Nayeon's Pov:
"Wala na bang naiwan?" Tanong ni Sana samin nang matapos naming mailagay lahat ng gamit sa van.
"Nailagay na namin sa van lahat ng gamit." Sagot ni Mina.
"Sige na. Sakay na kayong lahat." Sabi ni Sana kaya agad na rin naman kaming nagsisakayan sa van.
"Grabe. Mamimiss ko ang lugar na 'to." Sabi ni Dahyun na nakaupo sa tabi ko.
"Pwede naman tayong bumalik dito. Pagmamay-ari naman nila Sana 'to." Extra ni Tzuyu.
"Sana nag-enjoy kayong lahat." Sabi ni Sana samin.
"Sobrang nag-enjoy kami." Agad na sagot nila Chaeyoung.
Tama. Na-enjoy ko talaga ang lugar na 'to. Sa lugar na 'to, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Dahyun nang maayos. Nagawa naming ayusin ang relasyon namin.
Ngayon, masasabi kong isang panibagong simula na naman 'to para sa aming lahat, lalo na samin ni Dahyun.
Tapos na ang bakasyon namin. Kanya-kanyang balik na naman sa trabaho. Mamimiss ko ang bonding namin. Kailangan na naman naming humarap sa nakakastress na trabaho.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Dahyun sakin.
"Tinatanong pa ba 'yan? Sobra-sobra!" Napangiti siya sa sagot ko.
"Ako din."
"Mamaya na kayo maglandian diyan!" Saway samin ni Chaeyoung.
"Huwag mo na silang pakialamanan. Tara. Maglandian din tayo." Sabi naman ni Mina sabay yakap kay Chaeyoung.
"Kalalandi niyo! Momo, Come here." Sambit naman ni Tzuyu.
"Sige. Inggitin niyo ko." Sabi samin ni Sana kaya naman napatawa na lang kami.
"Huwag kang mag-alala, Sana. Ipagdadasal naming makilala mo na yung karapat-dapat para sayo." Nasabi ko na lang.
"Kapag nakilala ko siya, hindi ko na siya papakawalan. Kala niyo." Napatawa na lang ulit kami kay Sana na abala sa pagmamaneho.
"Ay! Oo nga pala. Nayeon, napagplanuhan na namin ni Tzuyu yung magiging pagkain sa kasa--- Aray!" Bigla akong kinabahan sa sinasabi ni Momo. Mabuti na lang napigilan siya ni Tzuyu sa pamamagitan ng pagkurot sa tagiliran niya.
"Ano 'yun?" Tanong ni Dahyun sakin.
"Huh? Ah. Eh---wala 'yun. Kagaguehan lang ni Momo 'yun." Sumenyas ako kay Momo kaya initikom na lang niya ang bibig niya.
"Meron ba kong hindi nalalaman?" Tanong ulit ni Dahyun sabay tingin samin isa-isa.
"Kasalanan ni Momo!" Sabi ni Chaeyoung.
"Anong kasalanan ni Momo?" Tanong na naman ni Dahyun.
"Chaeyoung, your mouth!" Saway naman ni Sana kay Chaeyoung.
"Wait. Ang gulo niyo. Ano ba talagang meron?" Naguguluhan na si Dahyun samin.
"Kasi itong si Nayeon may pinaplanong pro---" Nagmadali kaming takpan ang bibig ni Mina.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
