36: Let's Go

584 24 1
                                        

Dahyun's Pov:

I don't know what to say. Bakit ganun si Nayeon? For some reason, pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may kakaibang nangyayari sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pabago-bago yung desisyon niya sa mga bagay-bagay tulad na lamang ng tungkol sa couple bracelet.

Hindi niya inisusuot noon yung sa kanya dahil mapagkakamalan kaming dalawa bilang couple tapos ngayon inisuot na niya. Ang mas matinde, mas mismong harapan pa ng classmates namin sa classroom.

Ni hindi ko magawang magsalita habang pinagmamasdan siyang nakangiti lang sakin. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko rin inexpect yung sinabi niyang bagay kami. What the hell? Baka pinagtitripan ako ni Nayeon.

"Ayieh!" Pang-asar sakin nila Chaeyoung at Mina.

"Guys! Stop it." Saway ko sa kanila.

"Kayo na ba?" Tanong naman ni Momo habang kumakain ng hamburger na ibinigay pa ni Tzuyu.

"Magkaibigan lang kami ni Nayeon." Paliwanag ko sa kanila.

"Kailangan ka naming kausapin ni Chaeyoung mamaya." Sambit ni Tzuyu sabay tapik sa balikat ko.

"Dahyun, Hindi ka nakakapagkwento na may something pala sa inyo ni Nayeon." Sabi sakin ng iba pa naming classmates.

"Huh? Ah. Eh---"

"They're just friends. Sa kanya na mismo nanggaling." Extra ni Sana kaya hindi na ko nakasagot. Napatango na lang sakin yung iba pa naming classmates.

"Ooops! May nagseselos." Sabi ni Mina.

"Hindi ako nagseselos." Biglang sabi ni Sana.

"Omg! Wala akong binabanggit na name." Dagdag ni Mina sabay ngisi na lang kay Sana na napakamot-ulo na lang.

Nang lumingon akong muli kay Nayeon, nakangiti lang siya sakin mula sa kinauupuan niya.

Im Nayeon, What's happening to you? Habang nakangiti siya sakin, may narealize ako. Mas maganda pala siyang pagmasdan kapag nakangiti.

Sa mabilis na sandali, naramdaman ko yung pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin kay Nayeon.

"Nababaliw na yata ako." Nasabi ko na lang bago tuluyang mapahinga nang malalim.

Nang magrecess na, hinila agad ako nila Chaeyoung at Tzuyu palabas ng classroom.

"Relax lang kayo, Guys." Para kasi silang ewan na atat na atat na kausapin ako.

"Tell the truth, Kim Dahyun. May something ba sa inyo ni Nayeon?" Tanong ni Chaeyoung.

"Oo nga! Bakit 'di ka nagsasabi samin? Andaya. Bestfriend mo kami eh." Sabi naman ni Tzuyu.

"Kayo nga 'tong hindi nagkukwento sakin eh. Chaeyoung, nagdate pala kayo ni Mina. Nakita ko sa myday niya sa messenger. Ginawa niyo pang excuse yung computer games para makapagdate kayo. Ito namang si Tzuyu, may pa-luto ng masasarap na pagkain para kay Momo sa apartment niya. Ano? Kayo kaya ang madaya." Sagot ko sa kanila kaya napakamot-ulo sila.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon