A/N: Maraming nagrerequest ng moment ni Diane at Sana kaya heto na hahaha. Enjoy! Pakinggan niyo yung song sa taas habang nagbabasa. Wala lang. Para may background music lang hahahahaha. Para mas feel lol.
Sana's Pov:
Katatapos ko lang maligo nang makatanggap ako ng text mula sa taong kikitain ko ngayong araw.
"Nasaan ka na?" Bigla akong nataranta nang mabasa ang text mula sa kanya. What the hell? Male-late na pala ako. Hindi ako pwedeng ma-late.
"Papunta na. Wait for me. Malapit na ako." Agad akong nagmadali sa pag-aayos ng sarili para lang makahabol sa oras. Halos madapa na ako pababa ng hagdan.
"Sa--Sana. Be careful. Saan ka ba pupunta?" Gulat na tanong ni Mom nang makita niya akong nagmamadali.
"May date ako, Mom."
"Oh! Talaga? Seryoso, Anak?" Gulat ding tanong ni Dad.
"Yes." Nagmamadaling sagot ko habang abala sa pagsusuot ng sapatos."
"Sino namang kadate mo?"
"Si Diane ba?" Napapangising tanong ni Mom. Hindi ko napigilang mapangiti. Tama naman kasi si Mom. Si Diane nga ang kikitain ko ngayong araw. Minsan ko na rin kasing nakwento sa kanila na may nakilala akong bagong kaibigan. Walang iba kundi si Diane.
"Kailangan ko na pong umalis. See you later!" Nagmadali na akong lumabas ng bahay para sumakay sa kotse't agad ding bumiyahe.
Nagtataka ba kayo kung bakit halos magpanic na ako para lang maabutan si Diane sa napag-usapan naming lugar kung saan kami magkikita ngayong araw? Kasi naman ito ang unang beses na pumayag siyang sumama sakin para magala. Ang hirap kayang yakagin non. Palaging busy sa part-time jobs niya.
Hindi ko naman pwedeng gambalain sa tuwing nag-aalaga sa lola niya kaya tinutulungan ko na lang siya sa bahay nila kung minsan. Na-late kasi ako ng gising. Napuyat ako kakaisip sa kung anong mangyayari ngayong araw. Na-excite kasi ako nang sobra. Kainis.
Habang abala ako sa pagbiyahe, mas lumala ang traffic na nangyari sa kalsadang dadaanan ko. Napahinga na lamang ako nang malalim nang makatanggap muli ng message mula kay Diane.
"Makakapunta ka pa ba? Kanina pa ako nandito eh." Napakamot-ulo ako bago sumagot sa text niya.
"Yes. Konting hintay na lang. Sorry. Papunta na ako. Wait for me." Pinagmasdan ko ang oras. Wala na akong choice kundi magcommute.
Ihininto ko na muna ang kotse ko sa pinakamalapit na parking area bago tuluyang tumakbo sa bus station kung saan nakipagsiksikan pa ako kasabay ng mga taong may kanya-kanyang plano sa araw na 'to.
Damn. Kailangan kong maabutan si Diane. Hindi pwedeng hindi matutuloy ang date na 'to. Pagkakataon ko na 'to para mas mapalapit sa kanya. Uhm. Sa totoo, hindi naman talaga date 'to para kay Diane. Kumbaga niyaya ko lang siyang lumabas. Ayaw pa nga niyang pumayag nung una dahil busy siya pero nagpumilit ako.
Hanggang ngayon torpe parin ako noh. Hindi ko masabi nang direkta sa kanya na gusto kong mapalapit sa kanya kaya niyaya ko siya. Baka maunahan na naman ako ng iba. Hindi na pwede 'yon.
Mabuti na lamang at medyo mabilis yung naging biyahe ko sa bus. Nang huminto ito, nagtatakbo na ako papunta sa Park. Hingal na hingal ako sa kakatakbo. Agad kong hinanap si Diane sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
أدب الهواة"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019