93: Yes

446 18 9
                                        

Dahyun's Pov:

Nakangiti lang kami ni Nayeon sa isa't-isa habang patuloy paring inaalala ang lahat ng nangyaring maganda samin noong kami pa.

Aminado akong nagulat ako sa mga nalaman ko. Nagulat ako sa pagpapanatili at pag-aalaga niya sa mga bagay na minsan nang naging simbolo ng pagmamahalan naming dalawa. Kahit yung mga bagay na nakakapagpaalala sa masasakit, itinago niya.

Ibig sabihin lang noon, tiniis niya rin yung sakit na nararamdaman niya dahil ilang taon niya ring binabantayan ang mga gamit na 'yon.

Totoo 'yung sinabi ko. Hinanap-hanap ko ang mga 'yun. Minabuti ko na lamang na iwanan sa labas ng bahay ang stuffed toy na ibinigay niya dahil hindi ko 'yun magawang itapon o sunugin. Hindi ko talaga kaya.

Minsan ko na rin yung sinubukang balikan pero hindi na ko umabot, wala na 'yun sa dating pwesto. Hindi ko naman inakalang kinuha pala ni Nayeon. Hindi ko rin in-expect na itatatago niya yung bracelet at sandals na ibinato ko sa kanya noong gabing maghiwalay kami.

"So, Paano?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"H--Huh?"

"Ano nang susunod na mangyayari?"

"Hindi ba't ikaw ang nagyaya sakin para dito? Ano bang gusto mong sunod na gawin?"

"Uhm. May gusto sana akong itanong sayo."

"Ano 'yun?"

"Nangangako ka bang sasagutin mo nang seryoso?"

"Kailan ba ko hindi nagseryoso sayo? Tsk. Ano 'yun?"

"Uhm. Pwe--Pwede mo ba kong bigyan ng second chance?" Yumuko siya matapos magtanong sakin.

"Noong una, sinabi ko sa sarili kong kahit ilang chance pa ang hingin mo sakin --- hindi ko ibibigay. Pero noong bumalik ka na, narealize ko na isang katangahan kung pagbabawalan ko yung puso kong mahalin ka ulit kasi sa totoo hindi naman nawala yung pagmamahal ko para sayo eh."

"Da--Dahyun."

"Isa pa. Malinaw na sakin ang lahat."

"What do you mean?"

"May nagsend sakin kanina ng video. Ikinuwento na niya sakin ang lahat. Naiintindihan ko na."

"Alin?" Clueless paring tanong niya.

"Tsk. Eto!" Kinuha ko yung phone ko't ihinarap sa kanya para mapanood niya ang video na inisend ni Jeongyeon sakin kanina.

Habang pinapanood ni Nayeon ang video, hindi ko mapigilang isipin na pareho pala talaga kaming naging biktima. Napag-isipan ko siya nang masama sa bagay na hindi naman niya intensyong mangyari.

Sinubukan kong ilagay ang sarili ko sa sitwasyon niya. Doon ko narealize na mahirap pala talaga. Pareho kaming nasaktan. Pareho kaming nawalan. Pareho kaming umiyak at nahirapan. Deserve naman siguro naming maging masaya matapos noon.

"Maling ginawa ko 'yun. Akala ko mapupunta siya sakin 'pag naghiwalay kayo, hindi pala ---- kasi hindi pala madaling palitan ka sa puso niya. Ikaw parin eh." Nang matapos ang video, nagkatinginan kami ni Nayeon.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon