31: For Me?

556 32 2
                                        

Dahyun's Pov:

Hindi ko inexpect na yun pala ang itatanong ni Nayeon sakin. Sana noon pa niya initanong sakin, ganun parin ang isasagot ko.

Masaya akong binigyan niya ko ng pagkakataong mas makilala pa siya. Akala ko imposible. Akala ko hanggang sana na lang ang kagustuhan kong maging kaibigan siya.

Kung minsan nagkakatotoo din pala ang mga "sana". Sa sobrang tuwa ko, di ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Sabi ko na eh, magiging magkaibigan din tayo." Masayang sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. Pasensya na, Clingy talaga ako sa mga nagiging kaibigan ko. Gustong-gusto kong iparamdam yung love ko sa iba.

"Wai---Wait! What are you doing?" Rinig kong tanong ni Nayeon na nakakunot noo na naman habang yakap ko siya.

"Niyayakap ka. We're friends, right? Ganito ko sa friends ko."

"What the hell? Di naman kita nakikitang yumayakap-yakap kila Tzuyu eh!"

"Kasi naiirita sila sa pagiging clingy. Ganun ang friendship namin. Gusto ko talaga na ipinapakita ang love ko sa pagyakap." Sagot ko na lang sa kanya.

"Sa tingin mo, gusto ko ng niyayakap ako?" Tanong niya kaya naman napakamot ulo na lang ako.

"Sige na nga. Di rin ako magiging clingy sayo. Si Sana lang siguro ang mahilig sa yakap."

Siguro siya rin yung tipo ng hindi mahilig sa yakap kaya naman bumitaw na ko. Mahirap na, baka mabadtrip pa sakin 'to.

"Tsk! Sinabi ko bang bumitaw ka na?" Tanong niya kaya medyo nalito ako.

"Huh? Anong sinasabi mo? Ayaw mo ng yakap eh. Dapat kong i-respect 'yun kasi ayaw mo naman ng clingy. Ang mahalaga magkaibigan na tayo." Paliwanag ko sa kanya sabay smile na lang.

"Aish. Lumapit ka nga dito!" Sambit niya sabay hila sakin palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa sumunod na ginawa niya.

"Ba--Bakit?" Napatingin ako sa kanya na nakatayo lang sa harapan ko na para bang may hinihintay na kung ano.

"Ano pang hinihintay mo? Hug me!"

"Ayaw mo ng yakap, diba?"

"Tama! Ayoko nga. Huwag ka nang puro tanong. Gawin mo na lang. Binibigyan na nga kita ng pagkakataong mayakap ako bilang kaibigan mo." Sagot niya kaya medyo napaisip ako sa kung ano na namang trip niya.

Ayaw niya ng yakap pero inuutusan niya ko na yakapin ulit siya. Seriously? Bipolar ba 'tong si Nayeon? Parang kanina naiirita siya sa yakap ko tapos ngayon, nagpapayakap siya.

"Ayos lang sayo?"

"Just do it!"

"Si--Sige. Sabi mo 'yan eh." Kumilos na ko para yakapin siyang muli. Nang mayakap ko siya, nakaramdam ako ng pagka-awkward. Bakit parang ang awkward naman ng yakap na 'to ngayon?

"Pasalamat ka pumayag ako." Bulong niya habang yakap ko siya.

"Hindi naman kita pinipilit na magpayakap sakin eh."

"Whatever, Kim Dahyun."

"Pero salamat na rin sa pagpayag mo. Masaya akong magkaibigan na tayo, Nayeon." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa saya.

"May ibibigay nga pala ako sayo."

"Ano 'yun?"

"Wait here." Lumakad na siya papunta sa kotse niya. Ano naman kayang ibibigay niya sakin? Hinintay ko siya sa seaside. Nang bumalik siya, initago niya sa likuran niya ang bagay na dala niya.

"Ano ba 'yan?" Curious na tanong ko.

"Bago ko ibigay 'to, mangako ka muna sakin."

"Ano namang ipapangako ko?"

"Ipangako mo na hindi mo ko tatawanan o aasarin sa ibibigay ko. Huwag mong isipin na may special na dahilan kung bakit ibibigay ko sayo 'to." Sambit niya kaya napatango na lang ako.

"Pangako."

"Okay! Here. This is for you. Pasasalamat sa pagtanggap sakin sa bahay niyo." Nagulat na lang ako nang ipakita niya sakin ang isang cute na teddy bear.

"Omg! Ang cute!" Hindi ko mapigilan yung sarili kong mapangiti dahil sa cute na stuffed toy na iniabot ni Nayeon sakin.

"Pasasalamat lang 'yan sa pagwelcome sakin sa karinderya niyo."

"Para sakin talaga 'to, Nayeon?"

"May iba pa ba kong pagbibigyan niyan dito? Tayong dalawa lang ang nandito eh." Kunot-noo na namang sabi niya kaya napangiti na lang ako't nayakap sa stuffed toy na ibinigay niya.

I'm so happy. May dagdag na naman sa collection ko ng cute stuffs. Nagustuhan ko 'tong ibinigay niya. Nasurprise ako don ah. Hindi ko inexpect na may iniready palang ganitong gift si Nayeon para sakin.

"May promo sa store na pinagbilhan ko niyan. Pang100th customer ako. Binigyan nila ko ng couple bracelet. Ibibigay ko na lang sayo yung isa!" Paliwanag pa niya sabay hawak sa kamay ko. Inilabas na niya yung isang bracelet. Inisuot niya ito sakin.

"Omg! Thank you so much, Nayeon. Ang ganda nito." Ang cute nung bracelet na ibinigay niya sakin. Iingatan ko 'to. Ang daming surprises ni Nayeon ngayon ah. Nakakabigla.

"Sayo ko na lang ibinigay. Wala naman akong mapagbibigyan niyan."

"Diba couple bracelet 'to. Yung isa? Isusuot mo?"

"Bakit ko naman isusuot 'yon? Itatago ko na lang. Kapag sinuot ko 'yun, baka mapagkamalan pa tayo na may relasyon eh."

"Tama ka. Hehe. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa mapachismis ka pa.  Don't worry, I won't tell anyone na sayo galing 'to. Kung gusto mong isuot yung iyo, just tell me. Huhubarin ko muna yung sakin para hindi tayo mapagkamalan."

"What are you talking about? Huwag mong huhubarin 'yan kahit anong mangyari. Okay?"

"O---Okay." Medyo weird talaga si Nayeon ngayon.

"Kahit isuot ko yung sakin, huwag mong tanggalin yung sayo."

"Pero diba baka mapagkamalan tayo."

"So what?"

"Nayeon, Minsan ang gulo mo talaga kausap." Napakamot-ulo na lang ako.

"Whatever! Umuwi na nga tayo." Yakag niya sakin kaya sumunod na ko sa kanya. Sumakay na kami sa kotse't ihinatid na niya ko pauwi.

Nang dumating ako sa bahay, umuwi na rin si Nayeon. Nahiga na muna ko sa kama para magpahinga nang biglang pumasok si Mama Jihyo sa loob.

"Kumusta ang date?"

"Di po date 'yun."

"Talaga lang ah? Eh, Ano naman yang bracelet na suot mo?"

"Bigay po ni Nayeon. Pati po 'tong bracelet galing sa kanya."

"Omg! Seryoso? Anak, pakiramdam ko talaga pinpormahan ka ni Nayeon eh." Kinikilig-kilig pa si Mama.

"Mama naman ~ We're just friends. Mabuti nga magkaibigan na kami ngayon eh."

"Talaga? Mabuti naman at magkaibigan na talaga kayo. Susunod niyan, kayo na."

"Mama! Imposible 'yun."

"Hindi mo rin masasabi, Anak. Hehe." Lumabas na si Mama ng kwarto ko't nagsimula na kong mapaisip kung ano ba talaga yung nangyaring lakad namin ni Nayeon kanina. Date ba 'yon?

💓To Be Continued💓

A/N: Guys, Sorry sa slow ud. Dami naming inexam eh. Next week, may mga exam pa rin. Fighting!

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon