Nayeon's Pov:
Dumating ako sa bahay. Sinalubong ako ni Mom. Naupo na muna ko sa sofa't nagpahinga.
"Nayeon, kumain ka muna. Mukhang pagod na pagod ka ah." Sambit ni Mom sabay lapag ng miryenda sa table.
"Ang dami kasing ginawa sa office, Mom. Ang dami kong kinausap na business partners."
"Proud na proud ako sa achievement mo, Nayeon. Pero mahalaga rin namang magpahinga. Ano kaya kung magbakasyon ka muna?"
"Mom, I'm okay. Trabaho lang 'yan, si Im Nayeon ako."
"Ang bilis nga naman ng panahon. Parang kahapon college student ka palang tapos ngayon successful ka na sa larangan ng business. I'm so proud of you, Nayeon." Napangiti na lang ako kay Mom.
Simula nung araw na makausap ko si Dahyun sa school, hindi ko na siya nakita. Sinubukan kong puntahan siya sa bahay nila ngunit wala na siya doon. Napag-alaman kong lumipat na sila ng tirahan. Ni hindi ko rin naman siya makausap sa social media dahil nakablocked ako.
Mukhang tuluyan na siyang nag-move on sakin kaya naman minabuti ko na lang na hayaan siya. Hayaan siyang maging masaya. Hayaang mapawi lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya.
Nagfocus na lang ako sa sariling pangarap ko. Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. Ginawa ko ang best ko noong college life ko. Ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ako hihingi ng tulong mula sa Dad ko.
Look at me now. Successful na ko. Nagawa naming i-manage ni Mom 'yung flower shop. Ngayon may malawak na kaming garden kung saan iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman ang makikita. Nagawa ko ring magmanage ng bahay-bakasyonan kung saan maraming pumupunta para maenjoy ang moment nila.
Wala na kong mahihiling pang iba. Hindi ko na hinahangad na makasama pa si Dad. Pero kung meron mang isang bagay na alam kong kulang pa sa buhay ko, walang iba 'yun kundi si Dahyun.
Aminado kong sa lumipas na mahabang panahon, hindi parin siya naalis sa puso ko. Noon, nag-advice si Mom na subukan kong makipagdate sa iba. Ginawa ko naman. Sumali ako sa mga blind date. Pero anong napala ko? Wala.
Hindi parin nagbago yung tinitibok ng puso ko. Si Dahyun parin ang nandito. Kahit na wala akong balita sa kanya at kahit na alam kong posibleng may mahal na siyang iba, siya parin yung gusto ko.
Ang dami kong narealize sa mahabang panahong hindi siya kasama. Sinayang ko siya. Pinabayaan ko siya. Ako ang nagkulang. Masyado kong naging kampante na hindi siya mawawala sa tabi ko.
Inabuso ko yung pagmamahal niya sakin. Sinaktan ko siya. Pinaiyak ko siya. Hindi ko siya nagawang ipaglaban dahil naduwag ako. Naduwag akong guluhin pa siya dahil baka mas kamuhian niya ko. Baka mas itulak pa niya ko palayo. Baka masaktan ko na naman siya.
Kumusta na kaya si Dahyun ngayon? Hindi kasi nagbabanggit ng kung ano man tungkol kay Dahyun sila Chaeyoung. Alam ko namang galit parin sila sakin dahil sa nagawa ko. Naiintindihan ko kung bakit hindi parin nila ako mapatawad.
Wala akong update tungkol kay Dahyun pero alam ko ang ganap sa buhay nila Tzuyu.
Isang artist ngayon si Chaeyoung. Ang gaganda ng artworks niya kaya maraming tumatangkilik. Si Mina naman may kompanya na ng programming ng games. Bigtime!
![](https://img.wattpad.com/cover/157128011-288-k37897.jpg)
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019