26: My Friend

624 26 3
                                        

Dahyun's Pov:

Heto na naman si Nayeon. Nagkukwentuhan lang naman kami ni Sana tungkol sa mga bagay-bagay na kinatutuwaan naming gawin.

Bigla na lang niya kong hinawakan sa kamay at hinila palayo. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya. May kailangan daw kaming pag-usapan. Ayan na naman siya sa trip niyang may paguusapan kami tapos ang ending, wala naman pala.

Dinala niya ko sa school's garden. Doon ko nalaman na inaalala pala niya na baka sabihin ko sa iba yung nangyari kahapon. Hindi ko gagawin 'yon.

Ang nangyari kahapon ay mananatili sa pagitan naming dalawa. Dahil naniniwala akong hindi lahat ng tao mauunawaan kaagad ang sitwasyon niya. Kung ano man ang sikretong sabihin niya sakin, iingatan ko 'yon. Hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay niya sakin para makilala siya.

Kahit hindi niya ko gustong maging kaibigan, tutulungan ko parin siya.

Nakakaloka ang mga sumunod na nangyari sa pagitan naming dalawa matapos malaman ng mga kaibigan namin ang nangyari kahapon.

Naging kampante na rin naman ako nang maisip ko ang sinabi ni Nayeon na hindi kami ipapahamak ng mga kaibigan namin.

May isa pa kong hindi maintindihan sa kanya. Palagi niyang sinasabi na may itatanong siya pero sa huli, hindi naman niya sinasabi kung ano 'yun. Nakakacurious tuloy.

Kani-kanina, yung maalagang Nayeon na naman ang nakita ko. Sa tingin ko, may malalim siyang iniisip dahil sa weird na actions niya. Kung 'di ko pa sinabing hawak parin niya ang kamay ko, malamang hindi parin nun nahalata.

Lumipas ang ilang segundong purong katahimikan lamang ang naririnig ko. Parang ang awkward tuloy nito. Biglang nagsalita si Nayeon. May itatanong na naman siya pero sa huli, hindi rin niya nilinaw kung ano ang tanong niya dahil dumating na sila Sana.

Paano ba 'to? Paano ba namin ieexplain 'to sa kanila? Aish. I'm sure hindi ako titigilan nang pambubwisit nila Tzuyu eh. Wala naman kasing kakaibang meaning 'yun.

Nagkataon lang na sa karinderya dumeretsyo si Nayeon. Nagkataon lang din na may problema siya nun. Nagkataon lang na ako ang kasama niya kaya ako ang naging sandalan niya. Nagkataon lang siguro ang lahat.

Pero bakir ganito si Nayeon ngayon? Sinusubukan kong paniwalain sila Tzuyu na hindi totoo ang pinagkukwento nila Chaeyoung na nangyari pero biglang nagsalita si Nayeon na totoo ang mga 'yon. What the hell is happening? Pinagtitripan ba ko ni Nayeon? Aish. Mababaliw na ko kakaisip kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Nayeon.

Ano ba talagang meron sa pagitan naming dalawa? More than friends? Hindi kami magkaibigan. Lalong hindi kami magkarelasyon. Malabo 'yun.

Tulad nga ng sinabi ni Sana, hindi naman big deal 'yun. Bakit ako mababagabag sa nangyari? Saka, lilipas rin 'to. Makakalimutan rin ng lahat ang pag-iyak ni Nayeon sa harapan ko. Eh ano namang masama kung umiyak si Nayeon sa harapan ko? Tsk. Hindi nga big deal 'yun. Hindi talaga.

Pumasok na kaming lahat sa classroom nang magbell na. Minabuti kong tumahimik na muna dahil medyo naguguluhan ako sa mga nangyari. Nagpapasalamat naman ako na hindi nambuwisit sila Tzuyu sakin dahil sa nalaman nila.

Hindi ko maiwasang mapalingon kay Nayeon na seryoso lang sa isang tabi. Ano kayang tumatakbo sa isip niya? Bakit patuloy pa rin siya sa pakikipagusap sakin kahit na ayaw naman niya kong kausap? Bumabalik-balik lang ba siya sa karinderya namin para kumain? Wala ba talagang chance na maging magkaibigan kaming dalawa?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon