Dahyun's Pov:
Hindi masamang umiyak. Hindi kahinaan ang pag-iyak. Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamasungit na tao na nakilala ko. Basta ang alam ko, kailangan niya ng karamay.
Si Nayeon, ang taong may malungkot na mata. Sa tuwing pagmamasdan ko siya, nakikita ko sa mata niya 'yung lungkot at hirap ng problemang meron siya.
That's the reason kung bakit paulit-ulit ko siyang kinukulit noon. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko siyang matulungan. Hindi sa naaawa ako sa kanya kundi dahil gusto kong mawala yung lungkot na nakikita ko sa kanya.
Maraming nagsasabi na hindi magandang ideya na kausapin o lapitan ko siya dahil isa siya kinatatakutang troublemaker sa school. Yung mga taong nagsasabi nun sa kanya, hindi naman talaga siya personal na kilala kaya bakit maniniwala ako sa kanila?
Maaaring matigas nga ang ulo niya. Maaaring pasaway talaga siya. Maaaring napakasungit nga niya. Pero ang tanong, alam ba nila kung bakit nagkakaganun siya? Alam ba nila kung anong pinagdadaanan ni Nayeon? Hindi.
Aminado kong wala rin akong alam sa kung ano ba talagang problema niya. Pero alam kong may mabuti siyang kalooban na natatago sa masungit niyang personality.
Sa mga oras na 'to, nakahiga ako sa kama't nakatingin lang sa ceiling. Nakauwi na kanina si Nayeon matapos ng nangyari.
Kahit paano, masaya akong nagawa niyang ilabas yung lungkot na namumuo sa mata niya noon pa man. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko yung soft side niya. Nang makita ko siyang umiyak, naisip kong may mahirap talaga siyang problema dahil habang tumatagal, mas lumalakas yung pag-iyak niya.
Pati na rin ang higpit ng pagyakap niya sakin. Ang nasa isip ko lang kanina habang kayakap siya, sana maging maayos na ang lahat. Sana bigyan na niya ng chance yung sarili niya na sumaya.
Hindi 'yung masungit na Nayeon ang nakita ko kanina. Nakita ko talaga yung totoong Nayeon na marunong umiyak at marunong makaramdam ng emosyon.
Kumusta na kaya siya ngayon? Ayos lang kaya siya? Napapaisip tuloy ako kung anong klaseng problema ba ang meron siya. Sa katunayan, sa tingin ko problema sa pamilya 'yon. Nabanggit na niyang meron siyang busy na mga magulang na hindi siya nabibigyan ng sapat na atensyon.
Hindi niya gusto ang pagkaing iniluluto ng maid nila dahil hindi niya nararamdaman na espesyal ang pagkaing 'yon. Naiintindihan ko siya sa part na 'yon. Iba talaga kapag mismong magulang mo ang naghanda ng pagkain para sayo.
Maya-maya, kumatok si Mama kaya pinapasok ko na siya.
"Ano bang problema ni Nayeon?" Tanong ni Mama sabay tabi sakin.
"Hindi ko rin po alam eh. Sa tingin ko po, problema yon sa pamilya. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang damayan, Mama."
"Mukhang kailangan niya ng karamay, Anak. Nakakaawa ang batang 'yon. Pumupunta siya dito para makakain ng mga pagkaing sinamahan ng pagmamahal."
"Siguro po napifeel niya na may nag-aalaga sa kanya kapag pumupunta siya dito."
"Welcome na welcome si Nayeon dito. Kahit ako, gusto ko ring makatulong sa batang 'yon. Mukhang may problemang mabigat ang kaibigan mo." Dagdag ni Mama kaya napatango na lang ako.
"Ma, May aaminin po ko."
"Ano yun?"
"Hindi po talaga kami magkaibigan ni Nayeon."
"Huh? Sinasabi ko na nga ba may relasyon kayo eh."
"Po? Wala po. Ang ibig ko pong sabihin, hindi po kami magkaibigan at wala po kaming relasyon."
"Eh mag-ano kayo?"
"Sa totoo po, kinukulit ko siyang maging kaibigan ko noon kaso ayaw niya po eh. Siya po kasi yung tipong mainitin ang ulo, masungit at palaging nakakunot noo. Wala po siyang interes makipagusap o makisama sa ibang tao. Yung bestfriends niya lang po 'yung kinakausap niya." Paliwanag ko.
"Pero bakit ibang-iba siya kapag pupunta dito?"
"Malamang dito niya po nararamdaman na ayos lang magpakatotoo. Sa school po kasi, sinasabi ng marami na troublemaker siya't hindi dapat nilalapitan. Pero hindi naman po ganun ang tingin ko sa kanya, nararamdaman ko po na naaapektuhan lang siya ng kung anong problema niya."
"Siguro nga tama ang naiisip mo. Di bale, naniniwala akong hindi na magiging indenial si Nayeon balang araw. Kitang-kita ko kung paano ka yakapin kanina eh."
"Unang beses ko po siyang nakitang umiyak kanina. Mukhang hindi na po niya kinayang pigilan ang luha niya."
"Umiyak siya sa harapan mo. Sa tingin ko, may tiwala na si Nayeon sayo."
"Po? Sa tingin niyo po?"
"Oo naman. Proud ako sayo, Anak. Ginagawa mo ang best mo para makatulong sa iba. Pero huwag mong kakalimutan ang sarili mo. Huwag mong hahayaan na may umabuso sayo o sa kabaitan mo." Dagdag ni mama kaya naman niyakap ko na lang siya.
Nang lumabas na si Mama ng kwarto ko, nahiga na kong muli sa kama't nagpahinga na.
Im Nayeon, Just let me see your true colours. I'll understand you. I'll accept you and your flaws.
💖To Be Continued💖
A/N: Yan na muna. Inaantok ako eh. Hahahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/157128011-288-k37897.jpg)
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019