, lumakad na ko sa hallway para makauwi na ko. Habang naglalakad ako, bigla na lang may tumawag sakin.
"Kim Dahyun!"
"Si--Sino kayo?" May mga babaeng estudyante na nakatayo sa di kalayuan.
"Ba--Bakit?"
"Come here!"
"Huh?"
"Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?!" Seryosong tanong nila. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah. Mukhang hindi maganda ang pakay nila sakin kaya naglakad na lang ako palayo.
"Hoy! Saan ka pupunta? Kinakausap ka pa namin ah!" Sigaw nila kaya mas binilisan ko na lang ang lakad. Ayoko ng trouble.
Baka mga wala na namang magawa 'to. Ako ang naisipang pagtripan. Nilubayan na nga ko nung mga estudyanteng nambully sakin nitong nakaraan. May bago na naman ngayon.
"Stop!" Napahinto ako nang humarang sila sa harapan ko.
"Pa--Pasensya na. Kailangan ko nang umuwi." Nakayuko lang ako't umiiwas sa eye contact para hindi na humaba ang usapan at makauwi na ko.
"Ang ayaw namin sa lahat 'yung binabalewala kami. Kinakausap ka namin kanina tapos aalis ka na parang walang nangyari." Dagdag nila sabay hawak nang mahigpit sa balikat ko.
"Gu--Guys, Kailangan ko na talagang umuwi. Ano bang kailangan niyo?"
"Kabago-bago mo sa school na 'to. Tirador ka na agad ng mga sikat na students. Hindi ka na nahiya! Tumingin ka nga samin!" Sambit nila sabay hawak sa baba ko para tingnan ko sila.
Mga 4th year rin ang mga 'to ah. Sa kabilang section sila. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila eh. Ni hindi ko nga sila kinukulit o kinakausap.
"Sige na. Mauuna na ko. Wa--Wala nang ibang tao oh." Sambit ko sabay akmang aalis na pero mas hinigpitan nila ang hawak sa braso ko.
"Where do you think you're going?!" Inis na tanong ng isa sa kanya.
"Ano bang kailangan niyo sakin? Tigilan niyo na ko. Please. Ayoko ng gulo."
"Hindi ka lulubayan ng gulo kung ipagpapatuloy mo pa ang panglalandi sa mga sikat na estudyante sa school na 'to. B*tch!" Dagdag ng isa sa kanila sabay sampal sakin dahilan para magulat ako.
Ansakit. Huhuhu. Napahawak na lang ako sa pisnge ko.
"Pl--Please leave me alone." Pagmamakaawa ko pero hindi sila huminto. Sa mga oras na 'to, hinihiling ko na sana may dumaan man lang para tulungan ako pero wala eh. Tahimik ang buong hallway. Hinila nila ko papunta sa gilid ng school bago ko itulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Parang awa niyo na. Ayoko makipagaway. Wala naman akong masamang ginagawa eh."
"Wala? Malandi ka kasi!" Sagot nila.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019