Nayeon's Pov:
Lunch time ngayon, minabuti ko munang maglakad-lakad nang mag-isa. Nakaramdam ako ng magaang kalooban nang maipresent ko na sa harapan ng mga kaklase ko ang mga pictures ni Dahyun.
Nagdalawang-isip ako nung una. Inisip ko na baka mapahiya lang ako sa harapan nilang lahat. Pero sa kabilang banda, naisip kong magandang pagkakataon rin 'yon para magawa kong masabi kay Dahyun na napapasaya niya ko sa bawat ngiting makita ko sa mukha niya.
Mabuti na lang nilakasan ko ang loob ko para magawa kong sabihin ang mga bagay na 'yun sa harap ng lahat. Hindi naman para sa grades yung pagpepresent ko kundi para kay Dahyun. Para maipakita ko sa kanyang siya ang source ng nararamdaman kong happiness ngayon.
Hindi ko nga alam kung paano humantong ang lahat sa ganito. Parang kahapon lang, inis na inis ako sa kadaldalan niya tapos sa isang iglap hinahanap-hanap ko na yung mga kwento niya. Yung madalas niyang pangungulit sakin. Yung tawa niya. Yung ngiti niyang nakakahawa.
Basta ang alam ko, gusto ko palang nasa tabi niya ko. Gusto kong makasiguradong walang mang-aapi sa kanya dahil alam kong maraming naiinggit sa kanya.
Alam ko namang kasalanan namin kung bakit dinadanas ni Dahyun ang pambubully sa kanya eh. Dahil sa paglapit namin sa kanya, siya tuloy yung sinisisi ng iba kung bakit wala silang puwang sa atensyon na maibibigay namin.
Kung minsan, naiisip ko na ring umiwas sa kanya para hindi na siya ang guluhin ng ibang estudyante. Pero hindi ko kaya eh. Yung maisip palang yung thought na 'yun, nakakalungkot na. Ayokong mapalayo sa kanya. Ayokong isipin niya na ikinahihiya ko siya.
Gustong-gusto kong ipamukha sa ibang tao kung gaano ko siya kagustong manatili sa tabi ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit si Dahyun pa ang pinagbubuntangan nila. Miski sarili ko, hindi ko na maintindihan eh.
First time kong makaramdam ng ganito. Never pa kong nakaramdam ng ganito sa ibang tao. Gusto kong makasama si Dahyun. Gustong-gusto.
Habang nagpepresent si Sana kanina, hindi ko maintindihan kung ano bang emosyon yung umaapaw sakin. Obvious namang may gusto siya kay Dahyun. Ako? May gusto na rin ba ko kay Dahyun? Hindi ko alam. Nalilito na ko sa nararamdaman kong 'to.
Pinagmasdan ko na lang yung bracelet na suot ko. Gusto kong palaging suot 'to. Gusto ko ring palaging suot ni Dahyun yung sa kanya. Gusto kong kapag magkasama kami suot namin 'to. Gusto kong malaman ng iba na may couple bracelet kami.
First time ko lang ding nakakilala ng katulad niya na masayahin parin kahit na miss na miss na niya ang Papa niya. First time ko ring nakapag-open nang buong-buo sa ibang tao. First time ko ring nakaramdam ng parang sasabog na ang puso ko sa tuwing makikita ko siya.
"Kim Dahyun, I think I'm falling for you." Nasabi ko na lang habang mag-isang naglalakad.
"Hey, Nayeon!" Biglang humarang si Jeongyeon sa hallway.
"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya bago lumapit sakin.
"Libre ka ba mamayang uwian? Kain tayo sa labas." Yaya niya sakin kaya napakunot-noo na lang ako.
"Hindi."
"Bakit naman?!"
"Ayokong makasama ka."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019